PETER POV
KINABUKASAN
Naglalakad ako papuntang room nang may biglang may tumabi sakin. Pagtingin ko si Steph lang pala. Ano ba yan! Umagang umaga!
"Hi sungit!" sabi nya sabay kapit sa braso ko.
Balibag ko kaya to? Kapit ng kapit e!
"Wag ka nga maingay. Ang aga aga nangbabadtrip ka." inis kong sabi sa kanya.
"Ang mean mo naman kuyang sungit." sabi nya sabay pout.
Di bagay sa kanya! Mukha siyang bisugo! Tinanggal ko yung kamay nya tapos umalis na ko. Di ko nalang sya pinansin.
Pagdating ko sa room nakita ko na si Janine. Imupo na ko sa upuan ko. Maasar nga.
"Payatot ka pero ang hilig mo makipag away." pang-aasar ko.
"Maganda naman."
"Saan Banda?"
"Sa lahat."
"Sino nagsabi?"
"Mama ko."
"Baka malabo mata ng mama mo."
"Di malabo mata nun. Sadyang maganda lang talaga ko."
"Pano mo naman nasabi?"
"Pwet mo may gabe."
"Huh?" anong sabi niya?
"Wala sabi ko bingi ka!" sigaw niya.
Ayos to ah! Hay kelan kaya ko mananalo dito?
"Di ka mananalo sakin. Wag ka na mag balak."
Mind reader? Siguro kalahi to ni edward cullen?
"Di din ako mind reader at lalong hindi ko kalahi sila edward cullen."
Napa-iling nalang ako. Maya-maya dumating na yung iba naming mga classmate. 5mins. nalang bago mag simula ang klase nung biglang dumating si Mandy. umupo sya sa harap namin. Do nya ata ako napansin.
"Ano ba yan umagang umaga sumasakit ulo ko sa nakita ko!" parinig ni Mandy kay Janine habang naka ngisi.
"Ang pagkakaalam ko ang ulo parang tyan lang din yan. Sumasakit kapag walang laman." - sabi naman ni Janine habang nakangiti pero kalmado padin.
"You bitch!" sabi ni Mandy kay Janine. Galit na sya agad. Tapos napatingin sya sakin. Biglang nagbago yung expression ng mukha nya. Biglang naging mahinhin.
"I mean. Hmm.. ahmm... Sige ex-bestfriend... Ano.." sabi ni Mandy sabay upo. Nukhang wala syang ibang masabi.
JANINE POV
Napansin ko si Mandy na biglang naging mahinhin nung nakita nya si Pedro.
*smirked*
Mukhang nagpapakitang tao na naman sya. Bahala sya. Mukha lang syang tanga.
******
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))