Chapter 33

8K 550 41
                                    

JANINE POV

"Hoy babae gumising ka na dyan! Andyan sundo mo!"

Hindi ko pinansin yung nanggigising sakin. Bahala siya diyan! Nakitang natutulog yung tao eh!

"Kaya nga kita ginigising eh! Kasi tulog ka!" sigaw na naman niya.

Bahala siya dyan! Ang aga-aga pa kaya.

"Anong maaga pa? Malalate ka na kaya!"

Naiinis na bumangon ako at tinitignan ang siraulong nanggigisng sakin.

"Ano ba kuya! Kanina ka pa ah! At paano mo nalalaman nasa utak ko?!"

"Ha? Ayun ba talaga nasa utak mo? Nanghuhula lang ako eh. Hehe!" Sabi niya na parang nanalo ng lotto.

"Mukha mo!"

"Gwapo."

"Sige na nga. Tutal kapatid naman kita."

"Gwapo naman talaga ko! Tsaka andyan nga pala sundo mo!"

"Sino naman susundo sakin ha? Uso na ba talaga school service ngayon?"

"Si Peter ho ang susundo sayo."

"Wag mo kong pinaglololoko!"

"Hindi kita niloloko! Gusto mo paakyatin ko pa dito?"

"Weh? Totoo ba yan?"

"Oo nga! Mukha ba kong nag jojoke?"

"Mukha ka kasing joke!"

"Ah ganun? PETER! UMAKYAT KA NG----"

Di na niya natapos yung sasabihin niya kasi binato ko siya ng unan.

"Joke lang! Maliligo na ko. Bumaba ka na dun."

"Bilisan mo na. Nakakahiya paginatayin yun."

"Okay lang yun. Wala ka namang hiya."

"Bakit naman ako nadamay?"

"Kasi maganda ko."

"Ewan sayo!" sabi niya sabay baba.

Nakakatuwa talagang asarin tong si kuya eh noh? Hahaha!

Ay shit! Oo nga pala may pasok pa ko tsaka andyan si Peter? Ano bang nangyayari sakin? Bakit parang late reciever ako? Nagloloko na ata utak ko.

Naligo agad ako, nagbihis at nag-ayos ng sarili. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Ayan okay na.

Pagkababa ko, nakita ko agad si Tinapay na nakaupo doon sa sofa.

"Hoy Pandecoco! Anong naisipan mo at sinundo mo ko?"

"Diba nililigawan kita? Hahayaan ba naman kitang pumasok mag-isa?"

Diba nililigawan kita? Hahayaan ba naman kitang pumasok mag-isa?

Diba nililigawan kita? Hahayaan ba naman kitang pumasok mag-isa?

Liligawan...

Liligawan...

Buffering....

Loading...

Connection error...

The subscriber cannot be reached...

Tooooot tooot tooo---

"Hoy Kanin! Anong nangyari sayo? Nilalagnat ka? Bakit namumula ka?" Hindi ko namalayan na andito na pala siya sa harap ko at hinihipo yung noo ko.

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon