Chapter 38

6.3K 247 49
                                    

JANINE POV

Ilang linggo nadin ang nakalipas at takte parang ang drama ko? Parang di bagay sa kagandahan ko. So, ayun nga ang bilis ng araw at 2days nalang Christmas party na namin. O diba ang bilis?

Nagbunutan nadin kami ng exchange gift na hindi natuloy nung nakaraan. At alam niyo ba? Syempre hindi pa. Kaya eto nga.

Nabunot ko lang naman ay si....... Tinapay!

Pero syempre joke lang yun. Hindi siya. Nainis nga ko eh. Ewan ko ba! Di ko din alam kung bakit siya ang gusto kong mabunot! Ahhh. Baka kasi gusto ko siyang pagtripan? Tama, tama!

So ayun nga. Ang nabunot ko lang naman ay walang iba kundi si Mandy! Tadhana nga naman. Talagang pinagtatagpo kami ng landas.

Balak ko nga sana regaluhan ng picture frame o kaya mug nalang. Para mainis. Bwahaha!pero napagisip-isip ko na mas maganda siguro kung salamin noh? Kasi feeling ko wala silang salamin. Matutuwa kaya yun?

" Kanin!" Tawag nitong tinapay na naglalakad sa tabi ko.

"Bakit?"

"Ang lalim ata ng iniisip mo?"

"Edi sana nalunod ako."

"Mukha ka na ngang nalulunod eh." Pang-asar na sabi niya.

"Andiyan ka naman para sagipin ako eh."

"H-ha? O-oo nga. Sasagipin kita."

Bwahahah! Nakakatuwa talaga itsura niya pag nababara ko siya.

"Parang pag nahulog ka. Handa naman akong saluhin ka." Seryosong sabi niya.

"Hahaha! Oo nga saluhin mo da----." Wait ano daw?! ano ba tong sinasabi ko?! At anong sabi niya? Bakit parang double meaning yun?!!! Whaaaaaa!

"A-anong s-sabi mo tinapay?" Nauutal na tanong ko.

"Wala." Sabay kamot sa batok with matching sexy smile. Syet!  "Anong palang gusto mong kainin?" Tanong niya bigla. Nasa cafeteria na pala kami. Napatingin naman ako sa kanya. At nakangiti padin siya.

Bakit ba ang gwapo neto? Sa lahat ng tinapay parang siya ang pinakamasarap kain----

Wait! Ano ba tong pumapasok sa isip ko? Una cute tapos gwapo tapos ngayon masarap?! Whaaaaa! Feeling ko nagkakavirus na yung utak ko!

"Ano kanin? Alam kong gwapo ako pero hindi mo na ko kailangan titigan ng ganyan."

Nagising ako sa diwa at nakatitig pala ko sa kanya? Biruin niyo yun? Wala akong kamalay-malay! Ibig sabihin talagang ini-alien na yung utak ko!

Nagbawi ako ng tingin at tumingin sa mga pagkain. "Ikaw nalang bahala." Sabi ko sa kanya at naglakad para maghanap ng upuan. "Anong nangyari dun?" Narinig ko pang bulong niya bago ako makalayo.

Nang makahanap ako ng pwesto at makaupo saka lang nagsink in lahat sa utak ko ang mga pinaggagawa ko at pinagsasabi ko! Whaaaa! Nakakahiya talaga!

Napatigil ako ng may naramdaman naman akong nakatingin sakin kaya napatingin ako sa paligid. Wala naman akong napansin na kakaiba. Pero bakit parang kinakabahan ako?

Napatingin ako sa tabi ko ng may umupo. Hay! Si Tinapay lang pala. May dala na siyang pagkain. Medyo kinabahan ako dun ah.

"Oh bakit ganyan ka makatingin? Mukha kang nakakita ng multo." Tanong niya.

"May multo bang ganyan ang itsura?" Sabay irap ko sa kanya.

"So hindi pala ko pde maging multo. Bakit? Masyado ba kong gwapo para lang sa multo?" Mahangin na sabi niya.

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon