chapter 34

7.3K 360 12
                                    

whooo! after 12345 years nakapag update din :)) at natuwa din ako kasi ako na may mga nag aantay din pala nito :D At dahil nga natuwa ako. 2 chapters ang iuupdate ko ngayon :)) Hihihi. love ko kayo :)) salamat :*

------

Peter POV

"Kelan mo ko sasagutin kanin?"Natutuwa kong tanong sa kanya.

"H-ha?" nauutal niyang sabi. Ang cute niya talagang mamula. Hahaha!

"Uy kanin!" tawag ko ulit sa kanya.

"Ano ba yun tinapay?!" Ayan na. Galit na siya. Kakaiba din to kiligin eh.

"Kelan mo kako ako sasagutin sabi ko?"

"Talagang sigurado kang sasagutin kita ah."

"Oo naman. Sa gwapo kong to"

"Weh? Di nga?"

"Bakit hindi ba?"

"Hindi."

Nagtawanan naman yung mga tao sa paligid namin. Ay oo nga pala! Andito pa kami sa stage! Di namin sila naramdaman o ako lang hindi nakaramdam?

"Kanin ano na?"

"Syempre depende."

"Paanong depende?"

"Depende kung sasagutin kita."

"Bakit nga depende?"

"Kasi it depends?

"Ano nga?!!

"Di ko din kasi alam eh. Hihi.  Wag kang magalit."

Hay naku! Kung hindi ko lang to mahal eh!

"Basta magantay ka nalang tinapay." sabi niya sabay kindat.

Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Paano ba kiligin ang lalaki? Dapat ba tahimik lang?

"Hoy tinapay anong nangyari sayo?"

"H-ha? Wala."

*kriiiinnnnnggggg~*

Tapos na pala yung binigay saking oras. Ano ba yan! Parang ang bilis naman!

"Tara na tinapay!"

Bumaba na kami ng stage at nagsipasukan nadin yung iba sa mga classroom nila.

"Mauna ka na tinapay. C.r. lang ako."

"Sige. Antayin kita sa classroom."

"Malamang. San mo pa ba ko aantayin? Eh sabi ko nga mauna ka na."

"Okay. Okay. Easy men. Eto na nga diba?"

Ngumiti lang siya at pumunta na ng c.r. habang ako nagdadalawang isip kung dito ko siya aantayin o sa classroom nalang. Hay! Sa classroom na nga lang.

Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad. Nang malapit na ko sa may hagdan may naaninag akong tao dun na nakaupo at alam kong si Cedrick yun. Nang makalapit na ako at aakyat na sana nang magsalita siya.

"Feeling mo talaga mapapasagot mo siya?"

"Oo."

"Di siya mapapasayo kasi akin siya."

"Sabi mo eh." Ang corny naman nito kausap -___-

"Wag kang mayabang. Nagsisimula ka palang. Ako patapos na."

"Edi ok."

"Tss. Tignan nalang natin kung makapag ganyan ka pa." huli niyang sinabi habang umaakyat nang nakangisi. Yung totoo? Naka drugs ba yun? Hay bahala siya.

Janine POV

Naglalakad ako papuntang c.r. ngayon. Tinignan ko ulit si tinapay at nung mapansin kong malayo layo na siya. Kumaripas na ko ng takbo papuntang c.r. kasi sobrang naiihi na talaga ko. Masyado ata akong nasobrahan sa kilig.

Pagpasok ko ng c.r. pumasok agad ako sa cubicle dahil onting onti nalang maiihi na ko. Nang makaihi na ko, para kong nabunutan ng tinik. Hay salamat. Nakaihi din sa wakas!

Paglabas ko, nag salamin muna ko para ayusin naman yung maganda kong mukha. Kaso may lumabas din sa isang cubicle na hindi kaaya aya kaya nawalan na ko ng gana. Lalabas na sana ko kaso nagsalita siya

"Alam mo Janine ang kati mo!!"

"Eh ano ngayon Mandy? Sayo ko ba pinapakamot?"

"Tss. Aminado ka ng malandi ka."

"Okay lang yan. Parehas lang naman tayo."

"Hindi tayo magkaparehas."

"Ay oo nga pala. Magkaiba tayo. Kasi ako maganda. Ikaw? No comment."

"Grrrr!"

"Mag walk-out ka na. Nahiya ka pa eh."

At ayun si walk-out queen. Nag walk-out na -___-

Makabalik na nga sa classroom bago pa ko matulad kay Mandy na nababaliw.

Mandy POV

Onting onti nalang talaga sakin yang babae na yan! Humanda ka talaga sakin Janine!

Umuwi ako ngayon dahil ayoko ng pumasok. Tinatamad ako at naiinis na talaga ko sa babaeng yun!

Kinuha ko yung phone at nag dial ng taong hindi ko alam kung mapapakinabangan ba o hindi!

"Ano ba?! Kumikilos ka ba?!"

"Maghintay ka kasi!"

"Siguraduhin mo lang!"

"Oo. Wag kang excited."

Binabaan ko na siya ng phone. Walang kwenta kausap eh!

Wag mong ubusin ang pasensya ko Janine! Nang hindi mapaaga yang pagkamatay mo!

"*evil laugh*"

"Hala mam ano pong nakakatawa?" Epal naman to eh! Nag momomment ako!

"Yang mukha mo! Kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko mas gagawing kitang nakakatawa!"

"Opo mam. Sorry po" Pagkasabi niya nun ay agad din siyang tumakbo ng mabilis.

Hay. Kelangan ko na talagang magahanda kasi malapit na. *Evil laugh*

"Mam? Sino po pa talaga tinatawanan niyo?"

Tinignan ko siya nga masama at agad din naman siya natakot at umalis .

Hay! Ang sakit sa ulo ng mga taong to!

*******

Guys please vote and comment po :))))

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon