chapter 29

8.2K 563 26
                                    

JANINE POV

Hay buhay nga naman! Bukas na yung gala namin ni Cedrick pero parang tamad na tamad ako.

Andito lang ako sa room at wala kaming teacher. Kaya eto ako nababagot. Naghahanap ng mapagtitripan.

Absent si Cedrick at Mandy. Tapos eto namang pandecoco sa tabi ko. Ayun tulog.

Ano bang pwede gawin? Isip isip!

Ahh! Alam ko na! Bwahahah!

Tinignan ko si pandecoco sa tabi ko na tulog na tulog.

Pinaglaruan ko yung mukha niya. ahahaha! Ang pangit niya!

Nilukot lukot ko yung pisngi niya tapos pinapangiti ko siya. Pinindot ko din yung ilong niya.

"Pffffftttttt!" pigil ko sa pagtawa. Grabe talaga! Epic! Hahaha!

Habang pigil ako ng pigil sa pagtawa at paglalaro sa mukha niya bigla siyang gumalaw kaya inayos ko muna yung sarili ko na parang walang nangyari.

Sakto namang paglayo ko. Bigla siyang nagising na parang gulat na gulat.

"Hahahahahahaha!" Tawa ko. Di ko na talaga mapigilan.

Ang epic ng mukha niya eh. Grabe! ahaha!

PETER POV

Nakaharap ako salamin at tinitignan yung sarili ko.

Ang gwapo ko talaga.

Kaso pagtingin ko ulit sa mukha ko. Nagulat ako.

Bakit parang nalulukot yung mukha ko? Bakit pumapangit ako? Ngimingiti din ng pagkalaki laki yung labi ko at parang binabanat. Tapos naramdaman kong may pumupindot sa ilong ko. Pero pagtingin ko sa salamin, walang ibang tao dito.

~Pprrrruuuuut~

Ano yun? Utot?

~Prrruuuuut~

Ayan na naman! San galing yung utot na yun?

Tinignan ko yung paligid. Ako lang tao dito.

Patuloy parin sa pag utot at pag lukot yung mukha ko. Nagulat nalang ako ng onti onting lumalayo yung salamin.

Napabalikwas ako sa gulat.

"Hahahahahaha!" tawa nitong katabi kong kanin.

T*ng ina! Panaginip lang pala! Parang totoo pa naman!

Hinawakan ko yung pisngi ko. Baka lukot lukot padin. Pero okay naman.

Tapos napatingin ako sa katabi kong kanin na mamamatay na kakatawa.

"Hoy kanin! Anong tinatawa tawa mo dyan!" tanong ko.

"Hahah Ikaw kasi hahaha! Ang p-pangit hahaha mo!" sabi niya habang nakahawak pa sa tiyan niya.

Nakakainis naman! Para kong tanga! Turn off siguro to sakin si Kanin!

Di ko nalang siya pinansin at hinayaang matapos sa kakatawa niya.

"Hoy tinapay!" tawag niya sakin.

Tapos na pala siyang tumawa?

"Tapos ka na bang tumawa?" inis na tanong ko.

"Hindi pa. Mamaya ko na itatawa yung iba."

"Sige tawa pa! Matuluyan ka sana!"

"Hahaha! Mumultuhin kita kapag nangyari yun." sabi niya na tumatawa tawa padin.

"Tapusin mo muna yang pag tawa mo bago mo ko kausapin!"

"Sungit nito! Okay. Ehem ehem!" sabi niya pa na inaayos yung boses niya.

"Ano na?!" iritang tanong ko.

Naiinis kasi talaga ko! Baka mukhang tanga ko kanina sa harap niya!

"Siguro meron ka na naman! Init ng ulo mo eh!"

"Wag kang maingay!"

"Sungit nito! Wala kasi akong mapagtripan!"

"At ako yung pagtitripan mo?"

"Parang ganun na nga." Sabi niya na nakangisi pa.

Napailing nalang ako. Grabe talaga tong babaeng to! Pasalamat siya gusto ko siya!

---------

JANINE POV

Uwian na! Sa wakas!

Sabado bukas pero aalis nga pala kami ni Cedrick! Katamad talaga. Mas gusto ko pang matulog sa bahay eh.

Sabay din kaming lumabas nitong tinapay na to.

Habang naglalakad kami ni tinapay palabas ng gate nakita ko sila Jayson, Kyle, Kaycee at may isa pang babaeng kasama.

Tagal na nung huli ko silang makabonding. Palagi ko kasing kasama si Buto.

"Huy!" bati ko sa kanila ng makalapit ako.

"Uy Janine! Kamusta?" bati ni Kyle sakin.

"Eto maganda padin." sagot ko.

Napansin ko namang magkaholding hands si Kyle at Kaycee. Ano to?!!

"Hoy ano yan?" tanong ko.

"Ka----"

"Alam kong kamay yan! At gagawing kong paa yan kapag di ka sumagot ng maayos!" putol ko sa sasabihin ni Kyle.

Napatawa naman siya. "Okay chill lang Janine." sabi niya tapos bumuntong hininga. "Kami na."

Di na ko nagulat. Halata naman eh. Syempre tinanong ko lang para makasiguro. Baka mamaya nilalandi lang pala nitong si Kyle si Kaycee e. Tatanga-tanga pa naman to.

"Ah. Kelan pa?" tanong ko

"Kahapon lang!" masayang sagot ni Kyle.

"Mabuti!"

"Sino yang kasama mo dude? Wala kang balak ipakilala?" tanong ni tinapay kay Jayson.

Oo nga! paksyet to ah! Kala niya makakaligtas siya.

"Ay oo nga pala." sabi niya na kumakamot pa sa batok. "Si Sharmaine nga pala. G-girlfriend ko." sabi niya na namumula yung mukha.

Ang lalandi ng mga kaibigan ko! Sila na may lovelife!

"Hoy kanin! Paano ba yan? May lovelife na sila. Tayo nalang wala. TAYO NALANG KAYA?" talagang inemphasize niya pa.

Naghiyawan naman tong sila Kyle.

Feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko.

Ang init grabe! Anong nangyayari? may umiikot ikot din sa tyan ko!

Pakshet! Gusto kong manghampas ng tao sobrang kilig!!

"Boom panes!"

"Bumabanat na si Peter Pan!"

Hiyaw ng mga kaibigan namin.

"Hoy kayo ang babanatan ko kapag di kayo tumigil!" sabi ko sabay alis.

Nakakahiya! Pero promise gusto ko talagang manghampas ng tao! Feeling ko sasabog na ko sa kilig!

******

hello po!

ttry ko pong gawan ng side story sila Kyle at Jayson. Kapag kinaya ng powers :D hehe! :)))

Mga silent readers! Magparamdam naman po ko kayo! :D di po nakamamatay :) pleaaaseee? :))

Vote and Comment! :*

Mr. Sungit meets Ms. MapambaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon