Isa to sa pinakamahabang chapter. Hihih. Dedicated to @SheralynGonzales , ate MicxRanjo , at kay @Awesome_babygirl (tama ba? Hehehe)150 comments ulit? Salamat.
***
I was just supposed to buy a children's cloth for Maggie's daughter as a gift for being an honor student when I found myself smiling while holding a boxer shorts.
Ewan ko ba. Kanina lang, nasa children's section ako pero may kung anon a lang humila sa akin para pumunta sa men's section. Naalala ko kasi yung time na nagkasakit si William at kinailangan na ako ang magpalit ng damit nya. Ang awkward nun para sa akin, kung alam lang nya. Tinukso tukso pa nya ko, dahil baligtad daw ang pagkakasuot sa knya. Malay ko ba dahil nagmadali na din ako.
Ibinaba ko na ang boxer shorts at nagpunta sa area kung nasan ang mga pajama. Ibibili ko sya nito para just in case na magkasakit sya, may masusuot na syang pajama nya.
After Aaron's wedding and that night na nagkasakit sya at sabay pala kaming nakatulog, masasabi kong mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang laki ng respeto nya sa akin kahit pa minsan ay may pagkapilyo pa rin. Hindi sya nahihiyang magsabi sa akin ng nararamdaman nya.
Nagpunta na ko sa cashier para bayaran ang pajama na binili ko para sa kanya. Pagkatapos nito ay babalik na ko sa studio.
I had a meeting here with a client at agad natapos kaya naman naisipan kong bilhan ang inaanak ko ng damit pero yung puso ko sumisigawa na bilhan si Will ng pajamas kaya di ko na pinigilan pa ang sarili ko.
Paglabas ko ng store, napapatingin ako sa mga bata na kasama ng kanilang mga magulang. Naalala ko ang ginawa kong shoot two weeks ago sa orphanage, yung entry ko para sa isang international photography contest. First time kong sumali sa isang international contest at hindi ko mapigilang kabahan lalo pa at nakapasa na ako sa first round nito kung saan isa ako sa napili para maging representative ng bansa. Feeling ko tuloy ako si Pambansang Kamao Many Pacquiao.
I am just waiting for the email coming from the organizer to invite me to attend the final round. Amazing nga kasi sa Australia gaganapin ang awarding, at doon din ang magiging exhibit.
Hindi lang mga asian countries ang sumali dito, may sumali galing sa mga bansa sa Europe, Australia, South Africa, at US. The contest aims to open the eyes of the world to the struggles and challenges that children from all over the world are experiencing. Mula sa digmaan, kagutuman, pang-aabuso, trafficking at napakarami pang iba.
Yung sa akin, mga orphan ang naging theme ko, bilang ako din ay laki sa ampunan kaya malapit talaga sa puso ko ang temang ginamit ko. Will is also supportive of the topic I chose dahil kahit siya ay naging beneficiary rin ng mga taong may mabubuting pusong kumupkop sa kanya.
I just really hope that God will answer my prayer.
***
"Good afternoon maam." Bati sa akin ni Sherylyn, isa sa mga staff ko sa office. She was smiling all over. Yung mata niya ay tuwang tuwa. Sa tuwing ganito si Sherylyn, isa lang ang ibig sabihin non, may isang big client siyang na-close.
"Good afternoon too. Mukhang masayang masaya ka ngayon ah! Lalo ka tuloy gumaganda."
"Salamat maam. Eh kasi po I'm so blessed to be working with such an awesome boss." May inabot na sticky note si Sherylyn na ikinagulat ko na naman.
"Is this for real?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakasulat sa note.
"Yes maam. They said they tried sending the email several times to formally congratulate you and invite you in the awarding but it kept on bouncing. Kaya nag-international call na lang po sila maam! Congrats po. God is so great talaga!" Tuwang tuwang sabi ni Sherylyn.
BINABASA MO ANG
I Found Love at Thirty Two
ChickLitWARNING: Read at Your Own Risk I am 32, single, no boyfriend since birth. At my age, I also have thoughts of falling in love, (I did once but ended not so well) of being loved by someone I love, having a family to call my own. I guess though...