Chapter 35

8.5K 477 47
                                    

Janine POV

Papunta na kong classroom nang makasalubong ko naman si Cedrick na kakatapos lang makipag-usap sa phone. Hindi ko alam kung tingin ko lang ba o talagang nakangisi siya habang nakatingin sa kawalan?

"Cedrick!"

Napatingin naman siya sakin at parang napahiya kasi mukha na siya ulit normal.

"Oy ikaw pala Janine!"

"Ako nga. Mukha ba kong si Mandy? -__-

"Haha. Ikaw talaga palabiro ka."

"Cedrick umamin ka nga. Naka drugs ka ba?"

"Ha? Hindi ah!"

"Ano lang?"

"Nababaliw lang."

"Sabi ko na nga ba eh. Dapat kanina pa ko tumawag ng ambulansya!"

"Mandy ikaw lang makakagamot sakin."

"Kelan pa ko naging doctor? At lalong hindi ko kaya magpagaling ng baliw. Nababaliw ka na ba?!"

"Oo."

"Hay. Itulog mo nalang yan Ced."

"Alagaan mo ko. Dalhin mo ko sa clinic."

"Kaya mo na yan. Gagawin mo pa kong taga alaga."

"Bakit hindi mo ba yun ginagawa nuon?" Hindi ko alam pero parang hindi ko nagustuhan yung mga sinabi niya.

"Dati yun. Diyan ka na nga!" Inalisan ko siya at naglakad na ulit papuntang classroom.

"Mapapasakin ka din ulit Janine! Tandaan mo yan."

Nakakainis! Hindi ako naiinis kasi bitter ako. Naiinis ako kasi parang gusto niyang iparating na may feelings pa ko sa kanya at kayang kaya niyang pabalikin ako sa kanya.

"At marami ka pang ibang alam kay Peter!" Napalingon ako sa sinabi niya.

"So ikaw maraming alam?" Pagtataray ko sa kanya.

"Oo. Tulad ng si Mandy talaga ang gusto niya." Umalis na ko pag katapos niyang sabihin yun.

As if naman maniniwala ako!

Habang naglalakad ako nakakarinig ako ng mga parinig. Mga kaartehan ng mga babae.

"Ano ba yan! Feeling maganda na!"

"Tss! Kala naman niya kinaganda niya yung nangyari kanina!"

"Hay naku! Andyan na yung mukhang palaka!"

Tss. Ano bang mapapala nila diyan?! At kelangan ba talaga paparinig nila? Di nalang sabihin ng diretso eh!

Pagkarating ko classroom buti wala pang teacher. Umupo naman ako agad sa upuan ko at yumuko.

Peter POV

"Kanin? Okay ka lang?"

Di siya sumasagot. Ano kayang nangyari at ganun na lang ang itsura? Baka masama pakiramdam?

"Kanin? Anong nangyari?"

"Uy kanin! Ano nang nangyari sayo? Okay ka lang ba? Masama ba paki----"

"MUKHA BA KONG OKAY HA?!! GANITO BA ANG MUKHA NG OKAY?!!!" sigaw niya sakin sabay alis.

"Anong nangyari dun?" tanong nila Jayson.

Nagkaroon narin ng bulungan sa classroom. Siguro dahil nga ngayon lang naging ganito sa kanin. Tsaka ano kayang dahilan? Kakausapin ko nalang siya mamaya.

----

Umabot na nang uwian pero kahit anino ni kanin wala. Hinanap ko din siya sa buong school pero wala talaga. Ano kayang nangyari na dun? Tsk!

Lumabas na ko ng school pero tumitingin tingin parin ako sa paligid kasi baka makita ko siya pero wala padin. Asan na kaya yun?

Pagkauwi ko, kinuha ko agad yung phone ko at tinawagan siya. Nakakailang missed call na ko pero wala padin. Text ko nalang kaya muna? Mababasa niya naman siguro yun eh.

Janine POV

Kanina pa tumutunog yung phone ko. Pero hindi ko sinasagot kahit alam kong si Tinapay yan. Nakakainis kasi eh! Sabi ko sa sarili ko kanina hindi ako maniniwala sa sinabi ni Cedrick pero basta! Hindi ko alam!

Teka bakit nga ba ko naapektuhan? Dahil ba gusto ko na siya? Waaaahhh! Bakit ang bilis naman?

Napansin kung tumigil na yung tunog ng phone ko kaya tinignan ko na muna. 7 missed calls at 1 new message.

Kanin? Ano ba talagang nangyari? Bakit ka nagalit sakin? Ano bang ginawa ko? Kausapin mo naman ako. Kanina padin ako nagaalala sayo.

"Kyaaaaaahhhh!!!"

Bakit ba ang hilig niya magpakilig?!

Tumunog ulit yung phone kaya sinagot ko na. Kawawa naman eh. Hihihi.

"Andito ako sa labas niyo."

Pagkasabi niya nun binaba na niya agad yung phone kaya tumakbo agad ako pababa.

Pagtingin ko sa labas, andun nga siya! Pakingshet! Anong sasabihin ko?! Okay kaya ko to!

Pagkalabas ko ng pinto lumapit agad siya sakin.

"Kanin ano ba kasi yun? Bakit ka ba nagagalit sakin?"

"Ha? Wala."

"Bakit nga? Paano ko itatama kung di mo sasabihin?"

"Wala! Sabi kasi ni Cedrick kay Mandy ka daw talaga may gusto!"

"Pfffffttt...... Hahahahahaha! A-ano? Hahahaha! Kay Mandy? Nagpapatawa ka ba? Hahaha!"

"Mukha ba kong nagpapatawa? -__-"

"Okay. Okay. Haha! Di ko lang napigilan."

"Tss!"

"Wala akong gusto dun noh! Kahit kuko nun hindi ko magugustuhan."

"Alam ko."

"Alam mo naman pala eh. Bakit nagagalit ka?"

"Wala."

"Ah! Alam ko na! Nag seselos ka noh?!"

"H-ha? A-ano? H-hindi a-ah!"

"Eh bakit nauutal ka? hahaha!"

Nagseselos nga ba ko? Pero hindi ko talaga alam. Hala. Baka mabaliw na din ako.

"Wala.Umalis ka na. Magkikita naman tayo bukas."

"Sige kanin. Iloveyou!" sabi niya sabay alis.

Ano daw?

Iloveyou!

Iloveyou!

Iloveyou!

Waaaah!!! Talagang sinabi niya yun?! Malapit na niya kong patayin!

Dahil sa sobrang hindi ko na ata alam kung sasabog na talaga yung puso ko kaya tumakbo ako sa sa kwarto at nagpaikot ikot sa kama.

Iloveyou!

"Kyaaaah! Grabe na to!"

****

Please vote and comment :*

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon