JANINE POV
"Tss. Landi talaga!"
Hay! Eto pang isa! Yung totoo?
Di ko nalang siya pinansin. Sayang lang oras ko.
"Kahit saan talaga nagkakalat yang mga ganyan." Singit ng babaeng katabi niya.
Napatingin ako sa bitch na kasama ni Mandy. Ngayon ko lang siya nakita. Mukhang pa-sosyal at mukhang spoiled brat. Parang si Mandy.
"Oh sino yan Mandy? Amo mo?" Tanong ko sa kanya.
"WHAT?!" Galit na tanong niya habang nanlalaki pa yung mata.
May nakakagulat ba sa tanong ko? Di ko tuloy maiwasan matawa sa isip ko. Pero syempre sa isip ko lang. Baka magwalk out agad to. "Oh tinatanong lang kita. Wag kang beastmode." Pa-cool kong sagot.
"Tss. Halatang ignorante. Mukha ba kong katulong?" At inirapan pa ko.
"Wala kong sinabing mukha kang katulong. Tinatanong lang kita kung amo mo siya. Katulong lang ba ang may amo?" Nagtatakang tanong ko.
"Tsk. Wag mo ngang pagaksayahan ng oras yan Sis. Di hamak na mas maganda ka diyan." Singit na naman nung kasama niya.
Ang hilig sumingit nitong taong to. At Sis? "Wow Mandy may kapatid ka pala? Sabagay magkahawig kayo."
"Pareho kasi kaming maganda."
"Magkahawig sa ugali. Tss." Hindi ko na sila pinansin at kumain nalang. Masyado nilang iniistorbo ang pagkain ko. Di ba nila alam na nakakastress ang pag pigil sa pagkain ng isang tao? Lalo na sakin!
"Uy Peter!" Napantingin ako sa dumating. "Reunion?" Bulong kong sabi.
Dumating lang naman si Jayson at si Kyle. Nakita ko naman na napatingin sila ng masama kay Cedrick at Mandy. Tsk! Oo nga pala. Di nga pala sila okay.
"Pre bakit kayo nagtitiis dito? Eh ang baho dito oh. Ang sama pa ng hangin." Tanong ni Jayson kay Peter.
"Hindi. Tatapusin lang namin tong kinakain namin."
"Buti nasisikmura niyo yang ganyan. Kami kasi hindi namin kayang sikmurain yung mga ganyan. Baka nasuka na kami pag ganyan kabaho." Sabat naman ni Kyle.
Nakita ko naman na nagkuyom ng kamao si Cedrick. Naku! Mukhang hindi reunion ang mangyayari neto ah?
"Hoy tinapay! Bilisan mo diyan! Samahan mo ko." Singit ko sa kanila. Ayokong magkagulo dito noh. Mamaya madamay pa ko at masira pa yung maganda kong mukha.
"Ha? San naman tayo pupunta?" Takang tanong niya.
"Basta. Wag ka ng maku----"
"Alam na Sis." Epal na namn nung kasama ni Mandy.
"I told you Sis." Sagot naman ni Mandy.
Hindi ko sila pinansin at tumingin kay Tinapay. "Ano tinapay? Sasama ka ba o hahayaan kita dito sa mga mukhang amo at mukhang---" tinignan ko muna si Mandy bago ako nagsalita ulit. "Katulong daw sabi niya." Nakangisi kong sabi.
Nakita ko naman nanglalaki yung mata niya."Anong sabi mo?!" Galit niyang tanong.
"What? Sabi ko mukhang amo at katulong. Pero wala akong sinabing pangalan. Dont tell me na natatamaan ka?"
"Eh samin ka nakatingin!" Galit na talaga siya.
"So pag sayo nakatingin ikaw agad?"
"Bakit sino pa ba ang tinutukoy mo?" Mataray na sabat nitong sis daw ni Mandy.
"Pwede naman si Jayson at si Kyle." Natawa pa ko sa reaksyon nilang dalawa. Mukhang nagulat?
"Sabagay bagay nga sa kanila yun." Sabay irap sakin.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))