(Lucy POV)"...I've decided to love you..."
Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang mga huling sinabi sa kin ni William kanina kahit na may thirty minutes na rin ang nakakalipas mula nang ihatid niya ko dito.
Hindi ako makasagot nung time na yun. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Buti nalang tinawagan ako ni Maggie at kahit papano nakaiwas ako. Hindi ako sanay sa ganitong eksena sa buhay ko at di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Sa lahat ng lalaking nakilala ko, si William lang ang in-entertain ko. Hindi ko alam kung bakit. Sa lahat ng gustong manligaw sa akin. Sya ang binigyan ko ng chance.
The dinner we had at my favorite resto was actually an awesome night for me. May pagka madaldal din pala siya at ang cheesy niya lang pero sa totoo lang nagagalak ang puso kong makita sya sa tuwing ngumingiti sya.
Madalang lang kaming magkatxt pero kung pwede lang talaga na abutan kami hanggang madaling araw gagawin ko para mas lalo ko pa syang makilala kaya lang hindi pwede dahil na rin sa mga appointments ko araw araw lalo na sa mga shoots ko na madalas gawin ng madaling araw, out of town pa, kaya hnd rin kami madalas magkausap dahil minsan out of coverage area. Isa pa, we have agreed not to sleep late. Part yun ng rules na ginawa ko.
Bakit ko nga ba nagawa pa yung rules na yun? San kaya kami dadalhin nito?
Honestly, I'm scared.
William is kind of liberated, hindi ko alam kung masasabayan ko ang trip nya. Isa pa, sa lakas ba naman ng appeal nya, mga babae pa talaga ang humahabol sa kanya.
Pero sa sitwasyon nya ngayon, sya ang naghahabol sa isang babaeng tulad ko.Am I the one for him? I mean, he's still young marami pa syang makikilala na mas bata sa kanya or kaedad nya pero ako?
Sino ba ko para sa kanya? At ako talaga ang mahal nya?"Mahal?"
Mahal na ako ni William?
Totoo ba?
Oh God, ano gagawin ko? Ano ba tong nararamdaman ko?
Minutes later I found myself looking for his name at my phone, hindi ko alam pero parang gusto kong marinig ang boses nya, kaya kahit na malapit nang mag-alas dose, tinawagan ko siya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero siguro, yung lakad nalang namin bukas kasama si Maggie. Tama, yun nalang.
Nakaramdam naman ako ng kaba, ano ba naman yan? Parang teenager lang ah... First time ko kasing tatawagan tong si William. Haaay.
Okay, eto na, nagri- ring na.
After ng mga walong ring na ata nasagot din finally! Medyo matagal ah.
"Lucy? Hi!"
"Hi!" Tipid kong sagot, ano ba yan. Asan yung boses ko? Nawala?
"How are you? Okay ka lang ba? Is there something wrong? Late na ah, bakit hindi ka pa natutulog?"
"I'm good. Okay lang ako. Wala namang problema. Hindi pa ko makatulog eh. Teka, naistorbo ba kita?"
Late na nga pala, at napagod din siya, pero heto ako, ginigising siya.
"No! Hindi pa ko matutulog. Actually, I was just thinking about you."
"Ganun?"
"Oo. Saka wag mong isiping you are disturbing me. Don't worry hindi ka makakaistorbo sa buhay ko kahit kailan."
"Naks naman..." Wala na talaga kong masabi, lagi akong speechless kapag kausap ko siya.
"So, what are your doing right now? You miss me?"
BINABASA MO ANG
I Found Love at Thirty Two
ChickLitWARNING: Read at Your Own Risk I am 32, single, no boyfriend since birth. At my age, I also have thoughts of falling in love, (I did once but ended not so well) of being loved by someone I love, having a family to call my own. I guess though...