chapter 23

9.6K 448 17
                                    

  KAYCEE POV

"Ano ba yan Kaycee ilalabas mo lahat ng gamit sa bag mo tapos ibabalik tapos ilalabas ulit!" reklamador talaga tong si Kyle. Sinabi ko bang panuorin niya ko?

"Wag ka kasing tumingin ng di ka nagrereklamo!"

"Ano ba kasing ginagawa mo?!"

"Nawawala kasi yung pera ko. Kanina ko pa hinahanap pero wala!" sabay halughog ulit sa bag ko.

"San mo ba kasi nilagay?"

"Dito ko lang yun nilagay eh."

"Magkano ba perang nawala?"

"250 yung dinala ko."

"250 lang pala eh. Kala ko naman libo!"

"Eh wala akong pang bili ng pagkain mamaya! Nakakainis naman!"

Pano ako kakain nito? Maglalakad na naman ako pauwi? Ano ba yan! San ko ba kasi nilagay yun?

Lunch na pero andito lang ako sa room at nagbabasa. Kanina pa kumukulo yung tiyan ko! Di na nga ko nag almusal tapos di din maglulunch! Ang tagal pa nang uwian! Bwisit!

Nagulat ako ng may naglapag ng styro sa harap ko at pagtingin ko kung sino naglapag ay walang iba kundi si Kyle reklamador.

"Ano yan?" tanong ko.

"Pagkain."

"Kanino yan?"

"Sayo."

"Talaga? Di nga?" Di ako makapaniwalang binilhan niya ko ng pagkain. Nakakatuwa naman!

"Oo."

"Thank you Kyle!"

"Anong thank you? Utang yan!" Okay binabawi ko na yung sinabi ko. Utang pala to pero okay nadin kesa naman wala diba?

"Okay. Bayaran nalang kita bukas."

"Ge."

Yun lang yung sinabi at umalis na. Ako naman binilisan ko ng kumain kasi malapit nading mag bell.

Uwian na ngayon at inaayos ko pa yung gamit kong hinalungkat. Ang gulo kasi ng pagkakabalik ko kanina eh.

"Sabay ka na saking umuwi hatid na kita tutal wala ka nadin namang pera." Aya sakin ni Kyle.

"Ah. Hindi ayoko. Naglalakad nalang ako." Pagtanggi ko.

"Sigurado ka?" tumango lang ako.

Dumaan ako sa isang shortcut. Wala masyadong dumadaan dito kasi medyo madilim pero mas malapit kasi kung dito ako dadaan.

Nagulat ako ng may biglang umakbay sakin at tinutukan ako ng kutsilyo sa gilid.

"Wag kang maingay at magulo kundi sasaksakin kita!"

KYLE POV

Pauwi na ko ngayon pero di ako mapakali. Parang kinakabahan ako. Bakit kaya?

Babang naglalakad ako papunta sa sakayan ng taxi napansin ko si Kaycee na naglalakad na pauwi. Sundan ko kaya? Pero bakit ko susundan? Bakit kaya ayaw niya sumbay sakin? Pero bakit ko din ba siya gusto isabay? Wala kasi akong kasabay. Tama! Wala akong kasabay.

Susundan ko ba o hindi? Nasundan na nga lang. Nakakabaliw mag-isip.

Sinusundan ko na si Kaycee ngayon. Mukha na kong stalker nito eh! Napansin ko siya dumaan sa shortcut. Paano ko nalaman na shortcut yun? Gala kasi kami ni Jayson.

Habang mukha kong tanga na sumusunod sa kanya at buti nalang di niya ko napapansin may biglang umakbay sa kanyang lalaki.

Kaya pala ayaw magpasabay kasi kasabay yung boyfriend. Pero ang pangit naman. Ang pangit, ang itim tapos dugyot pa! pati ba naman sa pagpili ng lalaki tanga din? Tsk tsk!

Lumapit pa ko ng onti sakanila para marinig ko yung pinag-uusapan nila. Kelan pa ko naging tsismoso?

"Hala kuya kikidnapin mo ko? Wag po ako di naman ako mayaman. Walang pang tubos yung magulang ko. Wag niyo din pong ibebenta yung mga lamang loob ko. Maawa na po kayo. madami pa po akong pa----"

"Bobo holdap lang to! Anong pinagsasabi mo?"

Lalapit na sana ko sakanila pero baka biglang saksakin si Kaycee. Tsaka oo nga kidnap? Ang o.a talaga nito ni Kaycee. Nasabihan pa tuloy siya ng bobo.

"Hay buti naman. Kinabahan ako dun " tapos nakita ko pa siyang humawak sa puso niya. So, hindi siya kinakabahan ngayon na hinoholdap siya?

"Labas mo pera mo!" narinig kong bulong nung holdaper.

"Ha?"

"Holdap nga to! Tanga ka ba?"

"Ay oo nga noh!"

Napailing nalang ako. Grabe katangahan nito. Pag nagkaroon ng zombie dito siya lang yung makakaligtas. Walang utak e.

"Dalian mo! Labas mo na yung pera mo!" Nukhang galit na yung holdaper.

"Ay kuya nawalan nga ko ng pera kaya nga ko naglalakad ngayon."

"Yang bracelet mo tunay ba yan?!"

"Di ko alam eh. Nabili ko lang to sa palengke kasama nitong hikaw oh" Pinakita niya pa yung hikaw niya. "Ang cute kasi ng design."

"Eh ayang kwintas mo?!"

"Huh? Eto? Bigay lang sakin yan ng tita ko eh."

"Patingin nga!" Pinatingin naman niya.

"Ano kuya tunay ba?" Aba't tinanong pa sa holdaper!

"Hindi. Oh ayan na yun kwintas mo!" Sabay balik nung kwintas. "Walang kwenta. Akala ko pa naman makakajackpot ako sa babaeng to." umiling-iling pa yung lalaki.  "Nukhang na ngang mayaman. Tanga pa." narinig ko pang bulong nung holdaper.

Umalis na yung holdaper pero si Kaycee nakatayo padin dun at di gumagalaw. Anong ginagawa nun?

Nilapitan ko siya "Anong nangyari dun?" Tanong niya pa sa sarili niya. Tanga talaga nito.

"Kanino?" tanong ko ng makalapit na ko.

"AY ANAK KA NG NANAY MO!" Nakita ko pa siyang halos mapatalon sa gulat. Ang cute niya! Wait ano daw?

"Papatayin mo ba ko sa gulat?!"

"Nilapitan lang kita papatayin agad? Kasalanan ko bang magugulatin ka?"

"Ewan ko sayo! Bakit ka andito?"

"Kasi wala dun." Pa cool kong sagot.

"Ah. Ge uwi na ko."

"Wait! Sino yung tinatanong mo kung anong nangyari?"

"Huh? Ayun? Si kuyang holdaper. biglang umalis eh. Di ko magets kung bakit." Nagkibit-balikat pa siya.

Talaga bang 4th year na to?! tatanga-tanga e! Pero minsan naisip ko may pakinabang din pala katangahan nitong babaeng to. isipin niyo yung holdaper mismo yung sumuko sa kanya.

"Sabay na tayo para di ka nagsasalita mag-isa dyan." aya ko sa kanya.

"Sige na nga. Mukha ba talaga kong baliw?"

"Baliw ka naman talaga eh."

"Edi dapat pala nasa mental ako?"

Natawa nalang ako sa mga tanong niya. "Oo. Wag kang mag-alala ako mismo ang maghahatid sayo!"

"Ay ayoko pala dun. Mga baliw pala tao dun."

Seriously? Di lang pala tanga to. Makakalimutin din. Napailing nalang ako sa katangahan nitong kasama ko.

********

please read my other stories :) I'm his fake wife and Dancing Queen.

vote and comment nadin :))

tnx guys :* Labyah!!!

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon