chapter 16

10.6K 412 7
                                    

    PETER POV

Andito ako ngayon sa library at sa kasamaang palad kasama ko tong babaeng payatot na to dito! Tutor eh!

Kanina nya pa ko tinuturuan sa math. Nakukuha ko naman. Kaso Tinatamad ako mag-isip.

"Oh!" sabi nya sabay abot ng papel sakin na may mga nakasulat na number.

"Ano to?" tanong ko.

"Papel." pa cool nyang sagot.

"Alam ko! Ang ibig kong sabihin Anong gagawin ko dito?!"

"Try mo kainin baka sakaling tumalino ka! Malamang sasagutan."

"Di nalang kasi sabihin."

"Di nalang kasi tignan."

"Wag ka maingay!" sigaw ko sa kanya.

"Ikaw kaya yung maingay."

"Ikaw."

"Ikaw."

"Ikaw."

"Ako."

"Ako."

"Sabi sayo ikaw nga e!" pangaasar nya.

Naisahan na naman ako dun ah! Bahala sya dyan! Sasagutan ko na nga lang to.

Pag katapos kong sagutan binigay ko agad sa kanya para ma-check nya.

"Kaya mo naman pala e. Dami pang mo pang arte! Tara tapos na. bukas ulit!"

San ka pupunta?" tanong ko.

"Uuwi malamang."

"Okay."

Naiwan akong mag-isa dun kasi Tinatamad pa kong umuwi.

Nang makaramdam na ko nang antok tumayo na ko at lumabas ng school pero bago pa ko makalabas ng school nakita ko sila Kyle at Jayson sa maya gate.

"Uy mga pre."

"Uy Peter kamusta ang pagiging tutor ni Janine?" nakangiti tanong ni Kyle.

"Kelangan pa bang itanong yan?"

"Sabi ko nga. Nga pala sama ka samin? Magdodota kami" Yaya ni Kyle

"Sige ba!"

Pumunta na kami sa Comp. shop. May nakita ko dung mga lalaki na halatang mayayabang. Tss!

"Oy Jayson di padin ba ninyo matanggap na di nyo kami matatalo?" Sabi nung isang mukang paniki.

"Wala kong pake sayo!" Yun lang sinabi ni Jayson tapos lumayo na dun sa mga lalaking mayayabang.

"Jayson magagaling ba yun?" - tanong ko.

"Oo. member na mineski na yang mga yan."

"Bakit di nyo kayang labanan?" tanong ko.

"Eh hindi naman kami magaling. Libangan lang namin tong pag dodota. Kaya mayayabang yan kasi walang lumalaban sa kanila." sabi naman ni Kyle.

"Labanan natin!" sabi ko sa kanila.

"Baliw ka ba? Nakita mong tatlo lang tayo tapos lima sila. Kahit magaling ka di natin yan kaya. Di naman kami magaling." sabi ni Kyle.

"Saglit lang maghahanap lang ako ng kakampi." sabi ko.

Agad kong tinawagan si Harold at Terrence para papuntahin dito.

Maya-maya dumating nadin sila. Pinakilala ko pa sila kila Jayson.

"Tara Jayson sabihin mo lalabanan natin sila 5v5 kamo." sabi ko kay Jayson

"Sigurado ka?" Tanong niya.

"Oo sigurado ako."

Pinuntahan na agad namin yung mga mayayabang.

"5v5 tayo" sabi ni Jayson dun sa mukhang paniki. Mukhang eto yung leader nila.

Nagulat naman sila pero napangisi din agad. Ang yayabang naman netong mga to!

"Sigurado ka Jayson? Mukhang mahihina tong kasama mo." pang aasar ni mukhang paniki.

"Sigurado kami. Magkano pusta?" si Harold na yung nag salita.

"5k ang pusta plus bayad pc. Handa nyo na pera nyo ah!"

Ang yabang netong mukhang paniki na to! Sapakin ko to e!

"Okay game!" sabi ni Terrence.

Naglaro na kami. Sa umpisa palang napapatay na agad nila kami.

"May pang kain at pang inom na agad tayo mamaya ng di nababawasan pera natin! hahaha!" Sabi ng isa sa mga kalaban namin.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Harold at Terrence tapos sabay-sabay kaming tumango. Signal na yun.

Nagulat sila nung bigla kaming lumakas. Pati sila Jayson nagulat.

Tumagal pa yung laro. mukhang ayaw nila magpatalo. Pero sa huli kami parin nanalo. Asar na asar sila e! Hahaha!

"Asan na yung 5k namin?" - Nakangising tanong ko. Binigay naman nila agad.

"Kayo nadin bahala sa mga oras na ginamit namin." Sabi naman ni Harold sabay tapik sa balikat nung mukhang paniki.

Bago kami lumabas nakita pa namin sila na namumula na yung mukha sa sobrang inis lalo na nung leader nila. Hahaha!

Paglabas namin. Nagtanong agad sila Kyle.

"Pano nyo nagawa yun? Ang galing nyo mga pre! Nakabawi din kami dun sa mga ugok na yun *evil laugh*" sabi ni Kyle.

"Oo nga! Pero isang grupo lang ang alam kong gumagawa nun. wag mo sabahing kayo ang tr---" pinutol na ni Terrence yung sasabihin ni Jasyon.

"Oo kami nga. Wag kang maingay Baka may makarinig sayo." Sabi ni Terrence.

"Astig nyo pala e! Salamat ah! Nakabawi kami dun." sabi ni Kyle.

"Wala yun. Tara pang kain natin to!" sabi ko.

Pinangkain namin yung pera. Kung saan-saan kami pumunta. Naging close nadin sila Jayson kila Harold. Nakakatawa nga kasi gusto nilang magpaturo samin ng dota lalo na nung nalaman nila yung tungkol samin.

Oo may grupo kaming tatlo nila Harold. Kami yung tinatawag na 'TRIO' isa kami sa pinakamagaling magdota sa Pilipinas pero walang may alam ng itsura namin. Ayaw kasi namin na pinublic yung mga info. namin.

Pag katapos namin maglibot libot Nag kayayaan nadin kami umuwi.

Grabe nakakapagod tong araw na to!

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon