KINABUKASAN
"Mommy, Daddy alis na po ako." sabi ko sabay halik sa kanila sa pisngi. Sweet din ako di lang halata.
Sumakay na ko ng taxi papunta sa Gregory. Pagdating ko nakatingin lahat ng studyante sakin. Pero kadalasan babae. Pogi ako e. Ganun talaga.
"Sya ba yung transferee? Ang pogi naman."
"Oo nga kaso mukhang masungit."
"Kyaaaah! Ang pogi naman."
Ganito ba talaga dito? Ang ingay naman.
May biglang lumapit sakin tapos nakipagkilala. Tingin palang mukha ng flirt. Punong puno pa ng make up yung mukha tapos ang kapal. Nagmukha tuloy syang clown.
"Hi! I'm steph and you are?" sabi nya na parang nanlalandi.
Nilagpasan ko lang sya. Wala kong pake sa kanya.
"Ay snobero pero yan ang gusto ko pa hard to get." sabi nya ulit sabay kapit sa braso ko.
Naiirita na ko sa kanya. Ayoko sa lahat yung malandi! Tinanggal ko yung kamay nya sa braso ko.
"Peter ang pangalan ko. Tsaka kung pde wag kang maingay! Bakakairita e!" Sabi ko sakanya. Wala kong pake kung ano sasabihin ng iba.
"Sungit naman neto. Sige kita nalang tayo next time." tapos nag flying kiss pa bago umalis.
Badtrip! Umagang umaga binabadtrip ako! Ingay ingay e!
Parang gusto ko na ulit bumalik sa dati kong school.
Habang naglalakad ako may nakabunggo akong babae na may dalang mga libro at mukhang nagmamadali.
Nalaglag yung mga libro nya. pero di ko sya tinulungan. Di ako gentleman noh!
"Di kasi tumitingin sa dinadaanan e!" Sigaw ko sa kanya.
"Hiya ako sayo ah. Di mo naman ako mabubunggo kung tumitingin ka din sa dinadaanan mo."
Kalmado lang sya. Nakayuko sya kaya di ko makita mukha nya.
"Nakatingin ako. Ikaw ang hindi."
"Bat di ka umilag?" sabi nya tapos tumayo. Nakuha nya na yung mga libro. Pero nakayuko padin sya. Ang kalmado niya.
"E di kita nakita e!" Sigaw ko ulit sa kanya.
Tumingala sya. Nas matangkad kasi ako sa kanya. Ang ganda nya! pero mukhang childish.
"alam mo gwapo ka." Sabi nya tapos turo sakin. Gwapo talaga ko noh. "Kaso tanga ka" Pahabol nya. Abat! Ayos to ah! "Kanina sabi mo nakatingin ka tapos ngayon sasabihin mo di mo ko nakita. Abay magpa check up ka na." kalmado padin sya. Nakakainis yung pagiging kalmado nya!
Pero oo nga noh! Tanga ko talaga!
Nilagpasan ko nalang sya. pahiya ko dun eh.
"Sa muli nating pagkikita." sabi nya habang naglalakad nadin palayo.
Ang ganda nya. Hay pero napahiya ako dun! Nakakainis! dami tuloy nakatingin!
----
Vote and comment please? :)
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))