JANINE POV
Ang sarap talaga asarin netong transferee. Hahaha! Ang sungit sungit kasi tapos snobero pa :)
Pero pogi sya ah! :)
Ay! di pa pala ako nag papakilala. Ako nga pala si JANINE MISHA DE LEON. Ang ganda ng name ko noh? Ganun talaga pag maganda. Basta maganda ko. Yun na yun.
Di ako mayabang ah! Proud lang.
Okay balik reality.
Lunch na kaya bumaba ako papuntang cafeteria. Pag dating ko dun nakita ko si steph na nilalandi si Peter. Mukhang inis na inis naman si Peter. Maasar nga tong si Steph. Di din yan nananalo sakin eh. *evil smile*
"Steph may pick up line ako sayo." Sabi ko sa kanya.
"Ano na naman ba yun Janine?!" Sabi nya na naiinis na. Haha wala pa kong ginagawa dyan ah! :)
"aoh easy! Wala pa nga kong sinasabi eh." sabi ko habang ngumingisi.
"Ano ba yun!?" inis na tanong niya.
"Panget ka ba?" Tanong ko.
"What?! Ayos ka ah!" naiinis na talaga sya. Bwahaha!
"Dali na! Sabihin mo bakit."
"oh bakit?!" Uto-uto to ah! >:D
"Hala hindi mo alam?" - sabi ko sa kanya na parang nagugulat.
Nagtawanan naman yung mga nasa cafeteria.
"Isa pa! Dali na. Wag ka ng choosy." pangungulit ko.
"Tigilan mo ko Janine ah!" nakasimangot na sya.
"Dali na. Pangit ka ba?" tanong ko ulit.
"Oh bakit?!" Uto uto talaga to. haha! :)))
"Hala! Nakalimutan mo agad?" sabi ko habang nagpipigil ng tawa.
Lalong lumakas yung tawanan sa cafeteria. Tapos nakita ko si peter na ngumingisi. Tsaka sila kyle na tumatawa.
"Eyo last na. Panget ka ba?" tanong ko ulit.
"bakit?!!!!" Galit na siya! haha! :D
"Oh relax! Pinapaalala ko lang." - Sabi ko habang tinatapik sya sa balikat tapos sabay alis! :D
Nakakatawa talaga yung mukha nya! Namumula na sa galit. Ang hilig nya kasi mambully e. Ako lang nakakaganyan sa kanya :D
Narinig ko pa sila Jayson na inaasar siya.
"Barado ka pala steph e. hahahaha!" asar sa kanya ni Jayson habang tumatawa.
"Boompanes!!!" sabi naman ni Kyle.
Walkout sya eh! hahaha!
Natapos yung klase na ganun padin. Minsan nga katamad e. Paulit-ulit naman.
Pag kauwi ko sa bahay nakita ko na si mama na nanunuod.
"Hi ma!" bati ko sabay halik sa pisngi.
"Oh! Dumating ka na pala." sabi niya.
"Ay hindi ma! Joke lang to. Wala pa nga dito eh." pamimilosopo ko.
"Ah. Kala ko picture mo lang yan." sabi naman niya.
Oh nakita nyo na kung san ako nagmana?
"Ma. Akala nga e. Kelan pa naging tama yung akala?"
"Ngayon lang"
Mas kalmado pa yan sakin :)
"Ok lang maganda padin naman ako" pagmamalaki ko. Hahaha! :D
"Sino nagsabi nyan? Bibitin ko patiwarik." tanong niya.
"ikaw ma."
"Kelan ko sinbi yan?" nag mamaang maangan pa e.
Kinuha ko yung phone ko tapos may pinlay akong record.
"Ang ganda ganda talaga ng ng anak ko! Manang mana sakin."
Tinignan ko si mama na parang nagulat kasi may record sya. Hahaha! Nirecord ko talaga yun para may pamabara kay mama xD
Nung prom namin yan last year :)
"Ma tulungan na kita ibitin ng patuwarik sarili mo mamaya. Tawagin mo nalang ako pag ready ka na." sabi ko sa kanya habang nakangiti ng mapang asar. Dinilaan ko sya bago umakyat sa kwarto :)
Saya din ngayon araw ah! :) Ang dami kong naasar hahaha!
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))