Chapter 32

8K 623 27
                                    

JANINE POV

Monday na naman. Syempre may pasok na naman. At ewan ko parang tinatamad na naeexcite ako.

Anong nangyari kahapon? Wala naman. Nagsimba lang ako ng umaga at walang ibang ginawa kundi manuod at matulog.

Anong nangyari kay tinapay? Ayun patay na ata. Ewan ko dun. Baka nagbigti o kaya nagpatiwakal o kaya di naman naglaslas. Basta hindi ko alam! Yan lang mga naiisip kong ginawa niya. Di din siya nagparamdam pagkatapos nilang mag basketball. Kaya baka nga ganyan.

Bahala siya basta ako maganda padin. Hahaha xD

Pagdating ko sa room, umupo agad ako. Tumingin ako sa paligid at takte! Halos iilan lang kaming pumasok! Ewan ko kung papasok pa yung iba eh 20mins. na lang bago mag bell.

Wala lahat ng kaibigan ko. Ano to? Bago na? Monday sickness na ba ngayon?

Maya-maya dumating si Mandy at tinarayan ako. Kala naman niya kinaganda niya yun.

Hinayaan ko lang siya. Bahala siya magtaray ng magtaray hanggang lumuwa yung eyeballs niya.

"Sa dami ng masisilayan ikaw pa!" reklamo niya sakin.

"Woah! Pasalamat ka nga nasilayan mo kagandahan ko eh."

"Ang kapal mo naman ata."

"Yung iba nga pinapangarap na makita at makausap ako tapos ikaw? Choosy ka pa."

"Talaga lang ah?"

"Edi wag kang maniwala."

"Talaga!"

"Kailangan mo ba ulit ng piso para makahanap ka ng kakausapin mo?"

Inikot na naman niya ang mata niya at akala ko luluwa na.

Umupo naman siya sa upuan niya na parang diring diri.

"Ano ba yan! Kadiri naman to! Ang dumi dumi!" reklamo niya.

"Yung mukha mo nga ganyan pero hindi ka nandidiri eh." pang-babara ko sa kanya.

"Manahimik ka nga dyan!"

"Pake mo? Ikaw ba kausap ko?"

"Alangan naman sarili mo kausap mo?! Baliw ka na?!"

"Mas okay ng kausapin ko yung sarili ko kesa naman makausap yung kagaya mo."

At para naman siyang tanga na parang bubuga nga apoy.

"Hindi ka mag wawalk-out?" tanong ko sa kanya.

Himala! Hindi siya nag walk-out mga kababayan.

At ayun. Di niya alam kung tatayo ba siya o mananatili lang dun. At sa kasawiang palad, pagtayo niya biglang dumating yung teacher namin. Hahaha! xD

--------

Pagkatapos ng klase namin umuwi na ko agad. At eto ako ngayon naglalakad mag-isa.

Pagabi nadin kaya binagalan ko maglakad. Ganito kasi yung trip ko. Kapag mga ganitong oras na mas trip kong i-enjoy ang paglalakad. Yung tipong pababa palang yung araw at palabas palang yung mga stars.

Malapit na ko sa bahay namin ng may sumabay sakin.

"Miss gabi na ah? Bakit naglalakad ka mag-isa."

At pagtingin ko kung sino yung tatanga-tangang nagtatanong sakin, si Kyle lang pala.

"So, anong gusto mo? Gumapang ako pauwi o kaya mag mag tutumbling ako?"

Napakamot naman siya sa batok niya.

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon