JANINE POV
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at tinignan kung maayos na ba yung suot ko at kung maganda na ba ko. Ay maganda naman pala talaga ko. Di naman nagbago yun diba? Naka pants lang ako na kulay green at t-shirt na stripes na may design sa gilid na bulaklak.
(ayun yung suot ni Janine sa gilid -------------->>>>>>>>>>>>>>>)
Okay eto na nga nakaayos na ko at inaantay si Pandecoco kasi may date kami. Inggit kayo? *evil laugh* pero joke lang yun! Gala lang talaga. Inaya niya ako kasi daw mataas daw mataas yung score niya exam. Syempre pumayag ako. Aba! Libre to noh! Pero sa isang kundisyon. Gusto niyo malaman kung ano? Sige na nga mabait naman ako e.
flashback
Pagkaalis ni Mandy nakita ko si Pandecoco na nagpipigil ng tawa.
"Itawa mo na yan. Baka kung saan pa lumabas yan." mahinahong sabi ko sa kanya.
"Hahahahaha!" di niya na napigilan yung tawa niya. Inantay ko muna siyang matapos tumawa. Nahiya naman ako sa kanya e. Maya-maya natapos din sa wakas!
"Ano tapos ka na? Baka may pahabol pa?" Tanong ko sa kanya.
"Tapos na. Okay na." nakangiti niyang sagot.
"Mabuti naman. Nga pala bakit ka biglang umalis kagabi?" wala naman kasing nakakaalam kung bakit bigla nalang siyang umalis.
Bigla namang nagbago yung expression niya. Anong nangyayari? Paki-explain nga.
"Wala." Pagsusungit niya.
Ang totoo? Bipolar ba to? Nababaliw na ata tsk tsk!
"Ano nga? Siguro natatae ka nun noh?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Hindi! tigilan mo ko!"
"Ang sungit nito! Meron ka na naman siguro."
Aba di na ko pinansin! Baka nga natatae siya nun at nahihiya lang magsalita? Napangiti nalang ako sa mga iniisip ko.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Puna niya.
"Dahil sayo." Kalmado ko namang sagot.
"Bakit naman?"
"Mukha ka kasing clown." Pang-aaasar ko.
Sumimangot naman siya. Nakakatuwa talaga to pag napipikon. Ang gwapo niya kasi eh.
Ay wait! Erase erase!
Di niya ko ulit pinansin. At nagpatuloy sa pagbabasa kaya ganun nalang din yung ginawa ko.
"Hot kanin!" Tawag niya.
"Bakit?"
"Ano.. Gala tayo! Treat ko!"
"ayoko nga. Pilitin mo muna ko."
"Wag ka ng maarte dali na!"
"Sige na nga basta sa isang kundisyon."
"Ano yun?"
"Di na kita ililibre ng pagkain. Kumbaga tapos na yung deal natin."
"Ang daya mo na naman! Ako na nga sasagot pag nag gala tayo tapos tatapusin mo pa yung deal natin!"
"Okay madali naman akong kausap."
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))