"Where do you want to eat?"
Tanong niya sa akin.
Tignan mo nga naman ang pagkakataon, iba talaga maglaro ang tadhana o baka naman assuming lang talaga ako?
William Joseph Robinson
So that's the name of my first kiss stealer, my phone snatcher, my superhero, my second kiss taker and now, business partner na din. Ano pa kaya? Meron pa bang madadagdag dito? Tama na, ang dami na eh. Baka kung saan saan pa mapunta eh. Mahirap na.
Pero at least ngayon, alam ko na kung ano ang pangalan niya and for the mean time, hindi ko na muna to ikwekwento kay bhest. I'll just keep it to myself. Hindi naman sa I don't trust Maggie pero naisip ko lang, baka pareho kaming magkaroon ng false hope na there's more to this.
"Here we go, 'Seoul in the City'. Is that the place? Let me just park the car."
William broke our silence. Kanina pa nga pala kami magkasama sa loob ng kotse at siya ang nagmistulang driver ko. Di kami nag-uusap. Ano naman kasing pag-uusapan namin? Hindi naman kami close di ba?
The moment he asked me where do I want to eat, hindi na ko nahiyang magsabi sa kung saan ko gusto, isa pa gutom na gutom na ko, hindi ako nakapag lunch dahil sa mga meeting ko ngayong araw. At dahil matagal tagal na kong hindi nakakakain ng Korean Food ay dumiretso na kami sa isa sa favorite restaurant ko.
Nang makapark na kami, dumiretso na kami sa loob ng restaurant pero pagpasok palang namin, ay madami pang naghihintay na ibang customers dahil puno ang restaurant.
"Ay saying naman. Occupied na ang lahat ng seats at may waiting pa. I don't think I can wait anymore. Gutom na rin ako eh. Pwede bang we just go to another Korean Restaurant? Medyo malayo pero masarap din naman dun, for sure magugustuhan mo. Kakayanin pa rin naman ng tiyan ko eh."
Sabi ko kay William na nakatingin lang sakin at sumagot ng
"Okay."
And then he headed to the car. Eh di siya na, siya na ang man of few words. Nako, hindi pwede sakin yang ganyan lalo na at magiging mag business partners kami. We have to talk and discuss about things right?
***
Pagsakay namin ng kotse, sinabi ko na agad ang address ng restaurant na pupuntahan namin. I was surprised na alam niya agad kung saan ang daan and it seems like he is the type of guy na mahilig gumimik.
At gaya kanina, tahimik lang kami sa biyahe. Ayoko talaga ng ganito dahil lalo ko lang naririnig ang pagkalam ng tiyan ko dahil sa gutom.
"So William Joseph Robinson, where are you from? I guess you are not a Filipino right? How long have you been in the Philippines? Ang galing mo na kasing managalog, though minsan may pagka- slang pa din."
Ako na ang nag-open ng communication. Dahil baka puti na ang uwak kapag hinintay ko pa siyang magsalita.
"Well, I am actually a Filipino who grew up in Australia because an Australian couple adopted me."
Yun lang yun? Wala ng dagdag sa sagot niya?
"Oh. Interesting. William, you know what, you're good looking and I'm sure you're aware of that."
Biglang namula ang tenga niya at napapangiti din sya sa sinabi ko. Hindi ko na to pinalagpas pa at nilabas ko ang phone ko para kuhanan sya ng litrato.
"Hep hep! Don't move! I mean your face, let me just aaaand! 'Click'."
"What are you doing?"
"Mamaya papakita ko sayo tong picture mo. For sure gwapo ka dito kasi nakangiti ka. You should smile more often, bagay na bagay naman eh. Oh ayan pa! Wait, just smile aaaand 'click', uuuuh, I love it."
BINABASA MO ANG
I Found Love at Thirty Two
Genç Kız EdebiyatıWARNING: Read at Your Own Risk I am 32, single, no boyfriend since birth. At my age, I also have thoughts of falling in love, (I did once but ended not so well) of being loved by someone I love, having a family to call my own. I guess though...