JANINE POV
Andito ako ngayon sa garden namin. Ganito ako pag walang magawa. Kunwari emo. hahaha!
Ang bilis ng panahon. Prelims na namin next week. Naalala ko tuloy yung ginawa ni Mandy. Di nga sya nag tagumpay pero alam kong di padin yun titigil. Kaya dapat mag ingat na ko.
Nakakamiss tuloy si kuya. Oo may kapatid ako. Nasa ibang bansa sya para sa business namin. Siya na kasi ang namamahala nun simula nung mawala si papa. 7 years ang tanda nya sakin. Parang sya nadin ang tumayong tatay ko.
Lagi kasi ako pinag tatanggol nun, palagi kong kaharutan, nakakamiss yung asaran namin, nakakamiss yung palagi nya kong ginugula---.
"BOOOO!"
"AY ANAK KA NG PALAKANG MAY ANIM NA BUNTOT!!" Sigaw ko.
"Magugulatin ka padin." sabi niya.
D ko pinansin. Akala ko kung sino. Si kuya lang pa----
"KUYAAAAAAAAAA!!!!!" Sabi ko sa kanya sabay yakap.
"Akala ko di mo na ko papansinin e. Hahaha! Nakakatawa itsura mo. Parang slow motion pa eh!" sabi ni kuya na tawa ng tawa.
"Bakit ka ba kasi nang gugulat?!" tanong ko sa kanya.
"Syempre para ma-shock!"
"Ah. Akala ko para pumatay."
"Ano?" tanong niya.
"Ang sabi ko ang bingi mo! Di ba uso cotton buds sa ibang bansa?"
"Uso naman. Di lang ako gumagamit."
At pinagmalaki niya pa ah?
"Yuck kuya! Wag kang didikit sakin ah!" Sabi ko na parang nandidiri.
"Bakit naman?" sabi nya na ngumingisi tapos palapit ng palapit sakin kaya tumakbo na ko.
"Kuyaaa! Wag kang lalapit sakin."
"Laagot ka sakin pag naabutan kita!" pananakot ni kuya na hinahabol ako.
JAKE POV
Andito kami ni Janine sa may rooftop ng bahay namin. Napagod kaming maghabulan e.
Nakakamiss din yung ganito. ngayon ko na nga lang ulit nakita tong kapatid ko after 2 years. Nakakamiss din yung harutan namin. Dun kasi sa states puro trabaho lang. Ayaw ko din kasing pabayaan yun. Sakin pinag katiwala ni papa yun.
"Kuya bakit ka nga biglang napauwi at bakit di ka manlang nagsabi?" tanong ni Janine
"Bakit ayaw mo ba?"
"Syempre gusto ko! Pero kasi dati pag umuuwi ka nagsasabi ka."
"Namiss ko lang kayo ni mama. Di pa ba sapat na dahilan yun?"
"Yiiiieeee! Sweet ni naman ni kuya!" sabi niya na parang kinikilig pa.
"Ganun talaga pag gwapo!" pagyayabang ko
"G*go! Hindi gwapo!" sabi ni Janine sabay behlat.
Hahaha! Kahit talaga kelan ang lakas mangbara netong kapatid ko xD
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))