chapter 37

5.9K 302 23
                                    

Peter POV

"Janine."

Tawag ko dito sa katabi na kanina pa tahimik at namumula. Naglalakad kami ngayon papuntang classroom. Natatakot ako baka masama pakiramdam niya.

"Janine." Tawag ko ulit sa kanya na may kasamang kalabit na.

"Ha? Ah---eh." Sagot niya.

"Ih---oh---uh?"

At ayun nabatukan ako ng wala sa oras. Sadista talaga tong mahal ko.

"Ano nga kasing problema mo? May sakit ka ba? Kanina ka pa namumula." Tanong ko sa kanya.

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan neto!."

"Ha? Anong ako? Panong naging ako?" Nagtatakang tanong ko. Napaisip ako. Bakit sya namumula? Anong ginawa---

"Hala Kanin! Sorry! Dadalhin na kita sa ospital! Makati ba? San ka ba na allergy dun sa mga binili ko? Bakit di mo agad----"

"Pede isa isa lang? Kalma lang. Mahina ang kalaban oh."

"Ahhhh.. Naallergy ka ba?" Tanong ko ulit sa kaniya medyo mahinahon na ngayon. Baka bigla nalang akong suntukin neto eh.

"Wala." Simpleng sagot niya.

"May lagnat ka?" Tanong ko ulit.

"Wala din."

"Eh bakit ka nga namumula?."

"Natural lang yan."

"Natural?" Takhang tanong ko.

"Mistisa kasi ako."

"Okay." Sagot ko sa kanya. Buti nalang talaga walang masamang nangyari sa kanya. Kinabahan ako dun.

JANINE POV

"Okay." Simpleng sagot niya.

Buti naman at hindi siya tumutol na mistisa ako. Hahaha! Tsaka buti at hindi na siya nagtanong pa ulit. Bwisit sila! Masyado nilang ini-stress ang magandang si ako.

Ayan tuloy. Hindi ako makapag-isip ngayon. Teka ano nga bang dapat kong isipin bukod sa kung pano babawasan ang kagandahan ko?

"Janine." Tawag ni tinapay.

"Oh?"

"Anong balak mo sa pasko?"

"Edi magpasko." Simpleng sagot ko.

"Hindi nga. Ano ngang balak mo?"

"Magpasko nga! Alangan mag new year ako nun!" Inis na sagot ko. Kanina pa ko na stress diyan ah! Ano bang meron sa pasko ngayon at masyado nilang iniisip?

"Ah.. Iba pang gagawin?"

"Kumain, tumanggap at magbukas ng regalo."

"Iba pa?" Tanong niya ulit.

"May iba pa bang ginagawa pag pasko? Hindi naman ako umiinom. At lalong hindi ako mahilig magpuyat."

"Hmmm.." Sabi niya sabay kamot sa batok.

Yung totoo? Ano ba talagang meron?

"Ah.. Pde----" Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya kasi andito na kami sa classroom.

Umupo na kami sa upuan namin. Maya-maya dumating nadin yung teacher namin at naglecture.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase. Paunahan magsialisan yung mga kaklase ko. Yung totoo? Parang araw-araw silang nagmamadali pag uwian na.

Ako? Eto relax na relax na nagaayos ng gamit ko.

"Kanin!" Tawag ni tinapay kaya tinignan ko siya.

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon