PETER POV
Eto ako ngayon sa classroom Nakayuko sa desk. Nagkukunwariang natutulog para di ako inisin netong babae sa tabi ko!
Tapos nadin yung prelims namin. Bagsak na naman! Ano pa bang aasahan?! Nakakatamad kaya!
"Janine at Peter pinapatawag kayo ni Maam Rodriguez." narinig kong sabi ng kaklase namin.
Di ko pinansin. Alam ko naman na dahil sa bagsak ako kaya ako pinapatawag e. Pero bakit kaya pati si Misha?
Maya-maya naramdaman kong may kumakalabit sakin. Si Misha to panigurado!
"Pedro pandecoco!"
"......"
"Baliw!"
"........"
"Mongoloid!"
"......."
"Sira-ulo!"
"......"
"Adik!!!!"
"........."
Hay salamat tumahimik! Bahala sya dyan! Matutulog nalang ako!
Napatayo ako bigla nang may naramdaman akong gumagapang sa tenga ko! Akala ko ipis! Pag tingin ko kay Misha may hawak sya na feather tapos tawa ng tawa!
"Pndecoco hahahaha! Nakakatawa Hahaha yung mukha hahaha mo! epic e!" sya habang tumatawa.
"Matuluyan ka sana kaka tawa mo." pabulong kong sabi.
"Ano?"
"Wala. Sabi ko bingi ka!"
"Bingot ka naman!" sabi nya sabay behlat.
"Bakit ka ba kasi nang gigising?!!"
"Pinapatawag daw tayo ni maam."
"Bakit daw?"
"Aba malay ko! Ako ba si maam?"
"Tara na nga! Dami mo pang sinasabi e!"
"Sungit neto! PMS na naman siguro." narinig kong bulong nya.
Nakakainit talaga ng ulo tong babaeng to!!!!
Pumunta na kami sa office ni maam Rodriguez.
"Maam pinapatawag nyo daw po kami?" tanong ko.
"Yes, at alam mo naman siguro kung bakit?"
Timango lang ako.
"Oay dahil nga puro bagsak ka magiging tutor mo si Ms. De Leon for 2 months. Magulang mo nadin ang nagsabi nito." sabi niya ulit.
"What?! Tutor?! Mag-aaral nalang ako maam ng sarili ko!" sabi ko.
"Napag-usapan na namin to ng magulang mo at mas makakapag aral ka ng maayos kaya sa ayaw at sa gusto mo mag tututor ka."
"Eh bakit sya?! Pde namang iba nalang ah!"
"Alam mo naman na si Janine ang top 1 nyo."
"Wow parang lugi ka pa!" sabat ni Misha.
"Maam naman baka di naman lesson ang ituro sakin nyan e! Baka lalo lang akong di matuto!" pagrereklamo ko.
"May tiwala ako kay Janine." yun na lang yung sinabi nya lumabas nadin kami ng office.
Pagkauwi ko sa bahay tinanong ko agad si mommy tungkol sa tutor na yan!
"Mu ano naman yung tungkol sa tutor-tutor na yun?!" Inis na tanong ko sa kanya.
"Para di ka na bumagsak." pa cool na sabi nya.
"Eh my pde naman ako mag self study ah? Bakit kelangan pang may ganun?"
"Bakit ilang beses mo na bang sinabi na aayusin mo na pag aaral mo? Na di ka na tatamadin? Na di ka na babagsak? Bago ka palang pumasok dyan sa school na yan sinabihan na kita." tuloy tuloy niyang sabi.
"Mommy naman! Mag-aaral na ta----"
"Hep! Mag tututor ka! And that is final!" may awtoridad nyang sabi.
Ano pa bang magagawa ko diba? Sono ba nag pauso nyang tutor-tutor na yan?! Para mabugbog ko!
At ang masaklap pa dun e si Misha payatot ang magiging tutor ko!
Makatulog na nga lang! Para mabawasan init ng ulo ko!
Nagising ako ng may maramdaman kong may tumatalon sa kama ko. Sino ba to?!
Pagtingin ko ang kapatid ko lang naman na sobrang kulit!
"Ano ba naman yan sarah! Dun ka sa baba mang gulo wag dito!" Sigaw ko sa kanya. Sabay takip ng unan sa mukha. Tumigil sya sa pagtalon.
"Eh kuya namiss lang naman kita eh." Kahit di ko nakikita alam kong nakapout yan.
Eto ang kahinaan ko! Di ko matiis yang si sarah. Ang cute nya kasi pag naglalambing. Umupo ako tapos hinarap sya.
"Wag kang mag pout!"
"Ang sungit mo talaga kahit kelan kuya!"
"Yakap mo na nga lang si kuya." sabi ko sa kanya.
"Kyaaaaaaah! Namiss talaga kita kuya! Palagi ka nalang nakakulong dito sa kwarto mo e!" Sabi nya habang nakayakap tapos parang nagtatampo.
"To naman! Busy lang masyado. Kelangan mag aral."
"Mukha mo kuya! Kaya pala mag tututor ka!"
"Sino nagsabi?" - tanong ko.
"Sila mommy! Kala mo ah! Oy sino yung magiging tutor mo? Babae ba? Maganda? Mabait?" sunod-sunod na tanong nya.
"Oo babae. Wag ka ng chismosa. Sige na bumaba ka na dun susunod nalang ako."
"Damot naman neto." Narinig ko pang bulong nya bago umalis.
Naalala ko naman tuloy yung tutor thingy na yan! Matututo ba ko dun sa babaeng yun? Baka puro pambara lang alam nun e. Bahala na nga!
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))