Chapter 36

8.7K 463 66
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga pinagsasabi ni Tinapay! Nakakainis!

Nakatingin ako ngayon sa salamin ng c.r. at parang maiiyak na ko dahil ang laki ng eyebags ko! Waaaah! Nakakainis kasi tong tinapay na to eh! Gagawin ko talaga tong siopao eh!

"Hoy Janine bilisan mo diyan at malalate ka na!" sigaw ni mama. Kaya dali dali akong naligo at nagbihis ng uniform.

Pagkababa ko nakita ko na agad ang pagmumukha ng lalaking may dahilan kung bakit di ako nakatulog! At ngayon lagot talaga siya sakin! Nilapitan ko agad ang mukha niyang ngiting ngiti na parang nakashabu at....

"Aray! Para san yun?" Tanong niya

Binatukan ko lang naman kasi siya ng full force.

"Wala. Trip ko lang." tapos inirapan ko siya.

"Gandang trip yan ah? Pasalamat ka ma----"

"Thank you!" Di ko na pinatuloy yung sasabihin niya kasi baka sa susunod masapak ko na siya. Mahirap kayang pigilin ang kilig! Hihihi!

"O anak di pa ba kayo aalis? Malalate na kayo." sabi ni mama kaya napatingin kami sa kanya.

Ay pakhet oo nga pala! Agad kong hinila tong tinapay na to at nagpaalam kay mama. Dali-dali kami papuntang school at sa wakas hindi pa kami late! whooo! Muntik na kami dun ah.

Pagdating namin sa classroom nakita ko agad ang nanlilisik na mata ni Mandy. Buti nalang talaga hindi nakakatunaw ang titig. Hay! bahala siya mapagod sa ginagawa niya.

Dinaanan ko lang siya at hindi pinansin pero mukhang ayaw niya talaga kong tantanan kasi hanggang pag-upo ko nakatingin siya ng masama sakin. Anong problema nito?

"Hoy babae!" alam ko siya yung tunatawag pero di ko pinapansin. Ang daming babae kaya dito. Baka mamaya hindi naman ako tinatawag eh.

"Pangit!" eh hindi naman ako pangit. Kaya hindi ako yun.

"Malandi!" At lalong hindi ako malandi.

"Makate!" Aba! Ang alam ko siya yun eh. May iba pa palang kalahi niya?

"Grrrrr! Janine!!" Tawag niya sakin.

Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka. "O bakit?" tanong ko.

"Kanina pa kita tinatawag eh!"

"Ha? Bakit ngayon ko lang narinig yung pangalan ko?"

"Grrrr! Nakakainis ka talaga!"

"At ako pa ang nakakainis? Tingin ko kelangan mo ng magpatingin." kalmadong sabi ko at di na siya ulit tinignan.

"Hoy! Kinakausap pa kita!" Inis na sigaw niya.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!"

"Abat pano ko nasali sa problema mo? Tsaka may iba ka pa palang problema bukod sa mukha mo? Ay naku malaking problema nga yan. Tsk tsk!" sabi ko habang naiiling pa.

Akmang magwawalk-out na siya ng biglang....

"Good Morning Class!"

"Pfffft!" pigil kong tawa habang nakatingin kay Janine. Ang epic kasi! Hahahaha! Nakakatawa yung reaksyon niya na parang natatae siya tapos biglang naudlot. Ganun ang itsura niya! Pfffft!

Pinigilan ko na yung tawa ko at pinakalma yung sarili ko kasi baka mahuli ako ng teacher namin. Baka akalain pang siya yung pinagtatawanan ko.

Mabilis lumipas yung oras at ngayon lunch na.

Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni tinapay.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ahmmm. Hinihila ka?"

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon