JANINE POV
"PETER/FRED?!" sabay nilang sabi.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?" sabay ulit sila.
"KILALA MO SIYA?" sabay ulit sila at sabay pang tumuro sakin.
"PA---"
"WAIT! Ano to sabayang bigkas? sali ako dali. Anong next na word?" pag-aawat ko sa kanila.
"Ah. Paano ka niya nakilala?" takang sabi ni Cendrick.
"Okay Game! 1..2..3!"
"PAANO MO SIYA NAKILALA?!/PAANO NIYO KO NAKILALA?!" sabay-sabay naming sabi.
"Oh diba sabay-sabay tayo!" sabi ko sa kanila habang pumapalakpak pa. Kaso bigla akong natauhan. "Fred?! Anong Fred?! Sinong Fred?" takang tanong ko sa kanila.
"Siya" turo ni Peter kay Cedrick.
"Nagbago ka ng pangalan?" tanong ko kay Cedrick.
"ah.. Hi----"
"Tska paano ka nabuhay?!" Tanong naman ni Peter.
"Hoy! Paano siya mabubuhay kung hindi pa naman siya namamatay!?" sigaw ko sa kanya.
"Patay na siya!"
"Edi sana kung patay na siya, wala siya dito! Tanga nito!"
"Baka multo yan!"
"Ikaw na tinapay ka! Gagawin kitang mamon kapag di ka tumigil dyan!"
"Totoo naman ka----"
"Ah.. Hello? May tao po dito. Baka sakaling nakakalimutan niyo." sabat naman ni Cedrick.
"Tao ka ba?" tanong ko naman sa kanya.
"Hindi ba halata?"
"Hindi."
"Kung ganun ano lang?"
"Ah. Mukha kang tae."
"Sigurado ka?"
"Siguradong sigurado!"
"Hindi mo na papalitan?"
"Hindi na! Sure na sure na ko sa sagot ko!"
"Tala-----"
"Ah may tao din po dito!" sabat naman ni Peter.
"Tinapay ka kaya."
"Kahit hindi!"
"Oo ang sagot! Mali ka! Tsaka wait nga pwede bang paki explain?" tanong ko sakanilang dalawa.
"Ikaw na!" sabay na naman sila.
"Pwede ba mamaya na kayo mag praktis niyan!" sigaw ko sa kanila tapos umayos ng upo. "Kailangan ko ng malaman ang mga tanong na bumabagabag sa aking puso't damdamin. Nawa'y ako'y sagutin sapagkat ako'y mababaliw sa kaiisip." sabi ko habang umaarte pa.
"Sana nga mabaliw ka." Bulong nitong tinapay na to! Pag ako di nakapag pigil! gagawin ko yang putok!!
"Kapag ako nabaliw, Idadamay kita. Hindi pwedeng ako lang."
"At paano mo naman gagawin yun?"
"Secret! Walang clue!" sabi ko tapos dinilaan ko pa siya. "Okay bago ang lahat kailangan niyo ng magsimulang mag explain kasi kung hindi..." tapos nag evil smile ako sa kanila.
"Ah.. Kasi tong si Fred! Wait kailan ka pa naging Cedrick?!" tanong niya kay Cedrick.
"Nung 1st year lang."
"Akala ko ba patay ka na? Tska bakit ka nag palit ng pangalan?"
"Kasi... mahal ang kape. Boom!" pa cool niyang sabi.
"Hoy Cedrick kung ayaw mong maging Boom yang pagmumukha mo umayos ka ng sagot!" sigaw ko sa kanya. Gusto ko na talagang malaman ang kasagutan sa aking mga katanungan. Okay di bagay sakin. Tama na nga. Nakakabaliw.
"Sabi ko nga diba? Chill lang Janine. Ganito kasi yun. Ano... Dapat kasi ano.... Yung ano kasi.."
"Ano namang mapapala namin sa ano mo?! Eh kung anuhin kaya namin yang ano mo?! Tignan natin kung di ka ma-ano!"
"Eto na sasabihin na po. Relax men." huminga muna siya ng malalim tapos tumingin kay Peter. "Ikaw na nga kasi!" Sabi niya dito.
"Anong ako?! Madami din akong tanong sayo kaya dapat ikaw ang sumagot!"
"Tulungan mo ko naman ako pre!"
"At bakit kita tutulungan?"
"Kasi sabi ko"
"Eh paano kung a-----"
"Okay dahil sa inyong hindi pagsagot sa aking mga katanungan, ako'y aalis na at hahayaan ko na kayo sa mga masasamang espiritu na gumagala dito." akmang aalis na ko ng may biglang humawak sa braso ko.
"San ka pupunta?" tanong ni Cedrick.
"Uuwi."
"Bakit ka uuwi?"
"Anong gusto mo dito lang ako?"
"Hindi. Kasi.." Tinanggal ko yung kamay niya sa braso ko tapos tumakbo ako at sinara yung pinto ng rooftop.
Maya-maya narinig ko na silang kinakalampag ito. Bwahahaha! sabi na nga ba mga takot eh.
"JANINE! BUKSAN MO TO!"
"KANIN?! MAY MULTO BA TALAGA DITO?!" narinig kong mga sigaw nila.
"OO MARAMING MULTO DYAN! MAY LUMALABAS DIYAN NA BABAENG NAKAPUTI TAPOS PURO DUGO YUNG DAMIT. MERON DIN DIYANG BATA NA SIRA-SIRA YUNG MUKHA!" sigaw ko.
"JANINE PALABASIN MO KAMI DITO!!"
"AYOKO NGA!"
"PLEASE JANINE!"
Nakakatawa sila. siguro kung nakikita ko sila ngayon, baka nababaliw na ko kakatawa sa mga itsura nila.
"SASAGUTIN NIYO NA MGA TANONG KO?"
"OO! SASAGUTIN NA NAMIN!"
"PROMISE?"
"PROMISE! BUKSAN MO NA YAN JANINE!"
At dahil naawa na ko sa kanila. Binuksan ko na yung pinto at hindi ko napigilan ang matawa sa mga mukha nila. Mga namumutla kasi at parang natatae. bwahaha!
"Siguraduhin niyong sasagutin niyo na yung mga tanong ko ah?"
"Oo na. Simulan mo na kasi Peter!" sigaw ni Cedrick kay Peter.
"Eto na. Kasi mag bestfriend kami niyan ni Fred na Cedrick na ngayon. Tapos ayun nagulat nalang kami nung sinabi na patay na siya" paliwanag ni tinapay.
"Kasi kaya yun ginawa dahil sa tatay kong may sira na ata ang ulo dahil gusto akong patayin dahil hindi na daw siya napapansin ni Mama. Kaya ayun, pati pangalan ko pinalitan para di ako mahanap."
"So di ka talaga multo?" tanong sa kanya ni Peter.
"Hindi nga!"
"Ikaw na tinapay ka! Ilalaglag kita pag di ka tumigil dyan!"
"Sabi ko nga hindi siya multo diba."
"Eh bakit ang pangit niyo?" tanong ko.
"gwapo kami." sabay na naman sila.
"Weh? Gwapo kayo? Sino may sabi?"
"Marami" - Cedrick
"Bakit ikaw maganda ka?" - Peter
"Maganda ako noh!"
"Sino nagsabi niyan?" - Peter
"Mga readers. Tanungin mo pa sila."
"Ha? Anong readers?!" - Cedrick
"Bobo ka? Hindi mo alam yung readers?"
"alam ko!"
"Alam mo naman pala. Nagtatanong ka pa."
Napabuntong hininga naman silang dalawa. Mukha silang tanga kasi mukha silang pinagsakluban ng langit at lupa. Ganun ba talaga mangyayari kapag nababara ko?
******
sino gusto mag padedicate?
vote and comment lang :) :*
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))