Epilogue

9.6K 163 51
                                    

This is it pansit! hahahaha. Sorry mahaba to. kapit lang. Written in Lucy's POV.  Pwede kayong mag-ingay dito. last chapter na eh. hahahaha. pero may special chapters! abangan

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Let us acknowledge the Lord. Let us press on to know the Lord. As surely as the sun rises, the Lord will appear. He will come to us like the rain, like the spring rain that waters the earth.- Hosea 6:3

Ito yung reflection namin kagabi ni Will bago kami matulog. Ako, nakaunan sa braso niya, at siya nakahawak sa kamay ko. Ang pag-ibig ni Lord, refreshing, renewing.

The planned check-up yesterday didn't push through dahil mas pinili namin ni Will na mag stay lang sa bahay as if may importante talaga kaming gagawin pero ang totoo, gusto lang naming makasama ang isa't isa.

Ganoon nga yata kapag mahal mo ang isang tao. Kahit wala kayong gawin, basta kasama mo lang siya, masaya ka na. Ang sabi ko noon kay Lord, complete na ko dahil kasama ko Siya pero ang galing lang, dahil alam Niya ang desire ng puso ko. Na baling araw, gusto ko ring magkaroon ng taong aalagaan ko, yung mamahalin ko, at yung makakasama kong paglingkuran Siya.

It's ten in the morning. Nandito ako ngayon sa clinic, naghihintay ng turn ko para sa check-up, to confirm kung buntis nga ako. I have these mixed emotions right now, una masaya ako sa possibility na buntis na ko, na dininig na ang panalangin namin, pangalawa, kinakabahan ako, pano kung false alarm lang pala, at hindi pala ko buntis at pano kung hindi na pala talaga ako pwedeng magbuntis? Nalungkot tuloy ako sa naisip ko, dumagdag pa sa lungkot ngayon dahil ako lang ang makakapunta sa check up.

Nagkaroon ng emergency sa office nila Will at kailangang kailangan sya dun. Napagkasunduan namin na susunod nalang sya sa clinic.

Habang naghihintay sa turn ko at kay Will hindi ko mapigilan ang ngiti ko, kabado man, mas nangingibabaw pa rin ang saya.

Ano kaya ang magiging anak namin? Babae ba or lalaki? Kung ako wala namang problema, si Will kaya ano kaya ang gusto nya? Isa pa pala, baby names. Ano kaya ng magiging pangalan nya? Pwede ko sigurong kunin dun sa isa sa mga pangalan kong napakarami o kaya combined names naming ni William.

'Okay Lucy, kalma, wala pa ngang result name agad?' Sabi ng kabilang isip ko.

Pero kasi excited din talaga ako. Alam ko kung gaano naexcite noon si Best nang una niyang pinagbuntis si Blueberry. Haaay....

"Mrs. Robinson? It's your turn, are you ready?" Sabi ng nurse sa akin. Nabalik ako sa realidad na nandito nga pala ako para magpacheck up. Pero bakit wala pa rin si Will?

"Ahmm, Ms. Wala pa kasi ang husband ko, gusto ko sana syang hintayin?" I asked politely.

"Pero Ma'am, may mga ibang pasyente rin po kasi na naghihintay."

"Paunahin mo na yung susunod sa akin sige. I'm all good." I said, hangga't maari talaga dapat kasama ko ang asawa ko.

"Are you sure po?"

"Yes. Dito lang ako, hihintayin ko ang asawa ko."

"Sige po." Umalis na sya sa harap ko at tinignan ang list nya.

"Ms. Medelin you're next." Pagtawag nya sa susunod na pasyente at nagtaka naman ako dahil mag-isa lang sya. Na-curious tuloy ako, yung babae kanina nakaya nya na mag-isa, asan kaya ang asawa nya? She also looks nervous.

'At kailan kapa naging chismosa Lucy?' Sabi ko ulit sa sarili ko. I wanted to talk to her and lighten her load in a way pero baka naman mas magulat pa siya kaya naisip kong ipagdasal na lang siya sa isip ko which I usually do kasi di naman lahat ng tao nakakausap ko para i-share ang word ni God but my prayers I know will go a long way.

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon