PETER POV
Kakatapos lang ng exam namin at dahil gwapo ako talo si kanin sa pustahan namin! Kaya eto kami sa cafeteria bwahahaha!
Tinext ko nadin sila Jayson. Naalala nyo pa yung sinabi kong tutulungan ko sila magkaayos? Sisimulan ko na ngayon tutal may isang buwan pa naman sya para maging tutor ko.
"Uy pre!" Bati sakin nila Jayson. Kasama din nila yung babaeng katabi ni Kyle.
"Pre sabay na kayo samin!" aya ko sa kanila. Sinabi ko din sa kanila na kunwari wala akong alam sa kanila para mas madali ko silang matulungan. Umupo naman sila agad.
Napansin kong biglang pagtahimik ni kanin.
"Kanin ang tahimik mo ata!" sabi ko sa kanya
"Kasi hindi maingay?"
"May problema ba?" tanong ko ulit sa kanya.
"Oo marami akong problema at isa ka dun."
"Bakit naman ako nadamay dyan?"
"Kasi gusto ko?"
"Eh pano kung ayaw ko?
"Edi ayaw mo."
"Anong pinaguusapan nyo?" Sabat nung babae samin.
"Uy Kaycee!" Bati naman ni kanin sa kanya. Nagngitian lang sila.
Tumahik na naman ulit. Grabe ang awkward!
"Nga pala san kayo mag-aaral ng college?" Pagbabasag ni Kaycee ng katahimikan.
"Ako di ko pa alam e." sagot ni Kyle.
"Ako di ko pa alam kung sa ibang bansa ako pag aaralin ni mommy." sagot naman ni Jayson.
"Ako di ko pa din alam." sagot ni kanin.
"Ako di ko PA alam kung makakagraduate ako kaya wag nyo muna kong tanungin nyan." Sogot ko kaya nagtawanan naman sila.
"Tlagang di ka pa sure ah? Pero malay mo naman!" pang-aasar ni Jayson.
"Kaya yan pre tiwala lang! tulungan ka namin mangodigo? hahaha!" sabat ni Kyle.
"G*go!"
Nagtawanan naman kami ulit. Nasabi ko na ba sa inyo na tumatawa na din ako kapag kaharap ko sila? Hindi pa noh? Kaya eto nga sasabihin ko na nga. Di na ko nahihiyang tumawa sa harap nila lalo na kapag kami lang mag kasama ni kanin. Oo palagi nya kong iniinis, palagi nya kong binuburaot, palagi nya kong binabara pero nasanay na ko dyan. Yun nga yung palagi kong hinahanap sa kanya e. Magulo man pero magulo talaga.
Napansin ata nila na nagtatawanan sila na parang walang problema. Kaya nagkatinginan sila sabay yuko.
"Ahmm... Janine?.... kasi.... ano.... di mo padin ba kami... ano.... napapatawad?..." Tanong ni Jayson habang kumakamot sa ulo.
Parang slow motion namang inangat ni kanin yung ulo nya tapos tumingin kila Jayson sabay.
"Waaaaaaaaahhhhhhh! Bamiss ko kayo!" Sigaw ni kanin kila Jayson sabay yakap.
JANINE POV
"Ahmm... Janine?.... kasi.... ano.... di mo padin ba kami... ano.... napapatawad?..." Tanong ni Jayson habang kumakamot sa ulo.
Sinadya ko talagang parang i'slow motion yung pag angat ng ulo ko Para kunwari suspense hahaha! Tinignan ko sila sabay sigaw.
"Waaaaaaaaahhhhhhh! Bamiss ko kayo!" tapos niyakap ko sila.
Halata naman sa kanilang nagulat pero ginantihan nadin nila ko ng yakap pero agad din kaming naghiwalay baka ma-tsismis e.
"Di ka na galit samin?" takang tanong ni Kyle.
Natagal na naman na kong hindi galit sa kanila, matagal ko na silang pinatawad kaso kasi nahihiya akong kausapin sila.
"Ay hindi! Galit padin ako sa inyo kaya nga niyakap ko kayo kasi galit pa ko!" pamimilosopo ko sa kanya.
"Sabi ko nga di ka na galit pero paano? kelan pa?"
"Matagal na." pa cool kong sabi.
"Eh bakit di mo kami kinakausap?"
"Nahihiya kasi akong kausapin kayo. Alam niyo naman na mahiyain ako." sabi ko sabay umarte ng mahinhin.
"Weh? mahiyain ka?" Sabat naman nitong pandecoco sa tabi ko.
"Oo mahiyan ako! Diba Jayson?"
"Ahh... ano!" Pinanlakihan ko sya ng mata. "Ah! Oo mahiyain yan si Janine!" Ok na sana kaso may pahabol pa. "Sa sobrang mahiyain nyan pati pagkain namin kinakain nyan!"
"Sabi ko mahiyain ako pero di ko sinabi na di ako matakaw."
"Ang payat mo pero ang lakas mo kumain!" sabat ni pandecoco
"Ganun talaga pag maganda."
"Maganda ka?"
"Oo. Bakit hindi?"
"Hindi."
"Sinungaling!"
Nagtawanan naman kami. Namiss ko din tong mga kolokoy na to.
"Ah. May tao po dito! Hello?" Biglang singit ni Kaycee. Nakalimutan namin andito pala tong babae na to.
"Weh? Tao ka?" Pang-aasar sa kanya ni Kyle.
"Bakit hindi ba?" Takang tanong nya.
"Hindi." pa cool naman na sagot ni Kyle.
Nagtawanan naman kami ulit.
~~~~~~
Nag kayayaan kami mag gala pagkatapos ng klase kaya eto kami ngayon nag aabang ng taxi.
"Jeep nalang tayo." aya ni Kaycee.
"Jeep?! Masikip dun tapos ang init pa!" Reklamo naman ni Kyle.
"Dali na para maiba!" Sabay hila niya kay Kyle kaya wala nadin kami nagawa kundi sumunod.
Habang nakasakay kami sa jeep reklamo ng reklamo tong tatlong kolokoy.
"Ang init tapos ang sikip ng sikip!" reklamo naman ni Jayson
"Oo nga bakit ba kasi dito pa tayo sumakay?" reklamo ni Kyle.
"Imgay!" - pandecoco
Totoo naman din kasi yung nga sinasabi nila pero di naman kasi ako reklamador kaya hinahayaan ko nalang kaso nakakainis tong driver ng jeep maya't-maya humihinto kapag may nakikitang tao.
"Oh! Dalawa pa! Dalawa pa!" sigaw nung driver.
Seriously? Ang sikip sikip na nga!
"Kuya ano feeling bus?! Di na nga kami makahinga dito tapos dalawa pa?! Oh come on!" sigaw ko sa driver.
Di ko na mapigilan yung inis ko Kaya nasigawan ko na sya. Nagreklamo nadin yung ibang pasahero kaya wala na syang nagawa kundi mag dire-diretso nalang.
Di naman talaga ako maarte pero ayokong sumakay sa jeep kasi maraming driver na ganito at madami ding epal na pasahero.
Nag gala lang kami ng nag gala. Nang mapagod na kami nag kayayaan kami kumain at habang kumakain kami nagtanong si Kaycee.
"Ano nga pala nangyari sa inyo kanina? Bakit may pasigaw-sigaw tapos may patawad-patawad pa?" Takang tanong nya
"Ah yun! Nag papraktis lang kami kasi naisipan namin sumali sa drama club." sagot ni kyle.
"Ah ganun ba. Akala ko kung ano na."
"Pfffffttttt!" Pagpipigil ng tawa ni Jayson
"Jayson nauutot ka na naman?!" tanong ni kaycee kay Jayson.
WHAT?! Nauutot? Hahahaha! Kwela pala tong si Kaycee e!
Napansin kong ang tahimik ni pandecoco.
"Pandecoco ang tahimik mo?" Tanong ko sa kanya. Mukha naman syang natauhan.
"Ah! Wala tara uwi na tayo." Sabay alis.
Anong nangyari dun? Nakakita ata ng multo? O baka naman natatae? Tama baka natatae nga!
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))