"Okay, ma'am look into his eyes po, ayan that's good hold it there and 'click' Okay, and that's a wrap everyone. Again congratulations po, I'll see you on your wedding day, future Mr and Mrs Dela cruz."
Pagbati ko sa client ko. Nasa shoot kami for their pre-nup dito sa isang Park kung saan dito daw sila nag celebrate ng first year anniversary nila. Napaka sweet nila, sa sweet nila kulang nalang langgamin na kami dito. Hindi talaga mapaghiwalay, at eto nag- request pa ng last shot, kiss daw. Ilang beses ko na bang nakita tong dalawang to naghahalikan sa harap ko. Nakakakilig silang kunan ng pictures.
At sa tuwing nakikita ko silang sweet sa isa't isa, naaalala ko si Mr. first kiss stealer slash phone snatcher slash savior slash second kiss stealer.
Ang dami kong tawag sa kanya dahil hnd ko man lang nalaman ang pangalan nya. Second kiss stealer dahil oo, hinalikan na naman nya ako at ako naman, nagpadala. Bakit ba minsan hindi natin maintindihan ang sarili natin. May mga actions tayong taliwas sa sinasabi natin.
Dalawang linggo na ang nakalipas magmula ng mangyari yun pero hindi ko maiwasang hindi maisip, as if naman magkikita pa kami.
"Ms Lucy? Okay na ba for the last shot? Please, last na talaga."
Pakiusap sa akin ni Sir Arvin.
"Sure po. Ready na? And.."
'click'" tinignan ko ang picture nila at hindi ko mapigilang mapangiti, ganto rin kaya ka sweet ang magiging pre-nup photos namin ni mr first kiss...
Wait! What lucy? Naisip mo yan? Oh my goodness! Nawala ang ngiti sa labi ko. Erase that thought Lucy! Erase!
Napabuntung hininga ako sa naisip ko.
"Okay na Ms Lucy?" Tanong sakin ni Ma' am Jenny.
"Okay na po Ma'am, it's a perfect shot."
It's a perfect shot dahil na rin sa reflection ng araw na tumatama samin ngayon. Sun rise ngayon, I recommended na ganitong oras gawin ang shoot dahil may mga appointments pa ko sa araw na to pero syempre hindi lang naman talaga yun ang main reason, gusto kong magkaroon ng natural effects ang photos nila. Isa pa, napakaganda din ng lugar na to, bagay na bagay sa mga couples. Hndi pwede ang mga single dito dahil panigurado, makakaramdam sila ng lungkot, lungkot na dulot ng magisa ka sa buhay, walang kasama sa ganitong klaseng lugar, walang ka hawak kamay, walang balikat na sasalo sa iyong ulo at walang mga kamay na yayakap sayo. Pero yun ay base lang sa observation ko. Actually hnd lang pang- couples ang park na ito, pang barkada at pang pamilya talaga saya Pero love is just in the air.
"Thank you very much Ms Lucy." Pagpapasalamat sa akin ni Ma'am Jenny.
"You're very much welcome po, for sure excited na kayo."
"Oo naman, sobra. We've waited for 5 years and I am so happy that finally ikakasal na kami."
"Wow, 5 years po? Grabe, ang galing naman."
Paghanga ko sa tagal ng naging relasyon nila dahil sa panahon ngayon, bihira nalang ung mga nakakatagal sa relasyon. Kaya ang iba, pinagsisigawan nilang walang forever. Pero sa totoo lang, kung gsto mong magtagal ang isang bagay sa puder mo, pagsisikapan mong alagaan ito nang hndi ito mawala sayo.
"Yes, 5 years, actually, hindi lang 5 eh, naghiwalay na kami dati nyang si Arvin. Naghiwalay kami kasi may mga ibang babaeng nali-link sa knya. Selosa kasi ako. Nung nalaman ko un, galit na galit ako, syempre kapag sakin, sakin lang walang iba dapat dba? Nakipaghiwalay ako sa knya. Pero hindi nya ko tinigilan, humingi sya ng tawad pero ako, nagpadala sa emosyon ko, tinuloy ko pa din ang pakikipag-hiwalay. Akala ko magiging okay ako nun kasi wala na sya sa buhay ko. Pero nagkamali ako, mas naramdaman ko yung sakit, sakit wala na sya sa buhay ko. Pero siguro, ang mga relasyon dumadaan talaga sa kahit anong klasing pagsubok, nasa satin un kung paano natin haharapin. "
BINABASA MO ANG
I Found Love at Thirty Two
ChickLitWARNING: Read at Your Own Risk I am 32, single, no boyfriend since birth. At my age, I also have thoughts of falling in love, (I did once but ended not so well) of being loved by someone I love, having a family to call my own. I guess though...