27 Lucy (part 2)

5K 196 75
                                    

Hindi man nakaabot ng 25 votes okay na rin hahaha. Over 50 Naman ang comments. Saka were just too happy today. Hihihi. Now to our update. We hope you'll enjoy reading.
- Elyds and MsInvisiblyAnonymous

***
Kasama ko sa table ang mga staff sa office nila William dito sa wedding reception. May sarili kasing table yung mga may participation sa kasal, like Will, he is the bestman.

Pero mayat maya naman ang punta nya sa table namin. Sa amin pa sya sumabay kumain. Talagang hindi na kami mapaghiwalay.

Kanina, Aaron asked him kung kailan na daw kami susunod, kung kailan kami ikakasal. Sumagot naman sya na malapit na. Well, kinilig ako sa sinagot nya. Ang saya lang isipin na gusto akong pakasalan ng taong mahal ko. Na ako ang gusto nyang makasama for the rest of his life. Ibig sabihin, what we have is something serious and handa na siyang matali sa akin.

Yun naman ang purpose kung bakit ka papasok sa isang relasyon di ba? To marry that person, if not?

Bakit nanligaw pa in the first place?

Bakit sinagot mo pa yung tao in the first place?

Some relationships worked out and nakakatuwa because they ended up together. Pero ung iba, nakakalungkot dahil nauuwi sila sa hiwalayan. Minsan kung alin pa yung nagtagal sa relasyon nila bilang magboyfriend at girlfriend, sila pa yung hindi nagkakatuluyan.

Life is really unpredictable. Siguro we should not expect too much about something in life, para hindi rin tayo masaktan. We should treasure and take care of the things na nakakapagpasaya satin.

Like Will, aalagaan ko sya para manatili sya sa akin. Pangangalagaan namin ang kung anong meron sa amin sa abot ng aming makakaya. And yes, we will both seek God for Him to be the center of what we have.

...

After the dinner, I decided na puntahan ang maliit na garden na nasa labas lang ng venue. Napatingin ako sa langit at napansin kong walang stars. Mukhang uulan pa yata. Pero kahit ganito, hindi pa rin mawawala ang ganda ng gabi na ito para sa ikinasal.

Darating nga kaya kami ni William puntong ito? Ang maikasal? To say I do to each other...

"Love?" Natigil ako sa mga thoughts ko nang tawagin ako ni Will.

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap, let's get inside come on. Throwing of the bouquet na saluhin mo ah, ako ang sasalo sa sa ano, dun sa.. Ahmmm. Garter."

Sabi nya sa akin na ngiting ngiti.

"What if hindi ako ang makasalo?"

"Ikaw ang makakasalo. Let's claim it love."

"I have never caught the bouquet of flowers every time I would attend a wedding.

Palagi kaya akong sinasali ng mga clients ko sa ganyan. Wala akong nasalo ni isa."

"Well, maybe, tonight is the time."

"Kapag hnd ako ang nakasalo, ano gagawin mo?"

"Ikaw ang makakasalo."

"Paano nga kung hindi? Tapos ikaw ang makakasalo ng garter na yun? what are you gonna do?"

"Bakit ba ganyan ka mag isip? Love? Are you okay? Try Lang natin please?"

"I told you, i have never caught one."

Hindi pa kasi talaga ako nakakasalo ng ganun, dati nga I took it as a sign na baka nga hindi na ko ikakasal, pero ewan. This time kaya makakasalo na ko?

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon