PETER POV
Pagkauwi ko sa bahay dumiretso Agad ako sa kwarto ko at nahiga. Naramdaman ko namang nag vibrate yung phone ko.
Pre anong nangyari sayo? Bakit bigla mo nalang kami iniwan? - Jayson
Hinayaan ko lang yung tex nya. Ano ba kasi nangyayari sakin?! Nakita ko lang naman yung bestfriend ko at ano big deal dun? Kasi ang alam ko patay na sya at paano ko nalaman na sya yun? Kasi kamukha nya malamang. Kambal nya kaya yun? Ay wala pala syang kambal! Tanga ko talaga! Baka naman multo lang yun? At bakit nagpapakita sakin?
Bapailing na lang ako at huminga ng malalim.
Nasyado lang siguro akong stress kaya kung ano-ano naiisip ko. Itutulog ko na nga lang to baka pagod lang ako.
KINABUKASAN
Nakasakay ako ngayon sa taxi papuntang school. Nakatingin lang ako sa labas at napansin kong parang uulan. Wala pa naman akong dalang payong.
Busy ako sa pagtingin sa labas habang naka headset nang may mapansin akong lalaki sa may gilid ng poste na nakatagilid na parang pamilyar sakin. Inaninag ko sya at laking gulat ko nang makita kung sino ang lalaking yun at kasabay pa nun ang pagkidlat.
At kelan pa naging horror to? Pakshet naman oh!
Di ko nalang pinansin kahit sa totoo lang takot na ko. Ikaw ba naman makakita ng taong alam mong patay na. Di ka ba matatakot?
Nakarating na din ako sa school. Baka naman pati dito magpakita yun? Sasapakin ko na talaga yun kahit bestfriend ko pa yun! Wait paano ko nga pala masusuntok yun eh kaluluwa nga yun.
"Huy!"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil biglang pagsulpot ni kanin sa tabi ko.
"Para ka namang nakakita ng multo!"
"Nakakita nga." wala sa sarili kong sagot.
"Pffffftttttttt! gutom lang yan!"
"Huh? ano yun?" Takang tanong ko. Ano na naman ba kasi pinagsasabi netong kanin na to!?
"Sabi mo kasi nakakita ka ng multo! Hahahahahaha! Tingin ko gutom ka na talaga!"
"Huh? ano..." Ang tanga ko talaga! Kung ano-ano pinagsasabi ko! "Wag mong ng pansinin yung sinabi ko. Gutom na nga siguro ako. Tara samahan mo muna ko sa cafeteria" aya ko sa kanya.
~~~~~~
Nag-aaral kami ngayon dito sa library dahil tutor ko padin sya diba?
Di ko talaga akalain na matututo ako sa babaeng to na walang ginawa dati kundi painitin ang ulo ko. natuwa sila mommy kasi hindi lang daw pasado yung test kundi matataas pa. Syempre gwapo ako kaya ganun.
"Kanin pag katapos mong maging tutor ko pwede mo pa din ba kong turuan?" tanong ko sa kanya.
"Sinuswerte ka naman ata! Pero pwede din basta sagot mo pagkain ko sa buong araw e."
"Ang takaw mo talaga!"
"Aba wala ng libre ngayon noh!"
"Friends naman tayo diba? Dapat libre na yun."
"Fiends? Hindi nga kita in-accept sa facebook e!"
"Di naman kita in-add e!"
"Eh wala rin naman akong facebook kaya pano mo ko ia-add?"
Okay. Sabi ko nga wala talaga kong panama sa kanin na to. Kung sapakin ko kaya to?! tsk!
"Okay deal! Basta siguraduhin mong matututo ako ah!"
"Basta nakakakain ako ng maayos matututo ka."
"Anong connect nun?"
"Kasi maganda ako."
"Naka------" Sasagot palang sana ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko.
"Talaga ex-bestfriend maganda ka?"
Si Mandy pala. Di padin pala tumitigil to? Tsk tsk!
MANDY POV
Namiss niyo ba ang kagandahan ko? Eto na ko nagbalik na. May mga inasakaso lang akong mahalagang bagay *smirked*
Di din kasi ako makadikit kay Peter. Palagi nya kasing kasama yung Janine na yun! Pero okay lang. Lubus-lubusin nya na yung araw niya na kasama si Peter kasi mapapasakin nadin yun! bwahahaha!
Andito ako ngayon sa library dahil dito ako makikipag kita sa mga uutusan ko.
Pagdating nila nag-usap naman agad kami at pagkatapos naming mag-usap umalis din sila agad. Nagpaiwan muna ko kasi iniisip ko pa kung may kulang pa ba? Mukhang wala na. Tumayo na ko at naglakad palabas pero bago ako makalabas napansin ko si Peter at Janine sa isang gilid. Malapitan nga!
"Anong connect nun?" Narinig kong sabi ni Peter
"Kasi maganda ako." Sagot naman ni Janine.
"Maka------" Tumabi ako kay Peter at pinutol ko na agad yung sasabihin niya.
"Talaga ex-bestfriend maganda ka?" pang-aasar ko sa kanya.
"Kumpara sayo aba talagang OO!"
"Mas maganda ko kumpara sayo!"
Totoo naman noh! Nas maganda ko sa kanya. Ang pumalag papabugbog ko.
Tinignan nya muna ko bago nagsalita.
"Oo nga maganda ka!" sabi sa inyo maganda ako e! "Maganda ka pag nakatalikod. Talikod ka nalang." Kalmado nyang sagot.
Abat! G*go tong babaeng to! Sabunutan ko to e!
"Maganda ako at ang pangit mo! Wag mo kong ikumpara sayo!" Sigaw ko sa kanya. Nakakapang gigil tong si Janine!
"Mali ka dyan! Tsk tsk!" Sabi nya na umiiling-iling pa. "Maganda ako at malandi ka. Yun ang tama!" pa cool nyang sabi.
"Kung mas maganda ka sakin bakit ako ang pinili ni Cedrick?" Tanong ko sa kanya. Nagulat naman sya at natahimik sa sinabi ko. *smirked*
"Oh ex-bestfriend natahimik ka?" Nakangising tanong ko sa kanya.
Bakabawi naman agad siya sa pagkagukat at tumingin sakin ng pa-cool. Bakit ba napaka kalmado nitong babaeng to?!!! Nakakainis na!
"Di ka ba talaga nakikinig?" tanong niya. tumingin ako sa kanya ng naguguluhan. "Maganda ako at MALANDI KA. Kaya kahit saan mo tignan talo ako." talagang in-emphasize niya yung malandi.
Feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko sa sobrang inis. Tumayo ako at umalis dun. Nakakainis! Nakakapikon! Nakakapika! Nakakaburaot! Nakaka init ng ulo! Nakakabadtrip! Lahat na!
"Pffffffttttttttttttt!" narinig ko pang pagpipigil ni Peter ng tawa.
Pumunta nalang ako sa garden at tinawagan yung taong pinaka kailangan ko sa plano ko.
"Oh Mandy napatawag ka?" Tanong ng taong sa kabilang linya.
"Kailan ka magpapakita?" Tanong ko.
"Di ko pa alam."
"Anong hindi mo alam?!"
"Di ko alam."
"Ano nga?!"
"Basta. Wag kang excited!"
"Sinisiguro ko lang! Baka mag back-out ka!"
"Hindi ako uurong! Wag kang makulit!
"Suguraduhin mo lang!"
"Oo nga paulit-ulit?!"
"Kailan ka nga magpapakita?"
"Makulit ka din eh noh! Basta malapit na nga! Maghintay ka lang!"
Yun lang yung sinabi niya sabay binabaan na ako ng telepono. bastos din to eh! Pero hahayaan ko muna siya basta sisiguraduhin niya lang na tutupad siya sa pinag-usapan.
Malapit na! Onti nalang Janine! *evil laugh*
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))