PETER POV
Eto kami ngayon sa cafeteria ni 'kanin'. Nagrereview ako ngayon kasi exam na bukas. Aba sayang din yung 1week na libre lunch ah! Makakatipid ako nun! >:)
Eto namang katabi ko kain lang ng kain. Ang lakas nya kumain pero di sya tumataba. Siguro may alaga to sa tyan?
Ayun na nga busy ako sa pagrereview ng bigla akong kinalabit ni kanin.
"Wag kang magulo nagrereview ako e!" inis na sabi ko sa kanya.
"Ti naman! Aalukin lang naman kita netong pagkain ko."
"Wow ah! Kanina ka pa dyan kumakain ngayon mo lang naisipang alukin ako!"
"Buti nga inalok pa kita! Magpasalamat ka pa nga dapat e!"
"Thank you ah!" Sarcastic kong sabi.
"Welcome."
"Wag kang makulit dyan!"
"Sungit mo ah! Sapakin kita dyan e!"
Di ko nalang sya pinansin para tigilan ako.
Maya-maya kinakalabit na naman netong kanin na to. Dapat dito tinatali e!
"Ano na naman ba yun kanin?!"
"Tignan mo si Steph nakatingin sayo. Pustahan tayo mamaya madudulas yan." pabulong nyang sabi.
Pagtingin ko kay Steph bigla nalang akong kinindatan kasunod pag kindat nya ay nadulas sya. Pinigilan ko matawa kawawa naman eh.
Nagtawanan naman yung ibang mga tao dito.
"Sabi ko sayo madudulas yan eh!" Pa-cool na sabi ni kanin.
"Pano mo naman nalaman? manghuhula ka ba?" takang tanong ko.
"Tanga ka ba? Di mo tinitignan yung dinaanan nya. Ayun oh!" Sabay turo sa dinaanan ni Steph.
Napansin kong may tubig sa dinaanan nya. Di kasi tumutingin sa dinadaanan nya. Katangahan nga naman! tsk tsk!
JAYSON POV
Andito kami sa cafeteria ni Kyle kasama yung katabing babae ni Kyle. Kaycee ata pangalan nya?
Habang kumakain kami nagulat kami ng biglang may nadulas pagtingin namin si Steph pala!
Nagpipigil kami ng tawa ni Kyle. Epic yung mukha nya e! Hahahaha! Nakakatawa!
"Ang tanga naman ni Steph!" - Pabulong kong sabi kay Kyle
"Mas tanga tong katabi ko." Sabi nya.
"Huh? Bakit naman?" tanong ko.
"Tignan mo to" sabi nya sabay harap kay Kaycee.
"Kaycee may tanong ako sayo." - Tanong ni Kyle kay Kaycee
"Ano yun?"
"Nakita mo si Steph na nadulas diba?" tumango lang ito.
"Anong meron sya na nagsisimula sa letter K?"
Ngulat ako kasi nag-isip pa sya eh ang dali dali naman ng sagot.
"Ahmmm. katangian?"
KATANGIAN? Hahaha!
"Hindi! Nadulas sya kasi hindi sya nakatingin sa dinadaanan nya."
"Ah! Kalandian?" takang tanong nya.
"PFFFTTTTTTT!" Pag pipigil kong tawa.
Hahaha! Nakakatuwa pala tong si Kaycee e!
"Oh Kyle anong nang yari sa kaibigan mo?"
"Wala. Nauutot lang yan! Tsaka mali din yung sagot mo!"
"Ha? Bakit naman? Sabi mo hindi sya nakatingin sa dinadaanan nya. Nakita ko sya nakatingin kanina kay Peter. Diba kalandian tawag dun?" tanong nya.
Oo nga noh! May point sya dun ah!
"Mali padin!"
"Alam ko na! Alam ko na!" pagmamalaki nya.
"Ano yun?"
"KALAMPAHAN! Meron syang kalampahan kaya sya nadulas!" pagmamalaki niya.
Kakaiba pala tong si Kaycee e! Hahahaha!
"Mali padin! Palaging tawag sayo."
"Bakit naman nasama pangalan ko sa pagkadulas nya?" tanong ni Kaycee.
"Huh? Anong pangalan?"
"Sabi mo palaging tawag sakin! Edi syempre 'Kaycee' ang tawag nila sakin kasi yun ang pangalan ko!"
Napasapo nalang ng noo si Kyle Habang ako nagpipigil ng tawa.
"PFffffffttttt!"
"Oy kuya kung nauutot ka wag dito ah! Ang daming kumakain e." sabi ni Kaycee
"Pfffffftttttt! Hahahaahahahaah!" Di.ko na talaga napigilan yung pagtawa ko.
"Kyle baliw ba yang kaibigan mo? Bigla biglang tumatawa e!"
Umalis nalang ako dun. Baka mabaliw ako sa katangahan ng isang yun! Hahaha!
------------------------------
ayun si Jayson sa gilid ------------------>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))