chapter 12

10.2K 416 3
                                    

  PETER POV

Nakakatamad talaga mag-aral! Paulit-ulit nalang! Tapos wala pang ibang ginawa tong babae sa tabi ko kundi barahin ako!

"UY PEDRO!"

Sino pa ba? Edi si Janine! Ayan na naman sya sa pang buburaot nya!

"Ano na naman ba yun payat?!" inis na tanong ko sa kanya.

"Ang sungit mo naman! Tsaka di ako payat. Mataba ka lang." sabi nya

Ako mataba?! The F*ck!

"Di ako mataba! Ano ba kasing kelangan mo?!"

"Wala kasi akong mapagtripan." pa cool nyang sabi.

"Pwes wag ako ang pagtripan mo!"

Naiinis na ko sa kanya!

"Ang sungit neto! Siguro meron ka noh?"

"Anong meron?!" Takang tanong ko sa kanya.

"Monthly period."  Cool nyang sabi.

What?! Ginawa pa kong babae!

"Di ako babae!"

"Ah. Edi bakla ka?" tanong nya.

"Mas lalong di ako bakla!"

Naiinis na talaga ko sa kanya! Ang hilig mangasar!

"Eh bakit ang sungit mo?" tanong niya ulit.

Bakit ba ang kulit neto?

"Eh bakit ang daldal mo?!"

"Eh bakit ang taba mo?"

"Eh bakit ang payat mo?!"

"Eh bakit ang pangit mo?"

"Gwapo ako." pa cool kong sabi.

"San banda?" tanong nya

"Sa lahat" sabi ko.

Ginaya ko yung sainabi nya. Baka manalo ako ngayon! Hahaha!

"Sino nagsabi?"

"Mama ko."

"Syempre nanay mo yun. Sino ba namang magulang na sasabihin sa anak na 'Anak ang pangit mo' minsan talaga mahirap tanggapin ang katotohanan. Lalo na pag sa iba pa nanggaling. Tsk tsk!" sabi ni Janine na umiiling-iling pa.

Magsasalita pa sana ko pero pinigilan nya.

"Wag ka ng magsalita. Ganyan talaga sa umpisa pero matatanggap mo din. Wag kang magalala dadamayan kita." Sabi nya sabay tapik sa balikat ko.

Kung di lang to babae sinapak ko na to!! Nakakainis! Badtrip! hanggang graduation ko pa pag titiisan yung kakulitan nito!

Di ko nalang sya pinansin. Alam kong di ako mananalo dyan. Matutulog nalang ako habang wala pa yung teacher namin.

Nagising ako na may narinig akong parang nag aaway na lalaki at babae. Pagtingin ko si Kyle pala tsaka yung katabi nya sa dulo.

"Wag ka ngang epal!" sigaw nung babae.

"Peram lang ng notebook mo e! Kokopya lang ako ng notes!" sigaw naman ni Kyle

"Do ka kasi nagsusulat tapos ngayon ako tong guguluhin mo!"

"Eh wala akong magulong iba kaya ikaw tong ginugulo ko!"

"Wala akong pake sayo!"

"Dali na! Ang pangit mo na nga ang damot mo pa!"

"Ano namang kinalaman ng itsura ko sa pag hiram mo ng notebook?!"

"Basta may connect yun! Peram na kasi!"

"Ayoko nga e!"

Napailing nalang ako. Walang bang tahimik na lugar dito? Gusto ko matulog e! Tsk tsk!

Makabili na nga lang ng pagkain.

Pagbaba ko sa cafeteria ayan na naman yung mga bubuyog!

"kyaaaah! Ang gwapo talaga ni peter!"

"Oo nga bagay kami!"

"Mas bagay kami kasi wendy pangalan ko."

Ang ingay naman! Nakakainis na talaga!

Bumili lang ako ng pagkain tapos pumunta ko ng garden.

Buti pa dito tahimik.

"Hi babe!" biglang sulpot ni Steph.

Kakasabi ko lang diba?!

Tumayo na ko tapos iniwan ko na sya dun.

"Ang sungit talaga ni babe!"

Narinig ko pang sabi nya. Bahala sya magmukhang tanga dun! Badtrip!

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon