XI: William (Part 1)

11.7K 261 40
                                    

I never thought that after almost 2 weeks of forgetting about her, I'd wake up one day opening the door to the woman who made a big change in my heart.

That night, after she left me alone in my car, I drove home crying, feeling the emptiness I have felt for a long time, for 29 years of my life. Gusto ko siyang habulin, yakapin at gawing akin pero hindi pwede. Walang chance na maging kami. Kaya kahit na masakit, I just let her leave.

Ang bigat-bigat ng puso ko. Nakakapagod pala ang ganitong buhay. All my life I've played with women hoping that I would find the happiness I've been missing dahil sa hinayaan kong maapektuhan ako ng pagiging adopted child ko. Hindi ko ina-ppreciate kung anong meron ako. Humahanap ako ng pagmamahal sa kung sino-sinong kandungan. At alam ko, dahil sa akin, marami na ring buhay ang nasira ko. Marami na ring babae ang pinaasa ko at sinaktan. At heto ako ngayon, miserable.

Hindi ko inakala na isang katulad niya ang magbabago sa akin.

Dahil sa kanya, narealize ko na ayoko talaga ng ganitong buhay. Waking up with different women in my bed,  partying all night long and wasting my youth. Walang maidudulot ang pansamantalang kaligayahan kung habambuhay ka namang nagdudusa at nabibigatan.

I see myself taking care of my own wife and cuddling my own children, raising them with all the love that I and my wife can give.

I mean, narealize ko na hindi ko kayang mag-isa. Na kahit na malakas ako physically, emotionally, di ko kakayanin. Kung gusto kong magbago, kailangan kong isuko ang lahat sa Diyos at ibigay sa kanya.

Napakatagal kong pinilit na maging matatag at hindi hingin ang tulong Niya kasi akala ko, wala ng pag-asa pang tatanggapin pa Niya kong muli. Pero nagkamali ako.

For the first time in my life, I bent my knee and worshipped not any women's body but worshipped my great Father whose love is overwhelming.

Sinuko ko ang buhay ko sa kanya at tinanggap Siya as my personal Savior, at naramdaman kong para akong isang ibong bagong laya---kayang gawin ang  anumang bagay, kayang lumipad at mabuhay ng masaya kahit na walang babae akong katabi sa kama. Na hindi lang alak at sex at attention ng tao ang magpapasaya sa akin.

Geline has helped me pretty well with my growth as a Christian. She introduced me to people who have let me see a different world. Would you believe na hindi ko na kinailangan pang pumunta sa counselor ko ulit? Kasi everything run just smoothly. Kapag tumitingin ako sa mga babae, hindi sa legs nila or sa dibdib nila ako nakatingin. Ang nakikita ko, they are women I should respect and women I should not lust about.

Pero dahil bago pa lang ako at pwede pa ring madulas, we have agreed that I stay with Geline in her unit. We do our prayer time together kasama ang kanyang fiancé. Yes. She will get married pretty soon sa isang drummer ng worship team ng church nila. You know, love conquers all and knows no boundaries especially kapag its centered with God.

"Who is in there William?"

Ilang minuto na ba akong nakatayo lang dito sa harap ng pinto? Ilang minuto na ba akong nakatingin sa babaeng ito? Ang sabi, move away from the source of temptation kaya nga I cut off my club memberships, surrendered my car key to Aaron and go home before our curfew time, pero bakit mismong ang temptation ko pa ang lumalapit sa akin? Ano bang pagsubok to Lord?

"Ahmm.. Geline.. I think it's... it's Ahmmm.. She is..."

"Lucy. I'm Lucy."

She smiled at me at huminto ang tibok ng puso ko. Kailangan ko ng self control. Help me Lord. Help me. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas.

"Ah.. Yeah.. Lucy, I remember you."

Finally, I said something without stuttering.

"Oh its you Lucy. Nice to see you."

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon