Lucy's POV
"Okay, last 10 shots nalang po and then were good. Diana, paki ayos na ung set for that okay?" I told my teamleader na agad namang kumilos habang nakangiti. Nakaka-inspire din talaga tong staff kong to. She loves what she does and she enjoys every detail of it. Nakaka good vibes lang.
It's been seven months nang makapanganak ako. Ayoko pa sanang bumalik sa trabaho pero hindi ko natanggihan itong isang client ko lalo at ni-refer siya ni Bianca. Nakakatuwa nga eh. Kahit na palaging wala si Maggie dahil sa mission trips nila ni Pastor David, God gave me another sister through Bianca, ang asawa ng bestfriend ni William na si Aaron. Kaya kahit na minsan hinahanap hanap ko ang girl's bonding with Maggie, I have Bianca who helps me a lot especially in terms of being a wife and a mother. Kaya nga ng may ni-refer si Bianca, di na ko talaga nakatanggi.
Mabuti naman at naintindihan ako ng asawa ako kaya hindi naman nagalit. Isa pa, hands off yun pagdating kay Aaron at Bianca. He said, si Aaron ang ideal guy at isa sa mga idol niya pagdating sa pag-aalaga ng family. At ang gusto niya, kung gaanong ka-hands on si Aaron ay mas maging hands on siya sa amin.
Haaay, asawa ko, Im so blessed to have him.
Gabi- gabi ang pasasalamat ko kay God dahil binigyan nya ko ng isang William Joseph Robinson. He is beautiful inside out.
I could say, habang tumatagal ang pagsasama namin, lalo naming minamahal ang isat isa at lalo naming minamahal si God.
We are so blessed.
So blessed that we are given a chance to have babies. Yes, babies dahil kambal ang ipinagkaloob sa amin.
Who would have thought na magkakaroon pa kami ng kambal? Yung isa pa lang na anak, ginto na yun para sa amin, ang magkaroon pa ng kambal? Para kaming nanalo ng grand lotto sa blessing na iyon. Sa tanda kong to, nagkaroon pa talaga kami ni William ng babies. Naalala ko tuloy ang buhay ni Abraham at ang pangako sa kanya ni Lord at sa kanyang pamilya. Kapag talaga si God ang kumilos, nakakspeechless lang.
Namimiss ko tuloy ang mga anak ko, di bale, ito ang una at huling project ko sa panahon na to. At bibilisan ko na din na matapos to para makauwi na ko.
Miss na miss ko na ang mga babies namin.
***
Pagkatapos na pagkatapos ng shoot, dumiretso na ko sa kotse. Uwing uwi na talaga ako.
Bago ko buksan ang engine ng sasakyan, tinawagan ko muna si Will pero hindi sya sumasagot. Tatlong beses ko na syang tinatawagan pero wala pa ring sagot, kaya nagsisimula na kong kabahan. At sa pang apat na tawag ko, nagpasalamat ako at nasagot na nya.
"Love, bakit..." Hindi pa tapos ang sinasabi ko nang magsalita sya.
"Love, im sorry hindi ko nasasagot, kakatapos ko lang palitan ng diaper si Lucille and eto na, si Liam naman...
Hey, Lucille shhh, quiet lang baby ha, you want to talk to mommy? Hey love, ill put you on speaker okay?"
"O-okay." Parang umatras naman ang dila ko. I don't know exactly what to say coz I feel overwhelmed.
William is so hands-on being a father on our twins. Tutok sa supply ng mga kambal, palaging sinisiguradong malinis at safe ang mga gamit nila and believe it or not, ngayon palang inaasikaso na nya ang first birthday party ng mga anak namin.
Sinong hndi mas lalong mapapamahal sa isang tulad nya. At kahit na gaano ka busy sa business nila ni Aaron ay he finds time to do all. Minsan nga, kapag kailangang kailangan, he also does the laundry, including my... my undies.
BINABASA MO ANG
I Found Love at Thirty Two
ЧиклитWARNING: Read at Your Own Risk I am 32, single, no boyfriend since birth. At my age, I also have thoughts of falling in love, (I did once but ended not so well) of being loved by someone I love, having a family to call my own. I guess though...