PETER POV
Isang buwan nadin ang nakalipas simula nung maging tutor ko tong babae sa harap ko. Andito kami ngayon sa cafeteria at di padin sya tumitigil sa pang iinis sakin! naging hobby na nya yan e! Kagaya ngayon.
"Pandecoco?"
"Oh bakit KANIN?!" Talagang inemphasize ko yung word na kanin.
"Kanin ka dyan!"
"Katunog kasi ng Janine e!" Pang- aasar ko sa kanya.
"Pandecoco ka naman!"
"Kanin ka naman!"
"Pangit ka naman!"
"Sino nagsabi?"
"Ako! Kakasabi ko lang diba? Tanga ka?"
"Ikaw lang nagsasabi nyan."
"Syempre kaibigan kita."
"Huh?!"
"Sabi kasi nila kapag tunay ka daw na kaibigan sinasabi mo yung katotohanan. The truth hurts Ika nga."
"Ewan ko sayo!" sabi ko sabay tayo. Sabi ko nga di ako mananalo dun!
"Uy joke lang yun!" sabi nya habang hinahabol ako.
"Anong joke lang?!"
"Joke lang yung kaibigan mo ko pero totoo yung pangit ka."
"Ewan ko sayo! Wag kang susunod sakin ah!"
"Uy joke lang ulit yun! Joke lang talaga! Pogi ka naman e!"
"Wag kang sumunod!"
"Kesa naman ako yung sundan mo!"
"Alam mo kung di ka lang babae sinapak na kita!"
"Biro lang! to naman! Tara balik tayo ng library turuan nalang kita." Sabay hila sakin papunta sa library.
Pagdating namin sa library aral aral na naman pero di ko akalaing matuto ako sa babaeng to!
Pag mainit na ulo ko tumitigil na sya sa kakulitan nya. Malapit nadin yung exam namin kaya ayan review ng review para di bumagsak.
"Oy pandecoco pustahan tayo!"
"Ano naman yun?"
"Pag mataas nakuha mong grade sa exam ako palagi bibili ng lunch mo ng 1week tapos pag hindi naman. Ikaw ang gagastos ng sakin."
"Baka naman takasan mo ko?!"
"Pag sinabi ko ginagawa ko."
"Okay deal!"
"Deal!"
KYLE POV
Malapit na ang exam at eto ako ngayon nagrereview. Napansin ko na may umupo sa tabi ko. Pagtingin ko si Kaycee lang pala.
"Kaycee oh!" Inabot ko sa kanya yung iba ko nirereview.
"Anong gagawin ko dyan?" - Tanong nya.
"Tutitigan." sarcastic kong sabi.
Maya-maya napansin kong nakatitig lang sya dun sa binigay ko. Aba tinitigan nga lang!
"Kaycee naman! Nirereview yan! hindi tinititigan!" inis kong sabi sa kanya.
"Sabi mo titigan ko tapos ngayon nag rereklamo ka! Kakaiba ka din e noh!"
"Ako pa kakaiba ah! Magreview ka na nga lang dyan!" Sigaw ko sa kanya.
"Oo na! Kelangan sumisigaw?!"
"Oo kelangan sumisigaw!!"
"Sabi ko nga. Sige sumigaw ka lang ng sumigaw."
Napailing nalang ako! Grabe tong babaeng to!! Tatanda ako ng maaga kung eto palagi kong kasama e! Tsk tsk!
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mapambara
Novela Juvenilmeet 'Peter Jackson'. Isang masungit at snoberong lalaki na kinailangan lumipat ng ibang school. Sa kanyang paglipat nakatagpo siya ng makulit at mapambarang babae na palaging nagpapainit ng ulo niya. Ano kayang mangyayari? -enjoy reading :)))