JANINE POV
Andito kami ngayon nitong buto na to sa cafeteria. Bakit buto? Ced kasi ang tawag ko sa kanya. Eh katunog ng buto. Kaya ayun.
Ang sakit ng pagkakahila nila sakin kanina ah. Mukha na ba kong lubid ngayon? Ganun ba ko kapayat?
"Janine kainin mo na yan." sabi ni buto.
"Oo. Kakainin ko yan. Bawal magsayang ng grasya." katulad ng sinabi niya kanina ililibre at bubusugin niya ko.
"Matakaw ka lang talaga."
"Di ah. Ganun ang normal sakin."
"Edi kapag lamon. Mas marami pa dyan?" tanong niya.
"Ay hindi. Mas onti! Malamang mas marami!"
"Sabi ko nga. Masyado kang hot eh."
"Hot naman talaga ko." pagyayabang ko.
Di na siya nagsalita kasi alam niyang di siya mananalo. Sa ganda ko ba namang to eh. Anong connect? Secret!
Ilang linggo na yung nakalipas simula nung nangyaring sabayang bigkas sa rooftop.
Pagkatapos kong maging tutor kay Pandecoco palagi ko na tong kasama na buto na to.
Ewan ko ba kung bakit parang di ako masaya. Well, happy naman ako palagi pero pag bigyan niyo ko ngayong mag emo.
Ayun nga. Nakwento at napaliwanag na ni Buto sakin lahat pati yung sa kanila ni Mandy. Na ginamit lang siya at tinakot. Pati nadin yung biglaang pag-alis niya. Nalaman daw kasi ng tatay niya kung nasan siya kaya umalis siya.
Naniniwala naman ako sa kanya. Actually, First love ko tong katabi ko.
Pero kahit bumalik na siya at kasama ko siya ngayon parang may kulang?
Tinignan ko siya. Buo naman siya. Wala namang tanggal na parte ng katawan niya. Di naman kulang yung daliri niya. Baka naman naiwan niya yung utak niya? O kaya yung puso niya? Ay! Ano ba tong pinagsasabi ko?! Ay alam ko na! Baka naman di siya nakapag suot ng brief? Ay ewan parang ang manyak ko naman!
"Hoy Janine makatitig ka ah! Alam kong gwapo ako pero baka matunaw ako." pang-aasar niya.
"Tinutunaw talaga kita ng mabawasan yung mga makakapal yung mukhang kagaya mo."
"Ang hard mo naman!"
"Di ah! Ang lambot ko kaya!"
"Okay. Nga pala may gagawin ka ba sa next saturday?" pag-iiba niya ng topic.
"Wala. Bakit?"
"Gala tayo. Wag kang mag alala kasi treat ko. Alam ko naman na di ka sasama kapag di libre eh."
"Nadali mo boy! Pero paano kung ayoko?"
"Susunduin padin kita sa inyo."
"E paano kung di ako lumabas?"
"Edi mag aantay ako hanggang maawa ka at lumabas."
"Eh paano yan? Wala kong awa eh."
"Grabe hahayaan mo lang ako dun?" naka-pout niyang sabi.
"Joke lang! Masyado kang maramdamin eh!"
"So, pumapayag ka na talaga?"
"Wow! Kanina mo pa sinasabi na wala kong choice tapos ngayon tatanungin mo ko kung payag ba ko?!"
"Sabi ko nga. Chill lang."
Nag kwentuhan lang kami habang kumakain.
Maya-maya napansin kong nakabusangot na umupo si pandecoco malapit samin kaya nakikita ko siya.
Ilang minuto palang may tumabi na sakanya at walang iba kundi si MAlaNDY.
Napansin kong iritado sa kanya si pandecoco kasi nakasimangot. kawawa naman.
Nakita kong parang kinukulit niya si pandecoco na parang may hinihiling at nag puppy eyes pa! Kala mo cute! Hmp!
Ay wait! ngumiti si tinapay? Wag mong sabihin na nacucute-an siya dyan? Bumaba na ba taste niya? Mala-Steph na pala ang taste niya ngayon.
Yuck! Kadiri!
Bakit nga ba ko naiinis sakanila?! Eh andito naman si buto! Kala nila sila lang ah?!
Pero di ko talagang maiwasan mapatingin kay Mandy na pumapalakpak pa na parang nakuha yung gusto niya.
Ano kayang pinag-uusapan nila? Ang tsismosa ka ba masyado?
Maya-maya umalis nadin si Pandecoco pero di padin umaalis si Mandy at ilang segundo lang lumapit siya samin.
"Uy ex! Andito ka na pala ulit?" Tanong niya.
"Mandy minsan pakigamit ang utak. Napag hahalataang wala ka nun eh." sabi ko sa kanya. Ang tanga kasi. Kainis!
"Ikaw ba kinakausap ko?"
"Ako na yung sumasagot kasi mukhang wala siyang balak sagutin yung tanong mo. Ayoko lang namang mapahiya ka."
"Wala kong pake sayo."
"Okay." tapos humarap ako kay Cedrick. "Ang ganda ko Ced noh?" tumango naman siya.
"Ex! Kamu----"
"Matalino pa." dagdag ko. tumango ulit siya.
"Ah... Ced----"
"Mabait pa." tumango ulit siya.
Humarap ako kay Mandy na namumula na yung mukha sa galit. Bwahahaha! Di ko pinapatapos yung sinasabi niya eh.
"Mandy may sinasabi ka ba?" tanong ko kay Mandy.
"Wala!!!" galit na siya! Hahaha!
"Buti naman."
"Maghintay ka lang Janine!"
"Bakit? Sino ba hinihintay ko?"
"Basta! Pagsisisihan mo nga ginawa mo sakin!"
"Okay. Sabi mo eh. Sige na tsupi ka na dito."
"Talaga aalis na ko!"
"Bilisan mo! Wag mo ng antayin yung Ampalaya."
"Ha? Anong ampalaya."
"Ang AMPALAYAsin ka!"
At ayun! walk out ang drama niya. Susugod sugod tapos mukha siyang tanga na mag wawalk out.
Bahala siya sa buhay niya basta ako everyday happy.
"Janine sa next saturday ah?" paalala ni buto.
"Oo. Paulit ulit? Atat masyado?"
"Hehe! Ganun talaga. Namiss kita eh."
Di na ko nagsalita. Bakit parang wala ng impact sakin yung mga sinsabi niya? Siguro dapat isulat muna tapos ihampas sakin para madama ko noh?
******
sino gusto mag pa dedicate? :) comment lang :)
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))