JANINE POV
"Kanin? Bakit dito ka tumatambay?" Tanong sakin netong katabi kong tinapay.
Andito kasi kami sa rooftop ng school. Dito kasi ako tumatambay pag gusto kong mag-emo. Syempre kailangan ko ding mag emote kunwari. Pero di ko nga alam kung bakit ko sinama yang pandecoco na yan dito eh. Bukod sa kanya ang dinadala ko palang dito ay si------
"Uy Kanin! Sabi ko bakit dito ka tumatambay?!"
"Bastos ka din eh noh! Nakita mong nagkkwento pa ko sa readers tapos bibitinin mo! Bitin kita patiwarik diyan eh!" Inis na sabi ko sa kanya. Totoo naman diba?
"Malay ko ba. Mukha ka kasing tanga na nakatulala diyan"
"Mukha lang. Ikaw buong katawan"
"huh?"
"Wala. Ang bingi mo! Ano nga yung tinatanong mo?"
"Sabi ko bakit dito ka tumatambay?"
"Kasi hindi sa baba. Kaya dito"
"Kailan ba kita makakausap ng matino?!"
"Kapag hindi na ikaw ang kausap ko."
"Kahit naman iba kausap mo ganyan ka padin eh."
"Syempre maganda ko."
"Ano namang kinalaman ng kagandahan mo dun?"
"Ganun talaga yun. Bahala ka mag-isip kung paanong may kinalaman yun. Basta may connect yun." nakita ko naman siyang bumuntong-hininga.
Nakakatawa talaga tong pandecoco na to kapag naiinis at kapag walang magawa sa mga sinasabi ko. Ang cute niya pa mag sungit. Wait?! cute?! erase erase!
"Ano na gagawin natin dito?" tanong niya.
"Tatambay." pa cool kong sagot.
"Yun lang?"
"May narinig ka pa bang iba kong sinabi?"
"Ang boring naman dito"
"Talon ka pababa para wala kang problema."
"Mauna ka. Ikaw nakaisip eh."
"Ikaw nagsasabing boring dito eh. Edi ikaw gumawa"
"Ayoko nga"
"Edi wag kang magreklamo."
"Ok"
Nanahimik naman kami at parehas lang kaming nakatingin sa langit. Gabi na kasi kaya lumalabas na yung mga stars. habang busy ako sa pag tingin sa stars kinalabit ako nitong tinapay na to.
"Bakit?" tanong ko sa kanya habang nakatingin padin sa langit.
"Pick-up line tayo." seryosong sabi niya.
Napatingin naman ako sa kanya. "Seryoso ka?"
"Mukha ba kong nagbibiro?"
"Mukha ka kasing clown"
"Wag na nga." Nakakatawa! Pikon na siya.
"Joke lang! Sige pick-up line tayo tutal wala naman tayong magawa. Ikaw una."
Tinignan niya muna ko. Nginitian ko naman siya at tinaas-taas ko pa yung dalawa kong kilay. Napansin kong napangiti siya.
"Okay sige. hmmmmm.... Alak ka ba?"
"bakit?" nakangiti kong sagot.
"Ang lakas kasi ng tama mo sakin."
napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Ako naman! Red horse ka ba?"
"Bakit? Kasi malakas din tama ko sayo?"
"Hindi. Kasi habang tumatagal nakakasuka ka na." Nakangisi kong sabi sa kanya. Napasimangot naman siya tapos tinalikuran ako. Wahhhhh! Napikon na agad. hahahaha!
"Uy joke lang yun!" sabi ko sa kanya habang kinakalabit siya.
"......"
"uy pandecoco?"
"....."
"Eto na talaga promise!" pumunta muna ko sa harap niya.
"Si Mr.Right ka ba?" tumingin naman siya sakin tapos bumuntong-hininga.
"Bakit?"
"Kasi ikaw na yung hinahanap ko." Nakita ko naman siyang namula. Ang cute niya. Totoo na talaga to. Ahahaha "Ikaw na!" sabi ko sa kanya. Para na kasi siyang nawala sa sarili.
"Huh? ah.. O-oo nga. Ano.. Paris ka ba?"
"Bakit?"
"Kasi EIFFEL for you"
Feeling ko ang init ng mukha ko. Parang gusto kong sumigaw. Ganito ba talaga pag kinikilig? Ang sarap niyang hampasin ng sobrang lakas. Yung tipong mapapaupo siya. Kinikilig ako packingshet!
Pero ano daw?
EIFFEL for you
EIFFEL for you
EIFFEL for you
OH MY GOD! OH MY GOSH! OH MY GULAY! WAG MO SABIHING??? tinignan ko naman siya.
"Uy totoo ba yan?" nag-iwas lang siya ng tingin.
*dugdugdugdugdug*
Ayan na ulit yung heart ko. Anyare? tapos parang may gumagalaw sa tiyan ko. Gutom na ba ko? Hindi, kakakain ko lang eh. Waaahhhhh! Ano yun? Nakabuhol buhol na ata yung bituka ko. Ay Hindi! Mali mali! Si Kaycee pala yung tatanga-tanga dito.
Nung matapos na kong kiligin nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Ang saya niya kasama kahit ang sungit sungit niya.
"C.r. lang ako ah? Antayin mo ko. Sabay na tayong umuwi." tumango lang ako.
Yumuko lang ako habang inaantay siya. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng may biglang tumabi sakin. Ang bilis naman ata ni pandecoco.
Inangat ko yung ulo ko " Ang bilis mo--------" halos mapaatras ako sa nakita ko. "C-ced-rick?" mautal utal kong sabi.
Sakto namang pagbukas ng pinto ng rooftop kaya napatingin ako kami dun. Napansin ko namang gulat na gulat si Peter. Kung nagulat ako, mas nagulat siya at namumutla pa. Okay anong nangyayari?
*******
please vote and comment :*
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))