JANINE POV
Lunch time na at syempre bumaba na kami. Kasama ko ngayon sila Kyle.
At alam niyo ba? Syempre hindi pa. Kaya eto nga sasabihin ko. Buong linggo ako sinusungitan ng hinayupak na tinapay na yun! Kala mo gwapo eh! Well, gwapo naman talaga siya.
Friday na ngayon. At simula nung hinatid niya ko samin nung galing kaming Star City, di na niya ko pinansin at palagi niya kong sinusungitan!
Tulad neto.
"Hoy pandecoco!" tawag ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako at tumingin ulit sa pagkain niya. O diba? Pa suplado epek pa sya!
Nakita ko naman si Steph na mukhang lalandiin na naman si tinapay. Napansin atang mag-isa lang.
At ayun nga. Pulupot na naman ang kanyang kamay. Paano kaya pinaglihi ng Nanay neto ni steph sa ahas at linta? Kinakain din ba niya? Tsk tsk!
Pagkatapos landiin ni Steph si pandecoco. Dumaan siya sa harapan namin. May naisip akong magandang plano! Bwahahah!
"Steph gumaganda ka ata!" bati ko sa kanya pagkadaan sa harapan namin.
"Alam ko." sagot niya.
"Kaso sinungaling ako eh."
Natawa naman sila Kyle sa tabi ko. Ang bad ko ba? Hahaha
"Di mo lang kasi matanggap na mas maganda siya sayo." biglang may nagsalita sa likod namin at pagtingin ko si Mandy.
"Hala FC ka?" dumukot ako ng piso sa bulsa ko at inabot sa kanya.
"Ano to?"
"Piso. Hanap ka kausap mo."
"Hindi naman ikaw ang kausap ko!" asar niyang sabi.
"So, sarili mo pala kinakausap mo? Kawawa ka naman."
"HINDI DIN!"
"Hala! Wag mo sabihing nababaliw ka na? Mag patingin ka na bago pa yan lumala. Wala pa namang gamot diyan."
Nagtawanan naman lalo sila Kyle. Kaya lalong nainis si Mandy.
At hulaan niyo ginawa niya? WALK-OUT siya. Yan talaga ang role niya dito. Ang mag walk-out ng mag walk-out . Buti di siya napapagod sa ginagawa niya noh?
KINABUKASAN
Sabado na naman. Hay! Katamad! Isang linggo nadin simula nung sa Star City. At ewan ko ba! Naiinis ako kay Tinapay!
"NAK! ANDITO CLASSMATE MO!" sigaw ni mama.
Classmate? Sino namang classmate ko ang pupunta ngayon?
"SINO MA?"
"PETER DAW!"
ha? Ay oo nga pala! Ngayon nga pala yung napag-usapan nila ni kuya ng laban nila ng basketball.
Pupunta pala siya? Kala ko di na pupunta yun. Pagkatapos niya kong sungitan buong linggo! Hmp!
Gusto niyo ba malaman kung paanong ngayon sila mag babasketball? Kaso tinatamad ako eh.
Pero dahil mahal ko kayo. Sige na nga xD
flashback...
Nasa byahe kami ngayon ni Pandecoco at hindi niya ko pinapansin. Anong problema netong tinapay na to?
"Hoy tinapay! Anong nangyari sayo?"
"Wala."
Ang sungit naman neto! Kainis! Bahala siya dyan!
Pagkadating namin sa tapat ng bahay dapat aalis na siya kaso naabutan siya ng kuya ko na kararating lang din.
"Oy Brad! Ano na yung pinag-usapan natin?"
"Ha?"
"Yung laban natin sa basketball?"
"Ay oo nga pala. Ikaw ho."
"Kailan ka ba pwede?"
"Sat. at Sun. lang naman kami walang pasok eh."
"Oh sige. Sa Sat. nalang. Aasahan kita."
Pagkatapos nun umuwi na siya.
end of flashback..
Pero kung tutuusin pwede naman siyang hindi pumunta diba? Porket ba ayaw niya lang masabing duwag siya? O dahil dun sa deal nila? Ay wait! Erase erase!
Bakit ko ba naiisip yung deal nila? Eh imposible namang ligawan o magkagusto sakin yan. Wait!! Bakit ko ba kasi iniisip yun!
Napailing nalang ako at bumaba.
Pagkababa ko, nakita ko na sila ni kuya na nag-uusap.
"First na maka 20 points. Panalo." Sabi ni kuya.
Bahala sila diyan. Aakyat na sana ko ng tawagin ako ni Kuya.
"Di mo man lang ba papanuorin si Peter maglaro?" tanong niya.
Napatingin naman ako kay Tinapay at nakita ko siyang nakangiti sakin. Nakangiti?!!!! Totoo ba to?!!
Di ko alam pero biglang bumilis tibok ng puso ko. Feeling ko ang init.
"A-ah E-eh.... M-may gagawin pa ko eh." pagpapalusot ko.
"Manuod ka na. Linggo naman bukas eh."
Wala akong nagawa kasi hindi ako tinigilan ng kuya ko.
Pagkadating namin sa court, nagsimula agad sila kasi maganda ako. May connect yun. Ikaw nalang bahala mag isip.
Una palang tambak na si Pandecoco. Tatanga-tanga talaga neto. Gwapo pa naman ta----
Nagulat ako kasi bigla-biglang humahabol si Pandecoco sa score. Ang bilis niya. Halos hindi na makatira si kuya sa kanya. Okay anyare? Pati ba naman sa paglalaro ng basketball bipolar padin siya?
At ang nanalo sa kanilang dalawa ay walang iba kundi si Pandecoco. 17-20 ang score nila. Kaya ayan pagod na pagod sila.
"Janine! Pinapayagan ko na si Peter na manligaw sayo." sabi ni kuya habang naglalakad kami pauwi.
Bakit parang feeling ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko at feeling ko sasabog na yung dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko.
"H-ha?! Hoy kuya! Anong pinagsasabi mo?!
"Diba yun ang deal namin."
"Tse! Bahala kayo dyan!" sabi ko at inunahan silang maglakad.
"Anong nangyari dun?" narinig ko pang tanong ni kuya.
Pagkadating ko sa kwarto, nilock ko agad yung pinto at humiga sa kama. Tinakpan ko agad yung mukha ko ng unan at sumigaw ng sumigaw.
Nung mapagod ako sumigaw, gumulong gulong ako sa kama.
*BLAAG*
Tunog yan ng pagkalaglag ko. Ang tanga ko naman. At parang bigla kong natauhan. Pinaghahampas ko naman yung kama ko.
Di ko alam kung naiinis ako o kinikilig ako. Basta gusto ko magwala ngayon.
Bigla ko namang naalala yung mukha ni tinapay at feeling ko namula na naman yung mukha ko.
Waaaaaah!!!! Ano bang nangyayari sakin?
~~~~~~
NOTE:
Hello guyth! :)
Please sana naman may magvote at comment. Yung mga silent reader mag paramdam kayo para naman ganahan ako :)
Tinatamad na kasi ako. Hindi ko kasi alam kung may gusto ba netong sinusulat ko o kung may nag-aabang ba ng mga updates ko. Kailangan ko ng pampagana guys! Sana tulungan niyo ko. :)
Salamat :)))
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Teen Fictionmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))