33-Lucy

4.8K 120 17
                                    


Long distance relationship.

Heto na pala yun at hindi pala talaga biro. Now I admire Maggie and David more. Nung mga panahong malayo sila sa isa't isa pero they are able to keep their relationship intact.

Yung sa amin ni William, seryosong nahihirapan ako. There are times na hindi ko nasasagot ang tawag nya dahil busy ako sa trabaho o kaya may shoot. Kapag photographer ka pa naman dapat naka focus ka sa subject na kinukuhanan mo or kung hindi maling angle ang maka-capture.

May time naman na hindi nya rin nasasagot ang tawag ko dahil alam kong inaayos nya ang kaso nya.

Alam naming lahat ang katotohanan tungkol sa kaso pero hindi pa rin pala talaga ganun kadali na ma settle ito.

Nakakainis isipin na bakit hindi pa yun matapos tapos samantalang wala naman syng ginawang kasalanan.

He is also a victim himself. He didn't make her fall in love with him. Lovable naman kasi talaga si William ko. Haaay.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko nang hindi pa nakakapag bihis. Galing ako sa pre-nup shoot na ginawa pa sa isang amusement park sa Laguna. Nakakapagod dahil hindi ako satisfied sa mga shots ko kaya kinailangan naming kumuha ng multiple shots. Ewan ko ba. Hindi ko makuha yung tamang emotion.

Hindi ako makapag-focus dahil iniisip ko si William.

It's been three weeks, I thought it was just for a week. He is supposed to be here now, with me. Pero magkalayo pa rin kami sa isa't isa. Bihira pa kaming mag skype kaya hindi ko alam kung tumaba ba sya or pumayat nang dahil sa stress.

Pati internet hindi nakisama sa sitwasyon namin. There's this time na ako lang ang nakikita nya at siya hindi ko makita. Kaya ang ginawa ko in-update ko muna ang app pero sobrang bagal naman ng internet. Nakatulog tuloy ako.

The next morning I immediately sent him a personal message pero hindi naman sya active sa FB.

"Uuugh. I miss you Will." Bulong ko sa sarili ko.

Maluha luha akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Three weeks na pero hindi ko alam kung kelan sya darating.

"Darating ka pa naman diba? Babalik ka pa, babalik ka pa sakin diba?"

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Ewan ko ba. Ganito na yata talaga kapag tumatanda na.

Dapat pala talaga hindi nageexpect eh, tignan mo ngayon, I expected that in a week uuwi na sya dito pero hindi pa pala. Nakaka-disappoint tuloy.

I miss having meals with him. I miss seeing his eyebrows move whenever he seemed amused. Yung mannerism niya na pagkunot ng noo kapag kunwari nag papa cute. I miss talking to him. I miss his hugs. Na mimiss ko na rin ang mga halik niya sa noo ko.

Sa pagkamiss ko sa kanya tuluyan na kong naiyak sa kalungkutan.

I miss him so much and it makes me feel so sad. But I have to understand the situation.

It's midnight now here in the Philippines and madaling araw na sa Australia. I'm sure he's already sleeping. Gustong gusto ko syang tawagan. Gustong gusto ko marinig ang boses nya. Yung baluktot niyang tagalog minsan. Yung slang sound niya na minsan niloloko ko.

Sa pagod at pag iyak ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.

Nagising ako nang marinig kong nagri-ring ang phone ko. Tinatamad ko pa itong kinuha sa side table sa tabi ng kama kaya naman hindi ko na tinignan sa screen kung sino ito at sinagot ko nalang.

"Yes? Hello." I said in a weak voice, at hindi ko rin iminulat ang mga mata ko. Ang aga aga pero wala akong gana.

"Good morning Ms Lucy? Si Janeth po ito. Inform ko lang po kayo regarding sa 10 o'clock meeting nyo with the Urriza Couple. Unfortunately po pinapa-cancel muna nila today Ma'am, something came up daw po kasi. It will be re-scheduled for the last week of the month nalang daw po Ma'am." Paliwanag sa akin ng napaka reliable kong new assistant ko.

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon