VIII-Lucy

12.5K 252 88
                                    




The thought of that guy who stole my first kiss and my phone kept on lingering in my mind.

Yakap yakap ko na ang unan ko at life-sized teddy bear ko at nakapikit na ang mga mata ko pero gising pa rin ang diwa ko. Maloloka na nga ata talaga ako!

That guy is very full of himself! Nakaasar. I have to find him and file sexual charges against him para matuto!  I have to fight for my right at ipaglaban ang karapatan ko bilang babae. 'Pero paano mangyayari yun? Eh tumugon ka rin sa halik niya.' Narinig kong sabi ng utak ko.

'Hindi ah! He dragged me to the elevator and forced me.' Sagot ng kabilang utak ko. 'Talaga? Why not check the CCTV Camera and see for yourself. Iba kaya ang ginawa mo.'

Napatayo ako sa naisip ko. CCTV camera. Kiss inside an elevator. What if it leaks? What if... OMG!

Ano na lang mangyayari kapag kumalat ang video na yun sa mga social media sites? Paano kapag naging viral?

Paano kapag makita ng mga madre sa ampunan na nagpalaki sa akin nang mamatay sa sunog ang mga magulang ko? Paano kapag makaabot yun kay Mother Superior? Ano na lang ang sasabihin nila?  Yung Lucy na pinalaki nila ng napakagalang na bata at may takot sa Diyos at pinag-aral sa magagandang school mula preschool, grade school, high school at college ay hindi nakapagpigil at nakipaghalikan sa loob ng elevator! 

Ano na lang ang sasabihin ng mga students ko sa university? Na ang professor nila sa Photography class eh not a good example?

Paano kapag makita yun ng mga client ng studio ko?  What if they would take that scene against me? Paano na ang buhay ko at ang career ko? Worst, paano kapag i-play yun sa mga events na I will render our services with?

Paano kapag makita yun ng mga churchmate ko ngayon? Paano kung i-judge nila ako dahil sa video na yun? Anong gagawin ko? Paano na sina best at Pastor David? What if people say na they are friends with someone like me who does random intimate acts in an elevator!

Ano?! Paano na!

Bwiset talaga yung lalaking yun! Ang dapat sa kanya, bangasan ang mukha. Ang daming pwedeng hindi magagandang mangyari ang mangyari!

Kapag nakita ko yun, sasapakin ko talaga siya. 'Sigurado ka? Gusto mong pumangit ang mala-modelo niyang mukha? You won't regret it?'

Anak ng! Ano ba Lucy? Anong iniisip mo.

Kaya imbis na matulog na ako eh naisip kong tawagan na ang cellphone ko nang sa gayon ay mabawas bawasan na ang pag-iisip ko sa kung sino si Mr. first kiss stealer slash phone snatcher.

I got up from my bed and went to the living room. Hindi ko alam kung bakit may kaba sa dibdib ko as I dialled my own cellphone number. Sana naman eh sagutin niya no?

What if snatcher talaga siya, snatcher na englisero? Grabe, iba na talaga ang panahon ngayon. 'Ginagamit ng mga sindikato ang kagwapuhan nila para magnakaw!'

'Gwapo? Anong gwapo? Hindi lang siya gwapo Lucy, he is perfect! Your ideal guy.'

Nakakainis na talaga ang sarili ko. Ano na naman ba tong iniisip ko.

Huminga ako ng malalim at hinintay na sagutin ng lalaki ang phone ko and yes, my world turned upside down when I heard him answer.






"Hello?"

Oh my gosh! Bakit ang sarap naman pakinggan ng boses niya? Yung tipo ng taong masarap makausap, wait..

Lucy?

Focus! Ayan ka na naman eh!

"Hello? Who is this?"

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon