34: Surprise?

5.1K 123 56
                                    

One year later

I was so surprised that night when I got home from the mall. Hindi ko mapigilang mapatakbo at mapayakap kay William nang makita ko siya at kahit na medyo hindi siya nakapagshave noon, mas lalong nakadagdag yun ng kagwapuhan niya. Ang galing lang talaga ni Lord dahil nasa harap ko na si William at naririnig ko na ulit ang tibok ng puso niya. Miss na miss ko na si Will at ang pagdating niya noong gabing iyon ay isa sa mga pinagdasal kong talaga.

"Bebe Will, Salamat sa pagbabalik." I rarely call him Bebe Will. I only do that kapag naglalambing ako  gaya nung gabing yun. Ang tagal ko kayang di siya nakita. I even kissed him on his cheek.

Nagulat ako noon na kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tipid na ngumiti. He didnt even kiss me back, kahit sa forehead lang na lagi naman niyang ginagawa noon.

"Kumain muna tayo Lucy." Hindi ko maintindihan kung pagod lang ba siya sa biyahe dahil ang tabang ng pakikitungo niya sa akin o may mas mabigat na bagay pa siyang iniisip. He just called me Lucy. Lucy lang, walang endearment na love. Sinunod ko na lang siya. Pumunta kami sa kusina at doon kumain. Tahimik lang. Walang usapang naganap. Ang dami ko pa namang gustong itanong sa kanya pero mas gusto kong siya na muna ang magsalita. Siya kaya ang matagal na nawala dib a?

"Lucy, do you see yourself having a family of your own?" Napatingin ako kay William dahil seryosong seryoso ang tanong niya. Walang lambing na inaasahan ko.

"Will, kailangan mo pa bang itanong yan? Oo naman. I see us having our family soon, gaya ng lagi mong tinatanong sa akin." Nilambingan ko pa rin ang sagot ko dahil feeling ko pagod lang talaga siya. Lumapit ako sa kanya. I started massaging his temple. Ewan ko ba, bakit ako lang ang nagiging expressive ngayon. Anong nangyari kay Will?

"Okay. That confirms my decision." Matabang niyang tugon sa akin bago dahan dahang inalis ang kamay ko sa ulo niya at pinaupo sa silyang nakaharap sa kanya.

"What decision? Alam mo ang weird mo. Kanina ka pa. Ang lakas naman ng jet lag mo."

Huminga si Will ng malalim bago hinilamos ang kamay sa mukha at sinabunutan pa ang sariling buhok.

"Listen to me Lucy." Kinabahan ako sa tono ng boses ni Will. Pinilit kong alamin sa mga mata niya ang gusto niyang sabihin pero nabigo ako.

"Ano bang sasabihin mo? Why do you sound so serious? Ano bang nangyari sa Australia?"

Kinuha niya yung baso na may lamang tubig at uminom bago nagsalita ulit.
"Im..Ahmm.. Im sorry Lucy." Garalgal ang boses niya na parang pinipigilan ang sariling umiyak.

"Sorry for what? Para saan? Will, ano ba, naguguluhan na ko sa yo."

"I... I.. woke up one day... na.. I woke up day na wala na."

"Wa..wala na?  Anong..."

"I fell out of love."

"Out of love?" Hindi ko namalayang unti-unti na palang tumulo ang luha ko. Of all things na pwede niyang sabihin sa akin, ito pa yung he woke up one day na he fell out of love? Paanong nangyari yun? Almost a month lang naman kaming hindi nagkita. And for the past days di ko naman nakalimutang makipagcommunicate sa kanya through our social media accounts.
"Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero things happen. Im sorry."

"Sorry? Sorry ganun na lang. Sorry?" Hindi ko napigilan ang sariling kamay kong dumapo sa pisngi ni Will. Ilang beses ko pa siyang sinampal at wala naman siyang ginawa. Ni hindi siya lumaban.

"Let's end it here Lucy. You want a family and I cant give you that... because.. because I.. I don't love you anymore. Maghanap ka na ng iba. Yung mas mamahalin ka at di gaya kong sasaktan ka lang." And he walked away.

Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko noong gabing yun pero wala akong nagawa. Nawalan ako ng lakas na pigilan siya. Na habulin siya. Para akong naestatwa.

Nabalik ako sa realidad at nakalimutang pansamantala ang pagflash back ng eksenang yun sa pagtawag sa akin ni Maggie. Ang galing lang talaga ng best ko dahil alam niya ang proper timing kahit ang pagtawag.

"Best, are you all set?"

"Ah.. Oo. Handa na ko."

"Sure ba yan? Nagpaalam na ko kay Oppa. He said okay lang samahan kita sa Australia."

"Okay na ko. Hindi na ko naiiyak. Ang dami ko ng niluha para kay Will. Sagad na no. Isang taon na rin naman eh."

"Bakit naman kasi gustung gusto ng mga organizer ng photo contests ang Australia. Ayan tuloy. Im worried about you."

"Dont be. It's been a year best. Tanggap ko na ang gift of single blessedness ko."

"Ganun? What if the right one comes along. Ikaw talaga."

"I'm already 34 best. Kung meron di sana dumating na. Kay Brian unrequited love, kay Will, unrealized love. Pero ayos lang ako, kasi I have the greatest love. Secured na ko sa love ni Jesus sa akin best kahit na minsan naalala ko pa rin si Will kapag may pagkakataon. But I am stronger now."

"Amen. Masaya akong marinig yan best. Basta, ihahatid kita sa airport bukas. Kami ng mga bata. Nasa mission trip pa si Oppa."

"Thanks bhest. I love you."

"Love you too."
I put down the phone and smiled. Alam kong kakayanin kong magtravel papunta ng Australia para sa contest at kung sakaling makita ko doon si Will, I wont break apart. Natanggap ko na ang katotohanang pwede naman talagang ma fall out of love ang isang tao. Siguro hanggang ganun na lang talaga kami. Hanggang dun na lang. Wala naman akong regret dahil sa panahong kami pa, William never failed to show me how much I mean to him. Siguro nga lang, may reasons siya. Pero kung sakaling magkita ulit kami ni Will, at kailangan niya ng kaibigan, I am still willing to be a friend to him.

"A friend loves at all times, and a brother is born for adversity."- Proverbs 17:17

I Found Love at Thirty TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon