PETER POV
Astig yung babaeng yun ba. Di ko mapigilan hindi mapangisi eh. :) Hindi naman kasi ako showy sa ibang tao. Kaya hanggang ngisi lang ako.
Janine pala pangalan nya. Pang mahinhin yung pangalan na yun e. Di bagay sa kanya.
Pag kauwi ko kumain agad ako tapos natulog. Tinatamad akong kumilos kaya ganito ako. Tamad pala talaga ko.
KINABUKASAN
Pag pasok ko palang nababadtrip na ko! Nakapulupot kasi agad sakin tong si Steph! Linta ba to o ahas?!
"Goodmorning babe!" sabi niya.
Tinanggal ko lang yung kamay nya tapos umalis agad ako.
"Babe wait lang!" sigaw niya.
Tinakbuhan ko sya tapos nag tago ako.
Kelan pa ko naging takot sa babae?
Ayoko lang talaga ng malandi! May mga naging ex din naman ako. modern na ngayon noh! Di ako yung NGSB. Iba na ngayon. Paramihan pa nga eh. Pero di naman ako ganun. 6 plang nagiging ex ko. Seryoso din naman pero wala eh. Talagang maghihiwalay kami. Ganun talaga. Di ako emo na mag mumukmok nalang palagi dyan pag nag break. Yung tipong kala mo wala ng ibang babae.
Back to reality.
Naglalakad na ko papuntang classroom. 10 mins. Pa bago mag bell.
Pagkaupo ko andun na agad si Janine. Di ko alam pero parang naging interesado ako sa kanya. Hindi yung may crush ah. Para kasing wala syang problema. Yung tipong palaging masaya. Tapos ang hilig pa mangbara.
"Maganda ko. Alam ko yun." biglang sabi niya.
Umiwas agad ako ng tingin. Takte nakatitig pala ko sa kanya!
"Kapal mo ah! Di kita tinitignan noh!" inis kong sabi.
"Oh wala kong sinabing tinitignan mo ko. Ang sabi ko maganda ko. Ikaw ah! Napaghahalataan ka!" sabi nya habang sinusundot yung tagiliran ko.
Pakshet! bakit ba kasi di ako makapag concentrate pag sya na yung nag sasalita! hay!
"Wala kong kiliti dyan. Tska wag kang maingay." pagsusungit ko.
Yumuko nalang ako. Hay kelan ba ko mananalo dito sa babaeng to?
"sungit."
Narinig ko pang sinabi nya.
-------
*poke* *poke*
Ano ba yan! Natutulog yung tao e!
*poke*
"Huy pedro!"
Sino ba yun?! At pedro daw?! Ayos yun ah!
"PEDRO!!!!!"
Napaupo ako ng ayos dahil sa sigaw na yun.
Nakatulog pala ko! Tsaka may teacher na sa unahan. Terror pa naman to!
"Ms. De Leon bakit ka sumisigaw? May problema ba?" - Mr. Faustino
"Ah Sir kanina po kasi may ipis sa may paa ko." palusot ni Janine.
Nagtilian naman yung ibang babae.
"Ah. Akala ko kung ano na. Class manahimik kayo!" saway naman niya sa nga babae.
Naniwala sila dun? Grabe talaga tong babaeng to!
"Bat mo ba ko ginising? Tska bakit pedro?!!" inis na sabi ko sa kanya. pero pabulong.
"Kasi hindi peter. Gusto ko nga yun tagalog. Hahaha! Kaya kita ginising kasi pag may nakikitang natutulog si Sir sa klase nya. Bagsak agad. Buti nga ginising pa kita."
"Thank you ah!" sarcastic kong sabi.
"welcome." sabi niya habang naka ngiti.
Ang ganda nya. Kaso lagi akong barado!
"Ano full name mo?" tanong ko.
"Janine Misha De Leon."
"Ah. So Misha nalang tatawag ko sayo."
"Okay, Pedro!"
"Bakit ba kasi pedro?!"
"Kasi nga hindi peter. Paulit ulit?"
"tss!"
"Kelan ka pa naging ahas? Wag mo sabihing kalahi mo nadin si Steph?"
"Asa! Bahala ka!"
Di ko na sya kinausap. Nakakainis to! Balibag ko kaya to?!
*******
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Novela Juvenilmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))