31: Lucy part 2

4.6K 124 24
                                    

William took off his shirt at once. Para lang siyang robot na sumunod sa akin at nagulat pa siya ng bigla kong iniligay ang kamay ko sa may scar niya. I was also surprised myself of my action pero gusto kong maprove na tama ang hinala ko, na maaaring gawa-gawa lang ang kaso kay Will.

"Love, what are you doing?"

"When did you get this scar? Kelan ka pa nagkaroon nito?"

"Soccer days ko.  Medyo may nakalaban kaming maduming maglaro but we still won. Naka goal ako tapos they waited for us after the game and hit us hard, lalo na ako."

"Kelan pa yun nangyari?"

"Ahmmm. Wait.. I think.. hmmm. Five years ago. Parang ganun. Medyo matagal na. Ano bang nangyari? Pwede ko na bang suotin ang t-shirt ko love? Ano kasi medyo awkward. Gusto na kasi kitang yakapin dahil answered prayer to. Andito ka na sa tabi ko pero kung ganito ang ayos ko baka..." Napakamot ng ulo si Will at natatawang umupo sa sofa at hinila ako sa tabi niya nang hindi pa rin nagbibihis.

"Thank you love. Thank you dahil andito ka. Akala ko iiwan mo na ako." Masayang malungkot na sabi ni Will. Bakas pa rin sa boses niya ang emosyong hindi maipaliwanag.

"Look at this picture Will. Tell me, anong kakaiba sa picture mong to at ng babaeng nakayakap sa yo?"

"Love naman. I'm sorry. Back then I just engaged in sex casually alam mo yun pero I have changed."

"Can you just answer me first Will? Tell me anong kakaiba sa picture na to?"

"Ahmmm. Wait, yung boxer shorts I don't wear colors like that. I prefer dark colors." Naumid pa si Will sa pagkakasabi niya na parang nahihiya na hindi maintindihan.

"Okay. And what else?"

"Ahmmm. Medyo, medyo kulang yung abs ko diyan. I mean I used to be very conscious with how I look kaya alaga rin ako sa gym. I just stopped kasi okay na akong ikaw lang ang babaeng kasama ko."

"Will naman eh. Kung anu-ano ang nakikita mo. Can you please look intently on the picture and tell me?"

"Sorry na love. Natataranta lang ako at di ako makapaniwalang nasa tabi kita ngayon. Miss na miss na kita eh." Lumapit si Will sa akin at hinalikan ako sa noo. Di naman ako tumanggi dahil alam kong ang pagpaparamdam sa kanyang mahal ko pa rin siya ay isang paraan para magkaroon siya ng lakas ng loob.

"So ano ng nakita mo? Kapag di mo pa nakita, babalik na ako sa Pilipinas."

"Love naman. Don't. Kahit wag mo na kong kausapin kapag di ko nakita pero wag kang umuwi. Paano ang contest mo? Mamaya na ang awarding. I want to drive you there pero paano? Baka may pulis?" Sumandal si  Will sa balikat ko at pareho lang kaming tahimik na pinakikinggan ang pintig ng aming mga puso.

"Love, look at this picture. Yung scar mo wala sa picture na to. Ang kinis ng balat mo dito oh." Tinuro ko kay Will yung bahagi ng dibdib niya na dapat ay may scar at napatayo siya nang mapansin ang napansin ko.

"Yeah. I.. I don't have a scar in this picture."

"Yes. and kung five years ago nang makuha mo yang scar na yan, at ngayon ay andyan pa rin ang scar na yan, that means, in between those years, dapat andyan ang scar mo, including this incident with the girl who filed rape against you."

"Bakit di ko agad nakita to? Sa totoo lang hindi ko actually matandaan ang babae. Ano kasi, ang dami ng.. Im sorry love. Di ko na talaga kasi mabilang. Pero nagbago na naman ako. Di ba? Alam mo yun."

"I know love kaya nga answered prayer talaga si Maggie sa buhay ko. She pointed this out. I mean to check if there's something fishy going on at nang tingnan ko ang picture, I realized na walang scar ang picture mo dito. This could have been edited using Photoshop or other photo editing tool or app."

"Wow! Oo nga. Maggie is heaven sent. Nakakatuwa naman love. Pero, teka, paano mo nalaman na may scar ako sa dibdib ko? You mean to say..."

"Naku Will, babatukan kita diyan. Kung anu-ano iniisip mo!" I got up from the sofa and headed to the kitchen to get a glass of water. Medyo naramdaman ko na rin ang awkwardness lalo at naalala ko yung gabing binihisan ko siya. There was a sense of urge to touch is skin but I had self control. Pero paano kaya ngayon? Makokontrol ko pa rin kaya ang sarili ko kung sakali? 'O God! Help us.'

"Wag naman love. Baka maalog ang utak ko at malimutan kita. I don't like that idea. Pero paano mo nga naalala na may scar ako?" Sinundan ako ni Will at kumuha rin ng baso ng tubig.

"I took off your shirt before. Binihisan kita di ba? Dahil sa may sakit ka. Remember?"

"Yeah. Yeah. I remember."

Nilapitan ako ni Will at yumakap mula sa likod ko. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at naramdaman kong pumatak ang mga luha niya.

"Love, this is a test of faith ano? Alam na nating hindi ako ang lalaking yan and I didn't force her to sleep with me, pero how can we prove that? That's the only thing we are missing pero kung mahina ang alibi natin at mas malakas sila at ang lahat ng evidences nakaturo sa akin, love.. I will be in jail." Tuluyan nang humagulgol si Will. I wanted to cry too pero pinigilan ko ang sarili ko. Ano ang point ng pag-iyak di ba? Crying isn't bad but crying is not an option now. I mean why do we have to cry when we both know that God is on top of the situation but nonetheless, hinayaan ko si Will na umiyak at ilabas kung anong nararamdaman niya. Kung yun ang magpapagaan sa kalooban niya.

"Love don't worry. We will overcome. Remember Acts chapter two verse 21, and it shall come to pass that everyone who calls upon the name of the Lord shall be saved. Ngayon pa ba tayo bibitaw love?"

"Tama ka. Tama ka love." Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Will at ipinatong sa mesa. He moved closer at pinagdikit niya ang mga noo namin.

"I am so blessed to have someone like you Love. Ganito lang muna tayo. Namiss kita. kahit kagabi lang tayong hindi nagkausap. Masaya na sana eh kaso may ganitong nangyari."

"Will, don't you think we have to tell this to your parents? Para kahit sila, hindi na malungkot dahil alam nating malinis na ang pangalan mo."

"Yes. We have to. But give me five minutes. Five minutes to feel you. Tapos Mag-ayos ka na. I'll drive you to the venue and make sure you'll receive the prize. I'll have a disguise tapos pupunta na ako sa presinto at susuko. Wala naman akong kasalanan and God is with me. He has empowered me to do something great at kung sakaling makulong ako love, God will have another plan basta wala na akong alinlangan pa dahil alam kong nandito. Nasa tabi lang kita."

"Ganoon din ako Will pero pwede magbihis ka na muna. Yung abs mo love pakalat kalat!" pareho kaming natawa at nagkaumpugan pa bago namin inayos ang mga sarili at tinawag ang parents ni Will. Whatever happens, we will put our trust in the Lord.

-----

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon