chapter 13

10.2K 417 3
                                    

  PETER POV

Isang linggong pang iinis ni Misha payatot na ang nakalipas at eto ako ngayon nakatunganga sa test paper ko. Prelims kasi namin ngayon.

Yung iba naalala ko pa. Di ako nagreview e. Sabi ko nga sa inyo tamad akong mag aral kaya eto stock knowledge nalang.

Hay katamad!

"Okay class finish or not finish pass your paper!" sabi ng teacher namin.

Ayun dahil sa wala na kong masagot at ipapasa na yung papel nanghula nalang ako. Bahala na!

"Ayos hula ah!" pang-aasar ni Janine

"Pake mo?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Hala ikaw ba kinakausap ko? Ayos hula Donald ah! " sabi nya sabay tingin dun lalaki sa likod nya habang nakangisi.

Grrgggggggrrrr! Nakakainis na talaga tong babaeng to!!!

Di ko nalang sya pinansin. nakakapang init ng ulo e!

Lunch na ngayon bumaba ako sa cafeteria. Pagkabili ko ng pagkain wala na kong ibang makitang bakanteng upuan kundi sa tapat ni Misha.

Hay! No choice!

"Paupo." sabi ko sa kanya sabay upo.

"Nagpaalam ka pa ah!"

"Para alam mo."

"Bakit kapag ba di ka nag paalam tapos umupo ka dyan di ko ba malalaman?" tanong nya.

Di ko nalang pinansin. Di matatapos yun tska di naman ako mananalo dyan.

"Peter!" tawag na naman niya.

"......."

"Peter Pan!"

"........."

"Pedro!"

 "......."

"PEDRO PANDECOCO!"

"WHAT?!"

"Wala lang. hehe!" sabi nya sabay ngumingisi. "Bay bago na kong tawag sayo!" pahabol nya.

"PEDRO PANDECOCO hahahahah!"

"San mo naman nakuha yan?!" inis na tanong ko.

"Sa tabi-tabi! Hahaha! Tska nung yun ang tinawag ko sayo pinansin mo ko!"

"Ewan ko sayo!"

Umalis na lang ako dun. Kung ano anong pangalan naiimbento nung payatot na yun!

Buti nalang talaga di ako pumapatol sa babae kundi nasapak ko na yun!

"Hi babe!"

Kagaya neto! Onti nalang to sakin! Kapit ng kapit! Pinaglihi siguro to sa butiki!

Inalis ko nalang yung kamay nya tapos umalis na ko. Hay hanggang kelan ko pagtitiisan tong mga to?!

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon