KAYCEE POV
Ako nga pala si Kaycee. Ako yung katabing babae ni Kyle. Di ko nga alam kung bakit ako may POV e. Di ko naman friends yung bida.
Ayun na nga nag lalakad na ko pauwi nang may narinig ako sa may iskinita. Eh dahil may pag ka chismosa ko, nagtago ako sa gilid.
"Kayo na bahala sa gagawin nyo sa kanya. Babuyin nyo kung gusto nyo. Saktan nyo. Wag nyo lang papatayin." sabi nung babaeng nakatalikod. Parang pamilyar sakin yung boses nya.
"Opo maam. Pero pano po namin makukuha yung bayad namin." sabi nung lalaking pangit.
"Pag nagawa nyo ng maayos yung pinapagawa ko. Ako mismo mag aabot sa inyo ng pera." sabi ulit nung babae.
"Sige maam. Kelan po namin gagawin yun?" sabi naman nung lalaking mas pangit.
"Ngayon na."
"Maam ano pong pangalan nya?" sabi nung lalaking pinaka pangit
"Janine De Leon. Eto picture oh." babae sabay abot ng picture. Humarap yung babae kaya nakita ko yung mukha. Eto yung nakaaway ni Janine nsa cafeteria.
Umalis na ko dun. Wala naman akong mapapala dun. Tska papabugbog lang naman at papa-rape---
Wait! ano? Papabugbog at papa rape si Janine?!
Tumakbo ako pabalik sa school. Umaatake na naman yung pagiging tanga ko.
Pagbalik ko dun nakita ko na agad si Janine palabas ng gate. Hinatak ko agad sya sa may gilid. Nagulat pa nga sya.
"Hala ate bakit bigla bigla kang nanghihila?" nagtatakang tanong niya.
"Kasi Janine. Ano.. *hingal* kanina.. *hingal*"
"Sige tapusin mo muna yang hingal mo. Di tayo mag kakaintindihan nyan e."
Pagkatapos kong hingalin. Nagsalita na ko.
"Janine kanina kasi naglalakad ako pauwi tapos habang naglala-"
Pinutol nya na agad yung sasabihin ko.
"Ano naman kinalaman ko sa paglalakad mo paguwi?" tanong niya.
"Eto na nga. Habang naglalakad may narinig ako sa may iskinita. Tapos nagta-"
"Sabihin mo na kasi! ano ba talaga yun?" pagpuputol ni Janine.
"Ayun na nga. Nagta-"
"Straight to the point na nga!" Halatang naiinis na sya.
"Eh kasi ano.." napakamot ako sa ulo ko "Nakalimutan ko kaya sinisimulan ko sa umpisa. Ayun na nganag tago ako sa gilid. Tapos nakita ko yung nakaaway mo sa cafeteria nun. Sino ba yun?" sabi ko habang nag iisip.
"Mandy."
"Ayun. Mandy nga! Tapos may kausap syang panget,mas panget at pinaka panget. Tapos sabi nya ano. Bugbugin ka daw tapos rape-in." paliwanag ko.
Halatang nagulat sya sa sinabi ko. tapos napansin ko yung tatlong lalaki na parating.
Saktong may dala akong cap kaya nilagayan na ko agad sya. Tapos bumulong ako.
"Ayan na yung mga panget." sabi ko kay Janine. Nagets nya naman kaya di na sya nag react. Yumuko nalang sya.
Nakita namin sila na parang may hinahanap. Tapos nakita kami nung isa at biglang lumapit samin.
Hala! Baka nakilala kami? Baka patayin nila kami? Baka sapakin yung mukha ko? Baka rape-in kami? Tapos isasako kami tapos itatapon sa ilog pasig?!
"Wag kang o.a. Di tayo aanhin nyan." nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Janine.
Pano nya naman nalaman yung iniisip ko?
Nakalapit na si mas panget samin.
"Miss kilala nyo ba si Janine De Leon." Sabi nung mas panget.
"Ahh. Ano.. Kasi.." nauutal kong sabi. Anong sasabihin ko???
"Oo kilala namin." sabi ni Janine habang nakayuko.
Hala! Pano yan pag nalaman nila? madami pa kong pangarap sa buhay.
"Nakita nyo ba sya?" taning ulit ni kuyang mas panget.
"Oo pero umuwi na." kalmadong sabi ni Janine.
"Patay kami kay maam." pabulong ni mas panget.
"Ano yun kuya?" tanong ni Janine.
"Wala. Sige salamat. Ano nga pala pangalan nyo?" tanong ulit ni mas panget.
"Bebang at bebot."
What bebang at bebot?! The F!!
"Ang panget ng pangalan" pabulong nya. "Sige mga miss. Alis na kami." pahabol nya.
"Bakit bebang at bebot? Ang pangit naman nun! " Tanong ko sa kanya.
"Pag nagsabi ako ng magandang pangalan. Baka di tayo tigilan nun."
Oo nga noh! Di ko naisip yun.
"Thanks din pala sa pagligtas sakin."
"Wala yun. Ano ka ba."
"Paano mo nga pala nalaman na ako yung hinhanap nila? Madami namang ibang Janine dyan." tanong niya.
"Sabi kasi Janine De Leon daw. Eh di ba ikaw yun?"
"Paano mo ko nakilala?"
"Classmate mo kaya ako. Ako yung katabi ni Kyle."
"Ah. Ikaw pala yun. Kaya pala parang pamilyar mukha mo. Ano nga pala name mo?"- Janine
"Kaycee Ramos."
"Friends?" sabi nya sabay abot ng kamay.
"Sigurado ka? Makikipag kaibigan ka sakin?" takang tanong ko.
"Bakit naman hindi? Bakit may nakakahawa ka bang sakit?"
"Huh?! Wala ah! First time kasi to. Sige friends!" sabi ko tapos inabot ko nadin yung kamay ko.
"Sabay na tayo uwi. San ka ba nakatira?" tanong niya.
"Dyan lang sa ireneville."
"Parehas pala tayo e. Tara sabay na tayo" sabi nya sabay hila sakin.
Habang pauwi kami. Nag kwentuhan lang kami ng nag kwnetuhan. Ang saya nya kasama. Ang hilig nya din mangbara.
Ganito pala feeling ng may kaibigan.
---------------------------------
si kaycee yung nasa gilid ----------------->>>>>
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))