36: Mrs. Lucy Robinsons (part 1)

6.8K 124 14
                                    


Hello! Salamat sa lahat ng nag-enjoy sa recent updates. Sana lang talaga, natuwa kayo. At dahil natuwa rin kami ni partner, we have decided to add this chapter before the epilogue. hihihi

and super big favor lang, we will work on the second part depende sa magiging reaction niyo sa update na to. hihihih. kaya bang 10 comments per person? ahahaha.

Shout out to my partner MsInvisiblyAnonymous sa kilig update na to. hihi. kahit ako natutuwa while editing. Now :with the update:

. *******



'Lualhati Ursula Corazon Yna Gutierrez, cliché na kapag sinabi kong You complete me and I cant live without you, pero kahit na ganoon pa ka-cliché yun, I will always be bold on saying how much you mean to me di lang dahil sa mahal kita pero dahil sa ikaw ang naging daan para makita ko ang liwanag na matagal ko ng hinahanap. Pangako kong...'

"Ma'am Lucy! Bawal mo tong tignan!" Sigaw sa akin ni Janeth nang makita nya kong sinisilip ang pag edit nya sa wedding video namin ni William. Nakakainis lang, malapit na sana akong ulit maiyak dahil sa pag-aalala dun sa mga sinabi ni Will nung kasal namin. Haaaay. Hanggang ngayon, I still feel like floating in the air.

"Sorry, can't help it!" Sabi ko habang naglalakad na patalikod at natatawa sa higpit ng assistant ko.

"Diba may date kayo ngayon? Hala sige na, dun ka na sa labas maghintay." She said with authority at talagang nilagay nya pa ang mga kamay nya sa waist nya.

"Oo na, aalis na. Pero kasi, pwedeng pasilip pa? Please?" Pagpapa cute ko. Ang tagal tagal ko na kasing naghihintay.

"No. Sorry Ms. Lucy, opo boss kita pero boss din namin si Sir William, at kabilin bilinan nya na sabay nyong papanuorin ang wedding video nyo para mas may kilig." She explained and closed the editing software she is using.

"Fine, gandahan nyo ah. Yung may gulat effect sa akin, syempre kabisado ko ang pag edit ng ganyan dahil yan ang business ko. Surprise me guys." Strict kong sabi sa kanila trying to save my face from being too much excited. Eh kasi naman eh. I really wanna watch it.

"Syempre naman po Ma'am. You'll be surprised." – Sabi naman ni Sherylyn na kumuha pa ng champola bago to sinubo at sinenyasan akong umalis na. Siya ang gumagawa nung isa pang version ng wedding video namin. Gusto kasi ni Will ang iba't ibang concept at nagpa contest pa talaga sa mga staff ko.

"Sige na nga, mukhang hindi ko talaga kayo mapipilit."

"Yes naman, hindi mo talaga kami mapipilit ma'am, kasi may mga bagay talaga na hindi pwedeng ipagpilitan." – sabi naman ni Riri na sinang-ayunan ni Jenn.

"Aba't, humugot pa?"

"Yes hugot talaga, kaya dun kana sa office mo, oki maam?" Pinagtutulakan na ko paalis ng mga staff ko. Ay grabe lang talaga sila sa akin.

"Okay." Okay, suko na talaga ko, hindi pa ready ang wedding videos namin. Ang tagal lang kasi talaga.

It's been 8 months nang bumalik kami sa Pilipinas, and it was 5 months ago nang ikinasal kami. We only had three months to prepare for our wedding dahil sa gusto nga ni Will na madiliin ang lahat. Hinintay lang din namin sina Maggie at David na bumalik from their mission trip para present din sila as well as Will's friend na si Aaron pati na rin ang ngayon ay pregnant na rin niyang asawa na si Bianca.

Syempre hindi na ko kumuha ng iba sa pag document ng wedding namin, yun nga lang, kaya umabot na five months hindi pa rin natapos, mas naging priority pa rin namin ang ibang clients kaya okay lang kung nauna nang matapos ang ibang wedding videos, at kapag nakaluwag luwag sa time, saka nalang nila i-edit ang samin.

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon