PETER POV
Ilang linggo na yung nakalipas simula nung di magandang nangyari dun sa rooftop. Bakit hindi maganda? Kasi mas gwapo ako sa kanya. Anong connect? Kasi ang pangit niya! At ano ulit connect? Dapat ako ang kasama ni Kanin at hindi siya! Wait? bakit nga ba ko naiinis sa kanya? At ano naman kung kasama niya si Kanin?
Andito ako ngayon sa room at tulala. Tapos nadin yung pagiging tutor nun ni payatot kaya ayun, free na free siya.
Sandali nga lang mga kababayan! Diba sabi ni Kanin tuturuan niya padin ako kahit tapos na yung pagiging tutor niya? Diba diba?
Tama! Yun nga! bwahahaha! Ako ang nagwagi Fred na Cedrick!
HAY! OO NA! AAMININ KO NA! MAY GUSTO AKO KAY KANIN MASYASA KA NA?! ay! bakit ba kita inaaway?! nababaliw na ata ako.
Hanapin ko na nga lang sila para di ako mukhang tanga dito na parang nababaliw kasi pabago bago expression ng mukha ko. Ngingiti tapos sisimangot tapos mag eevil smile. Buti walang tao dun.
At ayun! Natagpuan ko din sila sa may garden. At masayang nag-uusap! Bugbugin ko tong si Cedrick eh!
Lumapit ako sa kanila at tumingin kay Kanin.
"Hoy payatot tuturuan mo pa ko!" sabi ko sa kanya.
"Hoy tinapay! tapos na ang pagiging tutor ko sayo!"
"Baka nakakalimutan mong may usapan tayo na tuturuan mo padin ako at ako yung sagot sa pagkain mo." bigla namang nagliwanag yung mukha niya nung marinig yung pagkain.
"Ay oo nga noh! Bakit ko ba nakalimutan yun?" tanong niya sa sarili niya.
"Tanga ka kasi." pang-aasar ko.
"Kung tanga ako, anong tawag sayo? Super duper wagas wagasang tanga?"
"Di ah. Di ako tanga."
"Ano lang tungak?"
"Hindi din."
"Ah. Tangengers! Tama tangengers ka nga!"
"Ewan ko sayo! Tara na." tapos hinila ko na siya kaso hinila din siya ni Cedrick sa kabila. Naku baka makalas buto nito.
"Wag ka namang bastos pre. Nakita mong kasama ko siya eh." inis na sabi ni Cedrick.
"oh! Andyan ka pala. Pasensya na di kita napansin eh."
"Bastos nakahubad." singit ni kanin.
"Oo nga naman pre. Ganun yung bastos." pagdadagdag ko. Mukha namang nainis si Cedrick.
"Bitaw pre. Magkasama kami eh."
"Alam ko. Nakikita ko kayo. Actually tatlo na tayong magkakasama ngayon." pang babara ko.
Ikaw ba namang dalawang buwan makasama tong babaeng to, tignan natin kung di ka matuto sa mga pang babara niya.
"Wow lumelevel up ka na ngayong pandecoco ka!"
"Ganun talaga pag gwapo."
"Oo nga, ang g*go mo. Ang g*go g*go mo!"
"Akala ko ba talto tayong magkakasama bakit parang kayong dalawa lang?" tanong ni Cedrick. Mukha siyang kawawa.
"Walang iyakan." pang-aasar ko tapos tumingin kay Kanin. "Tara na!" akmang hihilahin ko na siya ulit ng pigilan na naman kami nitong panget na to!
"Tara na Janine." aya niya din dito.
"tuturuan mo pa ko at bibili pa tayo ng pagkain mo." aya ko naman
"Kakain din tayo at di mo na ko kailangan turuan. Hindi ka na mapapagod, bubusugin pa kita." Aya naman niya. Tapos tinanggal yung pagkakahawak ko sa kamay ni Kanin at hinila na niya paalis.
Ako naman naiwang tulala dito. Aba't sira-ulo yun ah! Naisahan ako! Di ko na siya best-friend ngayon! hmp! Yuck! parang bakla naman!
Teka nga! Napapansin ko kanina ko pa kinakausap at inaaway yung sarili ko. Anong nangyare?
Makaalis na nga lang dito! Nakakabdtrip! Kainis!
Habang naglalakad ako, may tumabi sakin at sino pa ba? Edi yung pinaglihi sa butiki na may halong clown. Hindi lang dahil dikit siya ng dikit kundi pati mukha niya mukhang butiki na puro make-up. Lalo akong binabadtrip!
"Hi babe?" bati ni Steph.
"Layuan mo ko Steph!" inis na sabi ko.
"Grabe ka naman babe!"
"Tigilan mo nga ko diyan sa kaka-babe mo! Pag ako nainis gagawin kita kabibe!"
"Hay sige na nga Peter. Next time nalang ulit ah?" At nag flying kiss pa!
Nakakainis naman! Naisahan na nga ko nung Cedrick na yun. Dikit pa ng dikit tong si Steph!
Makapunta na nga lang sa Cafeteria. Kaso baka andun sila Kanin at baka masapak ko pa yung Cedrick na yun! Pero gutom na talaga ko eh.
Pumunta ako sa Cafeteria at bumuli ng pagkain. Naghanap ako ng mauupuan at napansin ko sila Kanin kaya dun ako umupo malapit sa kanila. Wala trip ko lang. Bakit may angal?
Ano ba yan di ko marinig pinaguusapan nila! Ang ingay dito eh. Palengke lang?
Maya-maya may umupo sa harapan ko at pagtingin ko si Mandy. Ganito na ba talaga kamalas ang yung araw ko?
"hello pogi!" bati niya.
Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
"Oy Peter! Diba friends tayo? Bakit di namamansin?" tanong niya.
"A-ah O-oo."
"Yun naman pala eh. Baka pwede naman tayong lumabas?"
"Akala ko ba friends? Tapos nag aaya ka lumabas?" pagsusungit ko.
"Friendly date lang naman."
"Ayoko."
"Sige na. Please."
"Ayoko nga. wag kang maingay!"
"Sungit! Pero sige na Peter please?"
"Ayoko nga. Wag ka ng makulit."
"Pleeeeeeaaaasssseeee?" at nag puppy eyes pa. Natawa ako sa itsura niya. Hindi dahil nagagandahan ako kundi natatawa ako kasi para siyang tanga na nagmamakaawa at mukhang desperada.
"Okay fine! Basta wag kang maingay!"
"Yehey! Thank you! Thank you talaga!" para siyang nanalo mg lotto.
"Kakasabi ko lang na wag kang maingay diba?!"
"Sabi ko nga. Hihi!" Tapos tumahimik na siya.
Hay salamat tumahimik ka din! Dadagdagan niya pa yung ingay dito. Buti sana kung mababango yung hininga nila. Eh hindi! Nakakadagdag polusyon lang yung pag iingay nila. Kawawa ang Earth.
*******
please vote and comment guys! :)))
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))