Chapter 30

8.2K 423 9
                                    

JANINE POV

Nakakatamad talaga sumama ngayon kay Cedrick. Kaso baka pabugbog ako nun kapag di ako sumama tapos maging siopao yung mukha ko. Paano nalang yung maganda kong mukha kapag nangyari yun?

Kaya bago pa ko maging o.a. ng sobra. Tinignan ko na yung sarili ko sa salamin. Ang ganda ko talaga!

Pagkababa ko andun na si Cedrick at ngiting aso na nakatingin sakin.

"Hoy wag kang ngumiti ng ganyan. Mukha kang aso." Pang-aasar ko sa kanya.

Bigla naman nagbago yung expression ng mukha niya at nagpout.

Natawa nalang ako sa kanya. Hahaha! Mukha siyang ewan!

"Tara na. Bago pa sumayad yang nguso mo sa sahig." Aya ko sa kanya.

Pagkalabas namin. Agad kaming bumyahe para masaya. Anong connect? Ewan ko din. Tanong mo nalang kay google.

After 10 decades. At ngalayan ng pwet sa taxi. Nakarating din kami sa wakas! Akala ko dun na kami forever eh.

Pagkababa namin. Pagkain agad ang hanap ko. Aba! Niyaya niya ko ngayon. Dapat busog ako.

"Hoy Cedrick! Kain tayo." Pag-aaya ko sa kanya.

"Mamaya na. Hindi ka makakasakay kapag kumain ka kagad kasi mag kaka appendix ka."

"Hahahaha!" Natawa talaga ko sa sinabi niya.

"Hoy bakit ka tumatawa?" takang tanong niya habang nakakunot yung noo.

"May appendix naman kasi talaga ko eh! Hahaha Kahit apendicitis talaga tawag dun? Hahaha."

Nakita ko siya na parang nag-isip.

"Oo nga noh." Sabi niya pa.

"Ewan ko sayo! Hahaha. Tara kain tayo kahit onti lang." pamimilit ko sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi sundin ako. Batas ata to!

Kumain lang kami ng Footshort tapos softdrinks para di mabigat sa tiyan.

Pagkatapos namin kumain, lakad lakad muna kami para di daw kami mag ka appendix. Hahaha!

PETER POV

Di ko talaga alam kung bakit ako pumayag kay Mandy na mag star city kami. Wala naman akong hilig sa ganito. Pangbata lang to eh.

"Tara sakay tayo dun sa Roller Coaster." aya niya sakin.

"Ikaw nalang."

"Bakit takot ka?"

"Di ah. Tss. Ayoko. Ikaw nalang."

"Dali na." pangungulit niya.

Sumama nalang ako bago pa madagdagan ang populasyon sa pilipinas dahil sa bibig niya. Ang haba ng pila. At nasa pinakalikod kami.

Ang tagal naman nito! Nakakatamad.

Tinignan ko yung pila kung gaano kahaba. Napansin ko si Cedrick dun sa may bandang gitna. At alam ko na kung sino yung kasama niya. Epal talaga to eh noh?

Nakakaburaot! Hanggang dito ba naman makikita ko silang magakasama?

Eh kung gawin mo kayang kayo ang magkasama? sabi ng konsensya ko. Oo nga noh! Biruin mo yun. May silbi din pala siya minsan.

Ano kayang magadang gawin?

Tinignan ko si Mandy na busy na nakatingin sa ibang rides. Tinignan ko din si Cedrick. Nakatangin din siya sa ibang direksyon.

Tumakbo agad ako tapos hinila ko agad si Kanin.

JANINE POV

Nagulat ako ng may biglang humila sakin. Di ko makita yung mukha niya. Mukha naman siyang harmless. At ang hipit ng pagkakahawak niya.

Napadpad kami sa Horror house. Ang corny dito eh. Tsaka sino ba to?

Pagtigil namin sa pagtakbo. Hingal na hingal na tinignan ko kung sino bang hinayupak ang pumagod sakin!

Nagulat ako nang makita ang pagmumukha ni Pandecoco.

Ang gwapo niya ngayon ah. Simple lang yung suot niya pero ang macho niya tignan. Halata din sa damit niya ang tinapay niya sa tyan. Siguro sa tinapay talaga to pinaglihi noh?

"Tapos ka na bang titigan ako?" Tanong niya.

"Hindi pa. Kaya manahimik ka diyan."

"Nagwagwapuhan ka lang sakin eh." Pag yayabang niya.

"Oo nga... Ay este! Oo nga! Kaya sulitin mo na. Minsan lang to." Pag papalusot ko.

Di naman siya sumagot. Nakatingin lang siya saking nakasimangot.

"Hoy! Wag mo kong simangutan kasi ikaw tong humila-hila sakin dito."

Nagiwas naman siya ng tingin at hinila ako papasok ng Horror house.

Anong problema ng tinapay na to?

Habang naglalakad kami. May mga nang gugulat samin. Syempre nagugulat ako.

At kapag nagugulat ako napapakapit ako kay Pandecoco. Mukha nga siyang enjoy na emjoy sa ginagawa niya eh.

PETER POV

Nakakatuwa talaga to si Janine kapag nagugulat. Kulang nakang yakapin ako eh. Sanay na din ako sa ganito kaya di na ko nagugulat.

"AHHHHH."sigaw ni Janine sabay yakap sakin.

Hahaha! Nakaka score ako dito. Pero para naman hindi ako magmukhang manyak. Hinila ko na agad siya palabas.

Pagkalabas namin. Hingal na hingal padin si Janine.

"Enjoy na enjoy ka ah!"

"Oo naman. Ay este Di ah! Ang corny nga eh."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

------

Nag gala lang kami ng nag gala. Ang dami naming nasakyang mga rides.

Nakakatuwa din si Janine kasama kasi hindi siya takot at sinasakyan niya lahat ng trip. Hindi din maarte.

Gabi na nang mapagod kami kakaikot kaya umupo kami sa may Bench.

"Grabe kapagod." Sabi niya.

"Enjoy naman." Simpleng sagot ko.

"Oo nga."

Nakatingin lang kami ngayong dalawa sa langit. Ang ganda kasi ang daming star at kitang kita.

Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Mabuti pala sumama ako kay Mandy.

Oo nga pala! Buti di kami nakita ng dalawang yun. Oo sila ni Cedrick. Pinagtataguan namin eh. Hahaha.

JANINE POV

"Janine may sasabihin nga pala ko sayo." biglang sabi ni Pandecoco.

"Ano yun?" tanong ko.

"Wag mo kong pagtatawanan."

"Ano nga yun."

"I Lihshvgvlj" Di ko naintindihan yung sinabi niya kasi may mga dumaang nagtotorotot na bata.

"Ano ulit yun? Di ko narinig eh." Tanong ko ulit.

Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Pwede bang man-%*$:-#" Di ko na ulit naintindihan yung sinabi niya kasi biglang umulan.

Tumakbo naman agad kami para makasilong.

"Huy ano ulit yun? Di kita naintindihan." tanong ko.

"Wala."

Amg sungit na na naman niya! Bahala siya. Hmp!

******

Please vote and comment :)))

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon