Taeyeon's POV
"Sigurado kang ayaw mo magpasama?" Umiling lang ako kay Baekhyun na kumakain pa at naka pjymas. "No, please paki excuse nalang ako sa teacher natin. Kaylangan ko na talagang umalis." Sabi ko at sinukbit sa balikat ko yung bag ko, narinig ko naman ang pagtawa niya. "Ihahatid nalang kita." Bigla siyang tumayo at kinuha sa ibabaw ng cupboard yung susi ng kotse niya. Kinunotan ko naman siya ng noo. "Aalis ka nang nakaganyan?" Tumango naman siya at nauna nang lumabas.
Napailing nalang ako, ni hindi niya panga tapos kainin yung niluto ko. Bakit? Pangit ba ang lasa? Tinakpan konalang 'iyon at pumasok na sa kotse niya. 6:30 palang naman ng umaga ngunit kaylangan konang umalis dahil bigla akong pinatawag ni Lolo, ang mastermind ng arranged marriage na ito. Medyo kinakabahan ako, napaka strict kasi nun. "Itaewon, Baekhyun." tumango nalang siya at nagsimula nang magdrive. Hindi maalis sa isip ko kung bakit bigla akong pinatawag ni lolo. Nang makarating kami ay nagpasalamat ako at hinintay na makalayo yung kotse niya bago ako pumasok sa loob.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba, bakit kaylangan niya akong ipatawag? Alam kong napaka importante nang sasabihin niya, dahil hindi naman iyon basta bastang nagpapakita saamin nila Mommy, pero sa palagay ko ay konektado parin 'yon kay Baekhyun. Labag man sa loob ko'y pinihit ko yoong doorknob papasok sa office niya, huminga ako ng malalim atsaka ito tinapunan nang pilit na ngiti. "Goodm--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bumungad saakin ang galit na galit na mukha niya at may inihagis sa mukha ko. Nalaglag ang mga iyon sa sahig. "What the hell are those Taeyeon!?" Galit na galit ang boses niya, nakaramdam ako ng matinding kaba at pinagpupulot yung mga pictures na nakakalat sa sahig, halos malaglag ang panga ko nang mapagtanto kong puro pictures namin ni Jiyoung ang laman ng mga litrato, noong niyakap ko siya, magkasama kami sa loob ng mall at kung ano ano pang shots. "Lolo--" padabog nitong hinampas ang lamesa, sa sobrang lakas ay halos mawasak yun.
"Don't try to deny! What the hell are you doing?! Wala kang utang na loob!" napayuko ako sa sobrang takot at sa sobrang sakit na nararamdaman ko, hindi physically pero emotionally. Nanginginig 'man ang mga tuhod ko, pinilit ko paring lumapit dito at sinubukang hawakan ang kamay niya. "Magkaybigan lang po kami ni Jiyoung." tumawa ito nang mahina at bahagya akong itinulak. "Taeyeon! Stop flirting with just anyone!! Remember the contract! You must get pregnant!" hindi kona napigilan ang sarili ko at napaluhod na ako sa sahig dahil sa sobrang sakit nang nararamdaman ko, patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko. "Kung buhay lang sana si Zee, kung siya nalang sana ang nabuhay." mahinang bulong nito.
Bata palang ako ay galit na saakin ang lolo, dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay nang kambal kong si Zee, galing kami ni Zee sa school noong araw na iyon at nagulat ako dahil biglang niyakap ako ni Zee, nagulat ako dahil may tama siya ng bala. Sinabotahe pala sila Daddy ng mga business partners nito at plinano ang pag asassinate saakin, pero niligtas ako ni Zee. Mas lalong tumulo ang mga luha ko ng maalala ko 'iyon. Sana siya nalang ang nabuhay, even mom and dad wasn't happy that i was the one who is alive. Zee is nice,intelligent, pretty lahat na ata ng traits na positive ay mayroon siya, while me? I tried my best but i guess it will never be enough. "Hindi po namin mahal ang isat-isa." Nahugot kona ata ang lakas ng loob ko masabi lang ang mga katagang 'iyon. "You don't need that love! You must bring an heir for the sake of this dying business!" Masakit. Hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing maririnig ko ang mga katagang yan mula kina mommy at daddy, at ngayon ay kay Lolo. Para akong gamit na ibinibenta para lang lumago ang business nila.
Nagulat ako ng hatakin ako nito patayo. "You want me to forgive you right?" Naging kalmado ang mukha nito, pero wala parin akong mabasang ekspresyon sa mukha niya. "You need to do what is inside the contract and were good." napapikit ako ng mariin dahil sa narinig ko, matagal konang gustong mapatawad ng lolo, matagal konang gustong tanggapin niya ako bilang apo, matanggap niya ako bilang parte nang pamilya.Matagal konang pangarap 'iyon magmula nang nawala si Zee. "Stop meeting that bastard, Baekhyun is a million times better." Hindi kona alam ang gagawin ko. Hindi ko na ito kayang sagutin pa kaya tumalikod na ako paalis, hindi kona ininda ang mga staffs na tintitigan ako. Pagkarating ko sa bahay ay wala na si Baekhyun at mukhang kakaalis lang niya, nagshower ako at nagbihis nang uniform, pagkarating ko sa school ay agad akong dumiretso sa mga kaybigan ko habang nakayuko. "Taeyeon?" Hindi ko makita ang ekspresyon ng mga mukha nila, hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin sila. "Huy, may problema?" nag aalalang tanong ni Sunny.huminga ako nang malalim at nginitian sila. "Namiss ko kayo, ilang araw konaba kayong hindi nakasama?" Ngumiti naman sila at ginulo ang buhok ko saka ako niyakap ng mahigpit.
"Ang cheesy, pero namiss karin namin Taeyeon. Sobraaaaa!" Halos takpan ko ang tenga ko dahil sa sobrang ingay ni Sooyoung. Hanggat maari, ayokong malaman nila ang tungkol sa paguusap namin ng lolo. "Taeyeon, pag may problema sabihin molang. Handa naman kami ni Yoona makipag away." pabirong sabi ni Yuri at nag ngisihan sila nila Yoona. "Ew, bakit mukha kayong gangsters mga Unnie?" nakakunot noong sabi ni Seohyun at itinago sa bag niya yoong libro niya. Bigla namang lumapit saamin sina Tiffany,Hyoyeon at Jessica na maraming bitbit na pagkain. "Ayan na Sooyoung, mabilaukan ka sana!" Napangiti ako habang pinapanuod sila. Zee, salamat dahil niligtas mo ako nuon at kung di dahil sayo ay hindi ko makikilala ang mga taong nasa harap ko ngayon.
******
Short and Sloppy update, mature contents on the upcomming updates and i mean by mature is full of vulgar words and such, but im not gonna make this book into a dirty one, im just gonna add some spice. HAHAHHHAHAHHAHAH
BINABASA MO ANG
Saranghae, BAEKHYUN!
Fanfiction[Book 1: Completed] Taeyeon, a bright and lovely daughter of the Kim Family loves her family very much that she would do anything for them, the day has come and in order to save their sinking company she should mary the heirs of BY clothing lines...