Andito kami ngayon sa isang fast food ni tinapay. Hindi ko alam kung bakit dito niya ko dinala. Wala kong idea.
Talaga? Wala kang idea?
Ay bwisit tong konsensya ko ah!
"Oh kainin mo lahat yan ah?" Napatingin naman ako kay tinapay na na umupo sa harap ko at dun sa sinasabi niyang ubusin ko.
Wow! May fries, chicken, spaghetti, sundae, at burger! Lalo akong nagutom sa nakikita ko!
"Oo ba!" Masaya kong sabi at nilantakan ang pagkain na nasa harap ko.
Maya maya napansin kong nakatingin lang sakin si Tinapay at nakangiti.
"Hoy tinapay! Wala ka bang nilagay na lason dito! Kung makangiti ka diyan!"
"Wala. Nasa mukha ko bang patayin ka?" Pagsusungit niya. Ang bilis magbago ng mood nito!
"Sungit! O baka naman gayuma!"
"Hindi ko na kelangan gayumahin ka." Pagyayabang niya.
"Bakit naman aber?
"Mapapasakin ka din naman." Sabay lapit niya ng mukha sakin.
"T-tse!" Sigaw ko sa kanya sabay layo.
Feeling ko naging red na naman ang mukha ko! Waaaah! Tsaka diba kumakain ako? Bakit parang nagkakagulo yung mga organ ko sa tyan! Nagiging zombie na sila!
"Ano kanin? Totoo diba?" At ngayon nakangisi na sya. Ang galing niya! Idol ko na siya.
"Alam mo feeling ko kagabi tinapat mo yang ulo mo sa electric fan. Puro hangin eh."
Tumawa naman siya ng pang pogi.
Oo pang pogi talaga! Eh ang pogi niya kasi! Kaya pang pogi talaga!
Wait! Ilang beses ko siya pinuri?! Hala! Mukhang kinakain na ng mga uod yung utak ko!
Sinamaan ko siya ng tingin kaya nanahimik naman siya at kumain nadin. Mabuti yan para hindi masyadong nasisira ang utak ko dahil sa mga sinasabi niya.
Tahimik lang kaming kumakain pero may gusto talaga kong itaning sa kanya.
"Tinapay bakit mo nga pala ko dinala dito?" Tanong ko sa kanya.
"Alam ko naman kasi na gutom ka. Ay hindi pala. Palagi ka naman palang gutom." Nakangisi niyang sabi.
Ay bastos to ah! "Thank you ah!" Sarcastic kong sabi.
"Welcome. Pero kaya nga kita dinala dito kasi alam kong naistorbo yung pagkain mo kanina. Baka mamaya pati ako idamay mo sa badtrip mo."
"At pano ka nakakasiguro na hindi na ko mababadtrip sayo dahil dinala mo ko dito?
"Alam ko lang." Kibit-balikat niyang sabi.
Pero tama siya hindi ko na muna siya aawayin. Next time nalang! Bwahahaha! Syempre kahit papano marunong akong tumanaw ng utang na loob. Baka mamaya maturn off to sakin.
Eh ano naman pala kung maturn off siya?
Syempre gusto mo siya!
Bwist talaga tong konsenya na to! Masyadong papansin! Tsaka hindi ko siya gusto! Tse!
"Kanin mukha kang ewan na nakasimangot diyan."
"Tse! Isa ka pa! Kumain ka nalang!" Pagalit kong sabi.
"Ano na naman nagawa ko?" Narinig ko pang bulong niya.
Bahala siya. Mamaya ko na siya kakausapin. Baka lalo akong hindi makakain nito.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))