WARNING: Medyo awkward ang mga eksena. Right MsInvisiblyAnonymous
After one hour and thirty minutes narating namin ang unit nila William. Grabeng traffic, akala ko forever na kami dun eh. Kailan kaya maayos ang traffic sa Pilipinas specifically sa Metro Manila? Okay na sana nung si Bayani Fernando pa ang MMDA Chairman kaso napalitan naman siya. Yun kasi ang hirap minsan sa mga leader ng bansa natin eh. Maganda n asana ang ginagawa ng isang tao pero dahil di sila magkapartido, either nawawala sa serbisyo o di sinusuportahan.
Ang laking abala tuloy ng traffic na yan at lumala tuloy ang sinat ni William. Tumaas ang temperature niya.
"Love? Wake up, andito na tayo. Halika na, gising ka muna saglit lang. Hindi kita mabubuhat."
Hindi sya umimik, dapat yata dinala ko sya sa ospital, pero lagnat lang naman to. Kaya ko naman siyang alagaan at mas mararamdaman nya ang comfort sa sariling bahay nya.
Bumaba ako ng kotse at humingi ng tulong sa isa mga security guard. Buti nalang may wheelchair sila doon at hiniram ko muna, nagpatulong ako na buhatin sya para maiupo sa wheelchair.
Pagdating sa unit nya, inilalayan sya ni kuya Guard at ipinahiga ko sya sa kama.
Pagkaalis ni kuya guard, nagpunta agad ako sa closet nya para hanapan sya ng damit. Madali lang akong nakahanap ng t-shirt syempre pero bakit parang wala syang pajama? Hindi uso sa kanya yun? Puro boxer shorts? Ano ba naman tong lalaking to. Eh hindi sya pwedeng mag boxer shorts lang, lalamigin siya.
I dialled Maggie's number to ask for help. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Sa totoo lang, kinakabahan akong parang ewan.
Ilang beses ko pang di-nial ang number ni Maggie pero out of coverage area talaga siya. Siguro nasa out of town na naman si best at may outreach activity.
Mukhang wala na talaga akong choice. Dodoblehin ko nalang ang kumot na gagamitin nya.
Sinimulan kong i-unbotton ang polo nya. Let me be clear here okay? Wala akong masamang balak ah, papalitan ko lang ang damit nya. Pero grabe lang, ngayon ko lang sya nakita ng ganito na malapitan, bakit naiilang ako? I mean, wala naman akong ginagawang masama pero bakit ganito ang pakiramdam ko. Napalunok ako nang tumambad sa akin ang matipuno nyang katawan.
Sa pagkaka alam ko ay itinigil na nya ang pag-ggym nya pero bakit sa nakikita ko ngayon, sya pa rin ung tipo ng lalaking araw araw sa gym. I've seen so many male models na walang top shirt pero iba pa rin ang epekto nitong si Will. Nakakaloka lang.
Pagkaalis ko ng polo nya, isinuot ko agad ang tshirt. Tatalikod na sana ako para mag prepare ng soup pero naalala kong hindi pa pala ko tapos sa pagpapalit ng damit nya. Ung pangibaba nya din pala kailangan kong tanggalin dahil medyo basa pa ito, at kapag nagtagal baka pati ang kamang hinihigaan nya mabasa din.
Ugh! William! I hate you right now! Bakit dinala mo ko sa ganitong klasing sitwasyon, I mean, should I really have to do this? Undress you? Well not totally to undress him pero parang ganun na din naman un dba?
Hala, naiilang ako! Para akong bata!
Okay, kailangan ko ng gawin ito, bibilisan ko nalang, bahala na. Buti nalang tulog sya. Buti nalang talaga.
Tinakpan ko ng kumot ang katawan ni Will at kinapa ang zipper ng pants niya. Narinig kong bahagyang napaungol si Will at di ko alam kung bakit. Itinapon ko na lang yung pants niya sa kung saan at kinuha ko na agad ang boxer shorts nya at isinuot ito sa kanya ng nakapikit kahit pa may kumot na ngang nakatakip sa kanya.
Kung paano ko nagawa ng mabilisan to? Hindi ko din alam. Basta ang alam ko, ay nagawa ko nang palitan ang damit nya. Nakakaloka!
Binalutan ko na agad sya ng mga kumot. At iniligpit ang mga damit nya. Nagpunta na ko ng kusina at sinimulang mag prepare ng soup. Buti nalang kahit papano may laman ang ref niya. Mushroom soup nalang ang gagawin ko.
Naghanap din ako ng gamot sa medicine cabinet, at buti nalang meron.
Nang matapos na ko, dinala ko ito sa kwarto nya. Iniligay ko muna ang tray sa side table ng kama nya, at ginising ko sya.
"Love? William? Please wake up, mag soup ka muna kahit konti lang."
"Hmmm?"
"Come on, upo ka muna, saglit lang to tapos inom ka ng medicine okay?"
Tanging ngiti lang ang isinagot nya sa akin at naupo na sya. Sinimulan ko naman syang subuan sa soup na ginawa ko. Dahil medyo mainit pa ito, hinihipan ko muna ito bago tuluyang isubo sa knya. Nang makalahati na nya ang soup, pinainom ko na sya ng gamot.
"Ang hot naman ng doctor ko. You look really beautiful in your dress love." Mahinang sabi niya. Obvious na wala pa rin siyang lakas at may sakit.
"Alam mo, mas hot ka kaya sa akin. Yung temperature mo, 38 degrees. Itulog mo na yan love. I love you. Pagaling kana okay?" And I kissed him on his forehead.
"Thank you for being here love."
Napangiti naman ako sa sinabi nya at inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya hanggang sa magkadikit ang mga noo at ilong namin.
"I'll always be here for you." I said as he closed his eyes to sleep.
Pagkatapos, inayos ko naman ang sarili ko. Mukha pala kong ewan!
Wala akong extrang damit at mukhang wala akong choice kundi manghiram ng damit kay William. Wala naman si Geline dito, hnd naman pwede na kumuha lang ako basta basta ng damit nya, isa pa syempre sarado ang kwarto nya. Hindi naman ako makauwi dahil kailangan ko pang mabantayan si William at hanggang ngayon hindi parin tumitigil ang ulan.
Naghanap lang ako ng medyo mahabang t-shirt niya na pwede kong suotin.
Medyo awkward para sakin nito. Nasa ibang bahay ako, walang masuot kundi tshirt lang, pampalit sa dress ko, tshirt pa ng lalaki. Ayoko magsuot ng boxer nya, sobra sobrang awkwardness na nun para sakin. Maghahanap nalang ako ng tuwalya mamaya at itatapis ko sa bewang ko pababa. Okay na siguro yun.
Naghilamos na ko at inayos ang sarili ko. Pagkatapos ay nilabhan ko ang damit namin. Hindi naman ako nahirapan dahil kumpeto ang gamit nila kaya naging mabilis lang ito para sa akin. Ginamit ko na ang washing machine at dryer nila dito.
Nang matapos ako, pinuntahan ko sya sa room nya to just check if he is okay. I headed to the kitchen and cleaned the area.
Sana lang talaga, maging maayos siya dahil kapag di pa bumaba ang lagnat niya, I'll drive him to the hospital myself.
BINABASA MO ANG
I Found Love at Thirty Two
ChickLitWARNING: Read at Your Own Risk I am 32, single, no boyfriend since birth. At my age, I also have thoughts of falling in love, (I did once but ended not so well) of being loved by someone I love, having a family to call my own. I guess though...