PETER POV
Bastusing bibig to! Kung ano-ano lumalabas na salita. Nakakainis. Di talaga ko maka mo----
"Ano di ka padin maka move on? Kanina ka pa tulala dyan baka gusto mo damayan pa kita para di ka nag-iisa?!" Inis na tanong niya. Oo tama kanina pa ko nakatulala. Nakakainis kasi tong bibig na to. "Tsaka dapat sinabi mo na road trip pala tong gagawin natin para naman nakapagdala ako ng snacks." Pahabol niya. Kanina padin kasi kami dito sa taxi at paikot-ikot.
Hay buhay nga naman! Naiinis padin kasi talaga ako! Una di ako pumalag nung sinabing nililigawan ko siya, pangalawa pumayag akong makipaglaban sa kuya niya ng basketball at pangatlo ang pinakamatindi yung sinabi kong nakakainlove siya! Ang ganda niya kasi pakshit!
Bumaba nalang kami sa malapit na mall at dito nalang kami maggagala. Napansin ko din kasing naiinis na tong si kanin kanina pa. Halata naman diba?
Pagpasok palang namin nakarinig na kami ng bulungan.
"Ang gwapo!"
"Ang hot niya grabe!"
"Girlfriend niya ata yung kasama niya"
"Oo nga ang ganda din. Bagay sila"
"Ang cute nung couple oh! Bagay na bagay sila!
Ang ingay naman dito! Pero nawala bigla yung inis ko ng mapansin kong namumula yung mukha ni kanin. Ang cute niya! Ang sarap kurutin nung pisngi niya pero syempre pinigilan ko yung sarili ko baka mapagkamalan akong bakla nun.
Kumain muna kami kasi alam kong gutom na ting katabi ko. Alam niyo naman na matakaw yan.
Pagkatapos namin kumain nag-ikot-ikot lang kami sa mall.
"Ate,kuya, pwede pa-picture? Ang gwapo at ang ganda niyo kasi. Bagay na bagay kayo." Sabi nung isang babaeng lumapit samin.
Mukha naman kaming artista nito eh. Pinagbigyan nalang namin.
Nanuod kami ng sine at kung ano-ano pa.
"Tara uwi na tayo. Anong oras nadin eh." Aya ko sa kaniya.
"Kain muna tayo ulit! Nagugutom ako e.
"Kailan ka ba nabusog?"
"Di ko nga din alam eh. Tara na!" Sabay hila sa kamay ko. Bakit may kuryente? Ano to may powers?
Kumain kami sa isang fastfood chain. Ang dami niya na namang inorder. Ang lakas talaga kumain.
Habang kumakain kami napatingin ako sa kanya. Ang cute niya kumain. Di siya nahihiya na punong-puno yung bibig niya.
"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya.
"Ang cute mo kasi." Abat sira-ulo talaga tong bibig na to!
Nanahimik naman siya at nakita kong namula yung mukha niya. Lalo siyang nagmukhang cute.
"Lao na pag nagbblush." Asar ko sa kanya. Ganito lang pala magpapatahimik sa kaniya eh.
Agad din naman siyang nakabawi at tumingin sakin. "Crush mo ko noh?" Nang aasar niyang tanong.
Nag-iwas naman ako ng tingin. Ang bilis makabawi nitong babaeng to! Pero crush ko nga ba siya? Ay ewan!
"Di ah!"
"Defensive!"
"Di noh! Wag kang maingay may kumakain." pag susungit ko.
"Malamang kainan to. Magulat ka may nag bibike dito." pamimilosopo niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))