chapter 01

20.4K 664 62
                                    

Note: naka edit na po yung mga typo dito pati yung mga capital letters nakaayos nadin :) salamat :D

~~~~~~~

Ako nga pala si 'PETER JACKSON'. Sabi nga nila masungit at snobero daw ako w/c is totoo naman. Wala ako pake sa iba kundi sa pamilya ko lang. Pinanganak talaga kong ganito. Ewan ko ba kung kanino ako nag mana samantalang yung pamilya ko abnormal. Tamad din akong magaral. Kaya eto ako ngayon lilipat ng Gregory school kasi bagsak na naman ako. Di naman ako bobo. Tamad lang talaga. 4th year highschool nadin ako kaya onting tiis ggraduate din ako. Tiwala lang.

"Oh bukas na nga pala yung pasok mo sa bagong school. Umayos ka! Pag ikaw talaga di pa nakapasa dyan sasapakin kita!" Sabi sakin ni mommy habang kumakain kami ng dinner.

sadista talaga to kahit kelan.

"Opo. Wag kang maingay mommy" Sabi ko sa kanya. Ang ingay ingay e.

"Sungit naman neto!" sabi naman niya habang nakapuot.

Putek nag pout! Kala mo dalaga e.

"Wag kang magpout. Di bagay sayo." sabi ko.

"K. Hmp! Ikaw na nga lang honeybabe ang kakausapin ko." sabi niya sabay harap kay daddy.

HONEYBABE?! San naman napulot yun ni mommy? Kung ano ano naiisip!

"yuck honeybabe? Mommy naman! Kahapon sugarpie. Nung isang araw bunchcake! Ano sunod chocolove?" Sabi naman ng kapatid ko na si sarah. 12 years old palang yan pero kung ano ano nadin naiisip. Pero sobrang sweet nyan.

"Manahimik kayong dalawang magkapatid dyan! Honeybabe oh! inaaway ako." sabi ni mommy kay daddy habang papaawa.

"Sige awayin nyo pa! hahaha!" sabi naman ni daddy habang tumatawa.

"Pinagtutulungan nyo ko? Sige kayong dalawa babawasan ko ang allowance nyo at ikaw naman Greg! wag kang tatabi sakin mamaya!" pananakot ni mommy samin.

"Hala mommy joke lang naman yun. Maganda talaga yung honeybabe. Ang sweet nga eh." bawi ng kapatid ko.

"Oo nga my maganda ka din pag nag pout. Bagay na bagay sayo." sabi ko naman.

"Hon naman joke lang yun. Hoy kayong dalawa wag nyo ngang awayin mommy nyo! iloveyou hon." Sabi ni daddy habang naglalambing kay mommy.

Tinignan muna kami ni mommy isa isa tapos unti unting ngumiti at pumalakpak.

"Weh? maganda talaga ko pag nakapout? Sweet din yung honeybabe? Yiiieeee! Ang sweet naman." Sabi ni mommy na parang kinikilig.

Ewan ko ba dyan mas isip bata pa samin. Feeling teenager e. Pero mahal ko yan. Kahit may pag ka-abnormal yan.

Tumayo na ko kasi tapos na kong kumain. Umakyat ako tapos humiga. Bakita ko sa gilid yung uniform ko na gagamitin ko bukas.

hmmm. Ano kayang mangyayari bukas? Katamad naman.

******

Guys please vote and comment :)

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon