27 Lucy part 3

4.9K 131 105
                                    

We're back. Hahaha. 20 votes and 100 comments please? Will you? Hahahha.

Dedicated to @micheilockz
------------
"Love? Is there something wrong? Are you okay?"

Tanong sa akin ni William, pauwi na kami ngayon at mukhang matatagalan ang byahe dahil bumuhos ang malakas na ulan. Kailangan mag-ingat sa byahe dahil manggagaling pa kami ng Tagaytay kung saan naganap ang kasal.

"Oo naman okay ako. Okay na okay." Sagot ko na hindi humaharap sa knya.

"I was looking for you earlier nasa parking lot ka lang pala, anong ginagawa mo dun?"

"Wala excited na siguro akong umuwi kaya ganun..."

"Why is there sarcasm in your voice?"

"Just drive Will okay. Eyes on the road."

"You seem mad?"

"Me? Mad? Of course not! Why would I?"

"Love naman. Are you telling me the truth?"

"Ah, you think I'm mad because of what happened earlier at the reception? You know? The garter thing and the kiss? No I'm not mad at all! It's TOTALLY fine with me. Naiintindihan ko naman kung bakit ginawa mong HALIKAN ung babae na yun..."

"Si Maykie."

"Wow alam mo pa talaga name nya ah. Seriously?" Napaharap na ko sa knya. At nainis ako dahil nakangiti sya ng nakakaloko.

"You're cute when you get jealous."

"I'm not! Feeling mo naman!"

"Love, that was nothing alright? Trust me. Wala lang yun. It's just that all eyes were on us. You know traditions."

"Pwede ka na mang tumanggi hindi ba?"

"I... Well..."

"Oh No need to explain, ginusto mo din eh." Pabulong kong sinabi.

"That's not what I meant! Hindi lang ganun kadaling mag refuse kanina dahil lahat nga ng mata nakatingin samin kanina..."

"Excuses, sige magdahilan kapa."

"Come on Lucy, don't be such a..."

"What?" Pag putol ko sa sinasabi nya, napansin ko naman na parang bumagal ang takbo ng kotse. At mayamaya itinabi nya ito sa gilid ng daan.

"What is happening? Wag mong sabihing nasiraan tayo?" Tanong ko sa kanya. Please, not now, ang lakas lakas ng ulan.

"Let me check..." Sagot nya sabay baba nya sa kotse.

"Wait! Umuulan! Dalhin mo ung payong! Wait, Asan na ung payong?" Sigaw ko sa kanya sabay hanap ng payong sa bag ko.

Patay! Bakit wala ung payong? Naiwan? At ngayon ko pa talaga naiwan?

Bumalik naman sya agad sa kotse na medyo basa na.

"Ano? Flat ba yung gulong?"

Tanong ko sa knya habang pinupunasan ang gwapo nyang mukha.

Wait, galit ako sa kanya ngayon, dapat hindi ako masyadong concern.

Pero nabasa sya ng ulan baka mapano sya dba? Kawawa naman sya. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya.

"I have a spare tire sa likod, kailangan mapalitan ung gulong para makauwi na tayo agad at para makapag pahinga ka na din."

"Pero wait, may payong ka ba dito? Naiwan ko ung payong ko, hindi kita hahayaan na mabasa sa ulan, ang lakas lakas ng ulan oh, baka magkasakit kapa."

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon